Chapter: 11

2.7K 70 0
                                    

Danielle (POV)

Pagkabukas pa lang niya ng pinto ng private room na kinaroroonan ng taong sadya niya ay nag-unahan na agad sa pagtulo ang luha niya. Lalo na ng tuluyan siyang makapasok sa loob at makita ang lalaki na payapang nakahiga sa kama.

Mukhang napaka sarap ng tulog ng lalaki kahit maraming aparato ang nakakabit sa katawan nito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kinahihigaan ng lalaki at ng makalapit ay nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang malamig na kamay nito.

"P-papa kumusta kana! Sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw." Tuluyan na siyang napa hagulgul ng iyak ng tanging katahimikan lang ang sumagot sa sinabi niya. "Pa, wake up! M-miss na miss ko na po kayo. H-hindi mo ba ako namimiss? Please pa, wake up. Ilang taon kanang natutulog. Papa g-gusto kana ding makilala ng anak ko." Bahagya niyang itinaas ang kamay ng ama at hinalikan ang kamay nito.

"I-i'm sorry! I'm so sorry. Kasalanan ko kung bakit ilang taon kanang natutulog. Kung hindi sana kita kinulit habang nagmamaneho h-hindi tayo mababangga ng oras na iyon. K-kasalanan ko kung bakit ka nandito ngayon at nahihirapan." She cried even more.

Yes! Its all her fault.

Eight years ago, araw ng eighteen birthday niya ay isinama siya ni Marco sa pupuntahan nito. May surprise gift daw sa kanya ang lalaki at habang nagmamaneho ito ay kinulit niya ito ng kinulit para malaman kung ano bang surpresa ang sinasabi ng ama.

She didn't stop asking hanggang sa bumangga ang kotse nilang sinasakyan sa humahagibis na truck.

Wala siyang maalala sa nangyaring aksedenti ng magising ilang araw matapos ang trahedya. She lost her sigh when she wake up. Takot na takot siya noon dahil walang makita kundi puro dilim lang pero ang papa agad niya ang kanyang hinanap. Galit na sinabi sa kanya ni Rebeca na comatose ang papa niya.

One month later pero hindi parin nagkakamalay si Marco. Nagdesisyon si Rebeca na ipadala siya sa canada dahil habang nakikita daw siya ng babae ay tumitindi ang galit nito sa kanya at baka kung ano pang magawa sa kanya kung patuloy siyang mananatili sa isang bahay kasama si Rebeca.

"P-pa, can you please wake-

"What the h*ll are you doing here?"

Gulat siyang napatayo at napatingin sa galit na nagsalita. "Mama-

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong matawag-tawag na mama." Tiim bagang na anito. "Ang kapal ng mukha mo na magpunta dito."

"B-binibisita ko po lang si papa."

"Get out." Hindi siya tuminag sa kinatatayuan. "I said get out." Sabi nito at hinawakan siya sa braso at hinila palabas ng kuwartong iyon.

"Ma, please don't do this to m-

"Huwag na huwag ka ng pupunta dito. Understand." Pabalya siya nitong binitiwan at iniwan. Pabagsak nitong isinara ang pinto.

Nanlalabo ang mata niya dahil sa luha na napilitan siyang maglakad palayo sa kuwartong iyon. Dahil nanlalabo ang mata ay hindi niya napansin na mat kasalubong pala siyang matangkad na lalaki. Huli na ng mapansin niya ito.

"Ouch." Mahinang daing niya.

"Miss tumingin ka nga sa di- sweetheart."

Takang tiningala niya ang nagulat na lalaki. "M-mikael." Ng makilala ito ay agad siyang tumungo para itago ang mukha na puro luha.

"What happened, you're crying." hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at itiningala. "Are you hurt or something?"

Umiling siya kahit hawak nito ang mukha niya. "N-no."

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now