Chapter: 3

3.2K 73 0
                                    

Danielle (POV)




Lihim siyang napasinghap ng humarap sa kanya ang lalaking kausap ni Bella. Napaka tangkad nito kaya bahagya siyang nakatingala para makita niya ang mukha nito. Sing lamig ng yelo ang tingin sa kanya ng asul na asul nitong mga mata.



Nang masalubong niya ang tingin nito ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya.



He clear his troath. "Ikaw ba ang manager dito miss?"



"Yes why?" Naiilang na sabi niya dahil sa mataman nitong pagtitig sa kanya. Parang binabasa nito ang iniisip niya.



Ang boses nito ay napaka pamilyar sa kanya. Ang boses na iyon ay hinding-hindi niya makakalimutan.



"Saan mo nakuha ang mga gown na iyon?"



"You like them?"



"D*mn, just answer me woman."



Nainis siya sa pagmumura nito."Kung wala kang balak na bu-"



"Alam mo bang mga nakaw ang mga ibinibenta mong damit?"



"What, anong nakaw ang sinasabi mo?" Napatingin na sa kanila ang ilang costumer sa bahagyang pagtaas ng boses niya. "Sa office tayo mag-usap." aniya at tinalikuran na ito at nagpunta sa opisina na nasa kaliwa lang ng boutique. "Have a seat."



Nang makaupo ang dalawang lalaki ay naupo na rin siya.



"Nakaw ang ilan sa mga ibinibenta mo, miss."



"I'm Danielle Riccardi. Paano ako maniniwala sa sinasabi ng isang estranghero na napadaan lang yata dito?" kalmanting sabi niya.



"Ako ang may-ari ng mga damit na tinutukoy ko, Ms. Riccardi. I'm Mikael Quinlin I own the famous Quinlin Clothng Line."



Dapat ba siyang maniwala sa sinasabi nito?



"Totoo ang sinasabi niya. Ako nga pala si Bricks Takashima, His personal lawyer."



Tinanggap niya ang business card na iniabot ng lalaking nagpakilalang Bricks. "Mikael Quinlin. CEO of Quinlin Clothing Line." kinakabahang basa niya sa nakasulat sa business card na hawak. "H-how come?" naguguluhan siya. "A-ang alam ko legal ang pagkakabili ng co-owner ko sa mga damit na yon."



Nag salubong lalo ang kilay ni Mikael. "Saan daw niya nabili ng co-owner mo?"



Umiling siya. "Sa nakilala niya sa isang party na dinaluhan niya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan, walang nabanggit na pangalan si Macky."



"Gusto kong makausap ang co-owner na sinasabi mo."



"U-umalis siya papuntang Canada kanina lang."



"D*mn it."



"Easy lang Mikael."



"Kakasuhan ko kayo at ipasasara ko ang boutique na ito sa pag bebenta ninyo ng mga damit na ninakaw sa aking kompanya."



"Hindi mo pwedeng basta na lang ipasara ang boutique na ito. At hindi ko alam na mga nakaw lang ang mga damit na iyon." napatayo siya. "Kung gusto mo ibabalik ko lahat ng damit na pag-aari mo at babayaran ko ang mga naibenta na namin."



Pinaka titigan siya ni Mikael at tumayo na rin. "Hintayin mo na lang ang warrant of arrest na ipapadala ko Ms. Ricarrdi. Good day." anito at lumabas na ng opisina niya kasunod si Bricks na bahagya siyang nginitian bago umalis.



Loving You Unknowingly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon