Chapter: 13

2.5K 60 0
                                    

Danielle (POV)

Abala siya sa pagdidilig ng halaman ng bigla na lang may tumakip sa mga mata niya.

"Kent bakit kaba nang gugulat?"

"How did you know its me?"

Nakalabing humarap siya sa kaibigan. "Ikaw lang kasi ang nang gugulat sa akin ng ganito."

He chuckle. "Ang cute mo kasi kapag nagugulat."

"Ewan ko sayo." Tinalikuran niya ito at itinuloy ang pagdidilig. "Ang tagal mong hindi nagparamdam sa akin."

"Palagi akong out of town. Wala ka naman dito sa bahay o sa boutique ng minsan akong umuwi dito sa bansa."

"Kailan yon?"

"Two weeks ago."

Natigilan siya at napaisip. "Nasa ospital kami. Nagkasakit kasi si Rainier."

"Kumusta naman siya? Tinatawagan kita pero hindi mo naman sinasagot."

"Naiwan ko dito sa bahay ang phone ko that time."

"Ganun ba." Tumango ito at nakangiting inilabas ang isang kamay na kanina pa nasa likod. May hawak itong bouquite. "Siya nga pala flowers for yo-

"Maam may nagpa deliver ho." Lumapit sa kanila si Jane na may dalang bulaklak. Ibinigay nito iyon sa kanya. "Para sa inyo daw ho."

"Kanino daw ba galing?" Takang kinuha niya ang isang bungkos na bulaklak.

"Wala hong sinabi. Tingnan na lang ho ninyo sa card." Sabi ni Jane at iniwan na sila.

Salubong ang kilay na kinuha niya ang maliit na card na nakaipit sa mga flowers. "To my lovely sweetheart from M.?" Mahinang basa niya sa nakasulat sa card.

Namula na naman siya ng marealize kung sinong M iyon na nagpadala ng mga bulaklak. Naalala na naman niya ang ginawa ni Mikael na paghalik sa kanya nung isang araw.

"Anong nakalagay sa sulat? Sino ang nagpadala?"

Nagulat pa siya ng magsalita si Kent. Kasama nga pala niya ito. "Y-yung fiance ko ang nagpadala." Utal na aniya.

Dumilim at nag salubong ang kilay ni Kent. "Fiance? Wala ka namang boyfriend paano ka magkaka fiance. Hindi magandang biro yan Danielle. Hindi nakakata-

"Totoo ang sinabi ko. S-sa fiance ko ito galing. Ilang buwan ko na siyang boyfriend at last month he propose." Nakatungo at kagat labing sabi niya.

"D*mn it! Huli na pala ako." Pinag samang galit at sakit na bulong nito.

"A-anong sabi mo?" Tanong niya dahil hindi niya naintindihan ang ibinulong nito.

"B-bakit hindi mo sinabi sa akin na may nanliligaw na pala sayo at naging boyfriend mo pa ng hindi ko alam." Naghihinanakit na sabi ni Kent. "Diba wala dapat lihiman sa isa't-isa dahil mag best friend tayo pero ano itong ginawa mo Danielle."

"I-i'm sorry! Hindi kasi kita mahagilap. A-ayaw ko namang sabihin sayo sa phone."

"Dalawang buwan lang akong nawala Danielle! Tapos ganito na agad."

"H-hindi ko gustong maglihim sa-

"D*mn it! " ibinato nito ang hawak na bulaklak. "Bakit mo nga naman sasabihin sa akin ang lahat ng nangyayari sayo eh I'm just your f*cking best friend." Sakastik na sabi nito.

Hindi niya na pigilang mapahikbi. "Kent pakinggan mo muna ako-

"You disappoint me Danielle riccardi." Tumalikod na ito at naglakad palayo.

"Kent naman. Mag papali-

"Wala kang dapat ipaliwanag." Tuluyan na itong umalis.

Napa hagulgul na lang siya ng iyak dahil sa inis.

Parang nakakabatang kapatid ang turing niya kay Kent. Isang tawag lang niya ay dumadating agad ito at parang anak na rin ang turing nito kay Rainier.

"M-maam." Alinlangang lumapit sa kanya si Jane dala ang cellphone niya. "K-kanina pa ho nagriring kaya sinagot ko-

"Salamat." Kinuha niya ang aparato at itinapat sa isang tenga. "Iwan mo na ako." Taboy niya sa katulong. "Hello?" Inis na aniya.

"Its me sweetheart. Nagustuhan mo ba ang-

"D*mn you! I hate you." Galit na galit na sabi niya at pinatay na ang cellphone.

Kahit anong pagtawag ni Mikael ay hindi niya sinasagot. Naiinis siya sa sarili at kay Mikael niya naibunton ang galit niya.

Wala namang kasalanan si Mikael sa hindi niya pagsasabi kay Kent ng tungkol sa kanila ng una.

"Baka kung anong isipin ni Mikael sa sinabi ko." Nagpalakad-lakad siya. "Ang tanga mo kasi. Hindi ka nag-iisip." Bulong niya sa sarili. "Anong mukha niyan ang ihaharap ko kay Mika- na laglag ang panga niya ng pagharap niya sa kaliwa ay makita ang aliw na aliw na si Mikael.

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now