Chapter: 8

2.6K 73 0
                                    

Danielle (POV)


NANG magising siya kinabukasan ay na mumugto ang mata niya at namumula ang isang pisngi.


Hindi siya pwedeng makita ni Rainier na ganun ang mukha kaya si Jane na lang muna ang pinag hatid niya sa bata sa school.



Matapos niyang maligpit ang kinainan ay nagpunta siya sa garden sa gilid ng bahay dala ang cellphone niya at tinawagan si Venice.



"Hello ate Danielle, napatawag ka?" Masayang sabi ng nasa kabilang linya.



"Hindi ako makakapasok ngayon may importante lang akong lakad." Dahilan niya.



"Alam ba ni kuya kung saan ka pupunta?"



"H-hindi ko pa nasasabi sa kanya."



"Okay. Take care. Don't worry ako ng bahala dito sa Rain boutique."



"Thanks."



Pagkatapos ng tawag ay inabala niya ang sarili sa pag didilig ng mga bulaklak doon sa garden. "Tatawagan ko ba si Mikael o hindi." Natigilang bulong niya. "Galit ba siya dahil sa halip na tulungan ko siyang makatakas sa gusto ng daddy niya ay lalo pa itong naipit dahil sa akin." Huminga siya ng malalim at laking gulat niya may mag salita sa may likod niya.



"Yes! I'm mad! Really mad."



"M-mikael." Humarap siya sa lalaki.



"What the hell happened to your face?" Madilim ang mukha na lumapit ito sa kanya. "Si dad ba ang gumawa niyan sayo?" Napatungo siya. "Tell me d*mn it."



"H-he isn't."



"Then who?" Hinawakan nito ang baba niya at itinunghay ang mukha niya.



Kunot na kunot ang noo nito. "Rebeca Smith." Pagkabi niyang iyon ay tumulo ang luha niya na agad naman niyang pinahid. "Sorry." Aniya at inalis ang kamy nito sa baba niya para sana lumayo dito pero agad siya nitong nahawakan sa braso.



"Rebeca Smith, your mother?" She nodded. "Why? Bakit ka niya sinaktan." Tiim bagang na tanong nito.



"N-nagtalo kami kagabi dahil hindi ako payag sa gusto niyang ipakasal ako."



"Hindi parin dahilan yan para saktan ka niya."



"B-bakit kaba nagagalit kung sinaktan ako ni Rebeca Smith."



Mag-iwas ito ng tingin at binitiwan ang braso niya. "I'm not! Why would I?"



Lihim siyang napangiti dahil kahit paano ay mukhang consern ito sa kanya. "Paano mo pala nalaman na nandito aki at wala sa boutique."



"Venice called me."



"Wala naman akong sinabi sa kanya na nandito ako."



"Nagbaka sakali lang ako na nandito ka and I'm right."



Isinama niya ito sa sala. "Coffee?"



"Yes please."



Iniwan muna niya ito at nagpunta sa kusina para ipagtimpla ito ng kape. Hindi niya alam na sumunod pala ito sa kanya kaya bahagya siyang nagulat ng magsalita ito.



"I come here." He pause for a while and stared at her. "To stop our fake relationship."



Napasinghap siya at gulat na napatingin kay Mikael. "T-that's good." Aniya na pinasaya ang tinig kahit sa loob-loob niya ay may kakaiba siyang sakit na naramdaman.



Loving You Unknowingly (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon