Chapter: 6

2.9K 64 0
                                    

Mikael (POV)




Nasa harap siya ng salamin at inaayos ang isinuot na neck tie nang may mag doorbell. Salubong ang kilay na binuksan niya ang pinto.



"Good morning tol." Nakangiting bati ni Kysler.



"Come in." nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ito. "Bakit ka nagpunta dito ng ganito kaaga?"



"Makiki-inom ng kape." He grin.



"Assh*le." Iiling-iling na isinara niya ang pinto.



Tatawa-tawang nagpunta ng kitchen si Kysler. "You want coffee too?"



"Yes please." Sumunod siya sa kapatid at naupo sa stool. "Bakit wala ka sa party last night?"



"How did you know? Don't tell me nagpunta ka?"



"Yes. I attend the party. So why didn't you come?"



Inilapag nito sa harap niya ang tasa ng kape. "May biglaan kaming shoot kagabi."



"I see." Aniya na sinimulan na ang pag-inom ng kape.



"Kumusta ang problema sa mga nanakaw na damit?"



"Naibalik na ang mga ninakaw, pero hindi parin nahuhuli si Angie."



"That's great. And don't worry si Bricks na ang bahala sa babaeng iyon." Tumango lang siya. "Pupunta kaba sa dinner na sinabi ni dad?"



"I don't know. How about you?"



"Hindi, Baka nasa Japan ako that time."



"I knew it." Sabay silang napatingin ni Bricks sa nagsalita. "My two brother is here."



Hindi na siya nagtaka kung paano ito nakapasok dahil alam naman nito ang code ng condo niya. "Why are you here?"



"Wala, naiinip lang ako sa bahay."



"At dito mo naisipang mamasyal Venice?" Iiling-iling na sabi ni Kysler.



"Yes, masama ba?" Inirapan nito si Kysler at naupo sa katabi niyang stool. "Kuya Mikael, hindi ba talaga ako pweding magtrabaho sa kumpanya mo?"



"No. Pareho tayong malilintikan kay dad kapag pinag trabaho kita dun."



"Kuya Ky, sa hotel mo na lang kaya ako mag-"



"No, like Mikael said, malilintikan tayo kay daddy."



Napasimangot si Venice. "Ano ba kasing naisip ni daddy at nag-bigay ng rule na bawal magtrabaho ang isang Quinlin sa sariling kumpanya kung hindi ikaw ang pinaka mataas."



She's right. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila tanggapin sa trabaho si Venice o ang iba pa nilang mga pinsan.



Nilingon niya si Venice ng may maisip siyang lugar kung saan ito pweding magtrabaho. "Sumama ka sa akin." Inubos muna niya ang kape bago tumayo at pumasok sa kuwarto para kunin ang susi ng kotse at ang coat niya.



"Saan mo siya dadalhin Mikael?" Tanong ni Kysler na nagpunta na sa sala katabi ang nagtatakang si Venice.



Hindi niya sinagot ang tanong ng kakambal. "Ky, ikaw na ang bahalang mag lock nitong condo. Let's go." Baling niya kay Venice at nauna ng lumabas.



Loving You Unknowingly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon