Chapter: 21

2.8K 65 0
                                    

Danielle (POV)

Nang madala sa ospital si Mikael ay tinawagan niya si Venice. Nauna ng umuwi si Macky para bantayan si Rainier.

"Ate Danielle napatawag ka?"

"Alam mo ba kung anong nangyari kay Mikael?"

"Nag-away sila ni kuya Kysler at hindi sinasadyang tumama ang ulo ni kuya Mikael sa center table." Napasinghap siya. "Ate alam mo ba kung bakit pumunta ng canada si kuya Mikael? Pupuntahan daw niya ang kanyang asawa na si Raffie. Takang-taka nga siya ng magising at malamang nandito siya sa pilipinas."

Matagal bago niya nasagot ang nasa kabilang linya. "V-venice ako ang tinutukoy ni Mikael na R-raffie." Napakagat labi siya. "K-kasama ko siya ngayon! Nandito kami sa canada."

"How is he? Basta na lang kasi siya lumabas ng ospital."

"His fine."t i hope so. Dagdag ng isip niya. "Sige Venice tatawagan na lang ulit kita." Paalam niya sa kausap ng lumabas na ng ER ang doctor na tumingin kay Mikael. "D-doc how is he?" Worried na tanong niya. Sa ngayon ay kalilimutan na mo na niya ang galit niya sa lalaki.

"Okay na siya ngayon! Kasama kaba ng pasyente?" Tanong ng doctor sa wikang french.

"I-i'm his wife." Sagot niya sa ganun ding wika. May apat na taon din siyang nanirahan sa canada kaya marunong siyang magsalita ng french.

"Let's talk to my office." Sumama siya sa opisina ng lalaki. "Have a seat Ms. Riccardi." Hindi agad siya nakaupo dahil sa itinawag sa kanya ng lalaki.

Parang na miss niya na tawagin siyang Ms. Riccardi.

"Mrs. Riccardi iwasan ninyo na muling bumuka ang tahi sa ulo ni Mr. Riccardi! Iwasang maistress, mapagod at mag-isip ng kung ano-ano."

She nodded. "Doc bakit parang wala siyang ibang maalala kundi ang nangyari sa kanya five years ago?"

"Maybe dahil sa troma kaya nakalimutan niya ang kasalukuyan niyang buhay. Ginusto niyang bumalik sa dati niyang buhay kung saan siya masaya at walang problema."

Tumulo ang luha niya.

Marami siyang tanong na si Mikael lang ang makakasagot. Bakit siya nito iniwan ng walang sabi-sabi, bakit nagpanggap ito na hindi siya kilala. Bakit hindi ito nagpakilala na ama ni Rainier. Maraming bakit ang gumugulo sa kanya.

Nang matapos makipag usap sa doctor ay pinuntahan na niya sa private room na kinuha niya si Mikael. Inabutan niya itong mahimbing na natutulog.

Namumutla ito at parang nangayayat.

Nanginginig ang kamay niya na alinlangang hinaplos ang mukha ni Mikael. Kaya pala unang kita pa lang niya sa lalaki ay may kakaiba na siyang nararamdaman para dito. Kaya pala ganun na lang kabilis ang tibok ng puso niya kapag nakikita ito becauae her heart recognize him.

   ********

Troy Mikael (POV)

"Raffie." Iyon agad ang nasabi niya ng magising.

"She's  not here."

Babangon sana siya pero agad siyang hinawakan ni Macky sa balikat. "Umuwi lang saglit si Danielle, babalik din siya dito."

"What happened?"

"Nag collapse ka habang nag-uusap tayo nina Danielle kahapon." galit siyang tiningnan ni Macky. "Anong nangyari sayo at bigla kana lang nawala na parang bula limang taon na ang nakakalipas?"

"I don't  know."  Nalilitong tanong niya. "S-sinasabi mo ba na limang taon akong hindi nagpakita  sa inyo? Wala akong maalala. Ang natatandaan ko lang naaksidente ako habang papunta sa ospital na kinaroroonan ni Raffie." Hinawakan niya ang kumikirot na ulo. "After the accident nagising na lang ako sa isang ospital sa pilipinas. Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon."

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now