Chapter: 17

2.5K 60 0
                                    

Mikael (POV)

Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang opisina at ganun na lang ang gulat niya ng salubungin siya ng suntok sa mukha ng kakambal. Sa lakas ng suntok nito ay natumba siya.

"What's your problem?" Galit na tanong niya at pinahid ang gilid ng labi na dumugo.

"Ikaw ang problema ko! D*mn it."

"What?"

"Inuutusan kita na huwag ituloy ang kasal."

"Why would i do that?" Galit siyang tamayo at ginarap si Kysler na madilim ang mukha. "Pupunta ka dito ng ganito kaaga tapos walang sabi-sabi mo akong susuntukin at uutusan! Are you crazy Kent ky-

"Maybe your right! I'm crazy." Habol nito ang hininga dahil sa matinding galit na hindi niya alam kung para saan. "Please gawin mo na lang ang sinabi ko. Huwag mo na akong tanungin kong bakit."

Natigilan siya dahil ngayon lang naki-usap sa kanya ang kakambal ng ganon. Pero hindi niya kayang gawin ang iniuutos nito. He can't do that. "I won't do that! Nakatakda na ang kasal two weeks from now."

"D*amn you Mikael! Ikukulong ninyo lang ni Danielle ang sarili ninyo sa lintik na kasal na iyan. Masasaktan mo lang siya dahil alam nating pareho na wala kang kakayahan na magmahal hanggat hindi bumabalik ang ala-

"Shut up! Wala kang alam! Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat." He shouted.

"Yes! Sabihin nga natin na wala akong alam pero isa lang ang pinaka sigurado ako. You will hurt her."

"I try not to do that." Kalmanting sabi niya. "Bakit bigla ka yatang naging concern sa fiancee ko Kysler." Takang tanong niya. "Paano mo nalaman ang pangalan niya."

Tiim bagang at madilim ang mukha na tinitigan siya ni Kysler. "Because i know her. I know her very well."

Natigilan siya. "How?"

"She's my best friend."

"I see." Baliwalang aniya kahit bahagya siyang nabahala sa sinabi nito.

"Mikael hindi lang basta kung sino ang pinag-uusapan natin dito. She's my d*mn best friend."

"I know! Pero hindi mababago ng pagiging magkaibigan ninyo ang nakatakda naming kasal."

"May magagawa ka para hindi matuloy kong gugustuhin mo lang Mikael." Kinuwelyuhan siya nito.

"There's nothing i can do."

"Sabihin mo nga saakin kung anong plano ang sinasabi mo noon sakin. Napapayag mo na ba si Danielle huh?"

"I can't te-

"D*mn it! Just tell me what is it?"

"Okay." He sigh. "She agree to be my fake wife."

"What the h*ll." Gulat at galit na galit ito na bigla siyang ainuntok.

Dahil hindi inaasahan ang ginawa ng kakambal ay nawalan siya ng balance at natumba. Tumama ang ulo niya sa gilid ng center table.

Sinapo niya ng dalawang kamay ang nasaktang ulo.

"Mikael." Na gulat na nilapitan siya ni Kysler.

Namanhid ang pakiramdam niya ng may mga alaalang biglang nag flash back sa isip niya.

May mga pangyayaring salit-salitang nagpapakita sa alaala niya. Mga pangyayaring unti-unting lumilinaw at nagpapabalik sa kanya sa mga panahong iyon na wala siya sa bansa.

"Troy Mikael can you hear me?" Nag aalalang tanong ni Kysler pero parang wala siyang naririnig.

  ********

Kent Kysler (POV)

"Its my fault."

"What do you mean its your fault?" Takang tanong ni Venice. Naroon silang dalawa sa labas ng OR at hinihintay kung anong lagay ni Mikael. Kailanga itong operahan dahil pumutok ang ulo nito dahil sa lakas ng pagkakatama sa center table.

"Sa sobrang galit ko kanina ay hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin siya." Sising-sisi na aniya.

"Nag-away kayo ni kuya. Bakit?" Nag-aalalang tanong nito.

"Its nothing."

"Kuya Kysler its nothing? Pero nagsasapakan kayo."

"Its nothing really! Nagkapikunan lang kami."

Pagak na tumawa si Venice. "Kilala kita kuya Ky. Hindi mo ugali ang manapak ng tao dahil lang napikon ka."

Huminga siya ng malalim at napilitang sabihin kay Venice kung bakit sila nag-away ni Mikael. Hindi kaai ito titigil sa pagtatanong hanggat hindi nalalaman ang totoo. "Nag-away kami ni Mikael dahil inuutusan ko siya na huwag ituloy ang kasal nila ni Danielle."

"What? Anong kalukohan ang ginawa mo yon kuya?" Hindi makapaniwalang anito. "Hindi mo ba nakikita na mahal na mahal nila ang isa't-isa."

Napatiim bagang siya. "Hindi totoo yan dahil nagpapanggap lang sila! Ginawa nila kayong tanga Venice Keith." Galit na hiyaw niya.

Napaawang ang bibig nito at napailing-iling. "A-ano ba yang sinasabi mo kuya Kysler! Bakit nila gagawin yon?"

"Totoo ang sinasabi ko. Si Mikael mismo ang nagsabi sakin na nagpapanggap lang sila." Umiling siya. ""Hindi ko alam kung ano ang dahilan nila."

"I-iyon ba ang dahilan kaya mo inuutusan si kuya Mikael na huwag ituloy ang kasal nila?"

Nagbaba siya ng tingin. "Yes and more."

"Then what is it? Tell me kuya."

Mariin siyang pumikit bago nilingon si Venice at seryosong tinitigan. "Alam mong best friend ko si Danielle hindi ba?" Marahan itong tumango. "I ..." he pause. "I l-love her Venice! I really do." Napatungo siya.

"K-kuya." Nabigla at hindi makapaniwala si Venice. "Kung totoo nga na nagpapanggap lang sila alam ko na totoo lahat ng ipinapakita nila sa isa't-isa. I-i think they loved each other unknowingly." Alinlangan siya nitong tiningnan.

"Bakit mo sinasabi sakin ang sa tingin mo ay nakikita mo?" Nasaktang wika niya.

"S-sinasabi k yon p-para itigil mo na ang nararamdaman mo kay ate Dan-

"I try many times but i can't." Hirap na aniya.

"Kuya." Niyakap siya ni Venice. "You need to forget her! Mas masasaktan ka-

"Matagal na akong nasasaktan Venice! Na mamanhid na nga ako sa sobrang sakit."

She hug him tight. "Ilabas mo lahat ng sakit kuya para gumaan kahit papano ang nararamdaman mo."

Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ng walang ampat ang luha niya. "I-its killing me little by little." Isinubsob niya ang mukha sa balikat ng kapatid.

"Gan-ganyan nga kuya! Ilabas mo lang lahat." Napaiyak na ring sabi ni Venice.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak sa balikat nf kapatid.

"O-okay kanal ba?" Nag-aalalang tanong nito ng lumayo na siya at umayos ng upo.

"I feel better now! Thanks."

"Don't thank me old man! I didn't do anything." Pabirong hinampas siya nito at muling sumeryoso. "A-alam ba ni ate Danielle ang tungkol sa nararam-

"She didn't know."

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?"

Marahan siyang umiling. "Ayaw kong sirain ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa nararamdaman kong ito para sa kanya."

"Tell her! I think kailangan mo lang sabihin sa kanya na mahal mo siya para maka move on kana."

"Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya."

"Kayanin mo kuya!" She smiled assuringly. "I know you can."

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok nito.

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now