Chapter: 15

2.6K 68 0
                                    

Danielle (POV)

Nagising siya dahil sa nag-iingay na cellphone. Kinapa niya sa bedside table ang phone. May two message siya.

Ang isa ay galing kay Venice, saying 'Good morning.'

And the other one ay kay Kent. 'Sorry sa inakto ko kahapun! Nag-over react lang ako. Hindi ako galit! Nagtatampo lang.' Sabi ni Kent sa text nito.

Two am ng madaling araw ipinadala ang message ng kaibigan.

'Good morning! Can we talk?' Reply niya kay Kent at binati lang din niya ng good moening si Venice.

Bumangon na siya at naghanda para ihatid sa school si Rainier.

"Good morning hon."

"Good mornig two mom! Daddy picks us?"

"No! His busy."

"I miss him." Nalungkot na sabi ni Rainier.

"I know he miss you too hon." Nilapitan niya ito at niyakap. "Don't worry pupunta siya dito kapag hindi na siya busy."

"You think so?" Umaasang sabi nito.

"Yes! Now let's eat. Baka malate kapa sa klase mo."

Nang maihatid sa school si Raineir ay nagpunta na siya sa boutique. Tulad ng dati naroon na si Bella at Venice ng dumating siya.

"Magandang umaga ate Danielle." Masiglang bati ni Venice.

"Good morning din Venice, Bella." She amiled at them.

Buong umaga ay nagkulong lang siya sa opisina dahil may ipinagagawa na namang mga gown ang isa niyang cliente.

"Come in." Aniya ng makarinig ng katok sa pinto.

Nakangiting si Venice ang pumasok. "Ate, magpapa-alam lang akong lumabas! Lunch time na rin naman."

"Sige mag-iingat ka."

"Hindi kaba lalabas para mag-lunch?"

"Lalabas! Maya-maya lang! Tatapusin ko lang itong ginagawa ko."

She nodded. "Sige ate! Babalik din ako agad." Anito at nag-mamadali ng umalis.

Nung isang araw ay nagpaalam din ito na lalabas. Hindi naman niya matanong ang babae kung saan ito pupunta.

Maya-maya at nakaramdam na siya ng gutom kaya nag-umpisa na niyang ayusin ang mga gamit na nakakalat sa ibabaw ng mesa ng matigilan siya nang may marinig siyang tumutunog na phone. Hindi sa kanya iyon kaya nagtatakang lumapit siya sa kabilang mesa kung saan maayos na nakalagay ang mga gamit ni Venice.

Alinlangan niyang kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng desk at napilitang binasa ang message ng makitang kay Mikael galing iyon.

'Venice keith, pumunta ka dito sa condo! Right now.' Basa niya sa mesaage. Rereplayan sana niya ito pero muling nagtext si Mikael. 'Bilisan mo! Ibili mo na rin ako ng lunch. Masama ang pakiramdam ko.'

Nag-alala siya sa nabasa kaya nagdesisyon siya na siya na lang ang pupunta sa condo unit ni Mikael.

Sa nadaanag restaurant na lang siya bumili ng lunch para kay Mikael.

Pag dating sa tapat na condo ni Mikael ay ilang beses na siyang nagdoorbell pero wala paring nagbubukas ng pinto. Nangangawit na siya sa pag tayo doon.

Huminga siya ng malalim at muling nag-doorbell this time Mikael open the door. Halatang nagulat ito ng makita siya.

"What are you doing here?"

Loving You Unknowingly (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя