Chapter: 9

2.7K 77 0
                                    

Danielle (POV)



"Hello." Inis na aniya ng sagutin ang nag-iingay na cellphone. Naroon siya sa sala at pinapanood sina Rainier at Mikael na nasa garden at naglalaro.



"Its me! Macky, bakit yata ang init ng ulo mo."



Nakakainis kasi ang lalaking iyon." Naiinis siya dahil kahit anong tanong niya kay Rainier ay hindi nito sabihin kung ano ang ibinulong dito ni Mikael kanina.



"Lalaki? Sinong lalaki? Si Kent ba ang kaaway mo? takang tanong ni Macky sa kabilang linya.



"Hindi siya at hindi kami nag-aaway ni Kent.



"Sinong tinutukoy mo kung ganon? Ang ku-"



"He's not either." huminga siya ng malalim, "His name is Mikael, my boyfriend." hindi niya alam kung bakit ganon ang sinabi niya sa kaibigan.



"Kailan kapa nagka boyfriend? Ni isa nga ay wala kang manliligaw."



"You're wrong my dear friend, I have one and now we're on. Four months na kami."



"Mabuti at may nakaresist sa katarayan mo."



"Kaibigan ba talaga kita?"



"Iyan din ang tinatanung ko sa sarili ko." seryosong anito, pero maya-maya lang at humalakhak ito. "Hindi ka talaga mabiro."



"Ewan ko sa iyo. Bakit ka ba napatawag?"



"Mangangamusta lang."



"Okay naman kami. Maayos din ang takbo ng boutique. Kailan ka ba uuwi?"



"That's good to hear." natigilan ito, "hindi ko pa alam kung hanggang kailan pa ako dito."



"Hindi pa rin ba magaling si Tita?" nag-aalalang tanong niya na ang tinutukoy ay ang ina nito na may sakit.



"Wala pa ring pagbabago sa kanya." malungkot na anito.



"Sabihin mo magpagaling na agad siya. Dadalaw kami ni Rainier kapag wala akong masyadong trabaho at walang pasok sa school si Rainier."



"Okay, I tell her. Isama muna rin ang sinasabi mong boyfriend mo kung meron nga."



"You didn't believe me that I have a boy-"



"Sweetheart, sinong kausap mo?" tanong ni Mikael na hindi niya namalayan ang paglapit nito. Hawak nito ang isang kamay ni Rainier.



"I believe you now Danielle, I heard him called you sweet-"



"I told you." putol niya sa sinasabi pa ni Macky. "I call you later, bye." Tinapos na ang tawag.



"Kaibigan ko." baling niya kay Mikael. "Bakit?"



Umiling ito, "I have to go, may meeting akong kailangang puntahan." binalingan nito si Rainier. "Maglalaro ulit tayo pagbaik ko, okay?" Rainier nodded. "Bye." sabi ni Mikael sa kanya at bigla siyang hinalikan sa may gilid ng labi.



Nasundan na lang niya ng tingin si mikael hanggang sa makasakay ito sa kotse nito.



"Mom."



"Ha?" Wala sa sarili na tiningnan niya ang anak.



"I like him so much! His nice."



Loving You Unknowingly (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora