Chapter: 22

3K 60 0
                                    

*Six years before*

Troy Mikael (POV)

Palinga-linga siya sa paligid. Nagbabaka sakali na may makita siya na puwedeng tuluyan. Naroon siya ngayon sa canada. Doon sila nadestino ng matalik niyang kaibigan para sa bagong kaso na hawak nila.

His a secret agent.

Pag lingon niya sa kaliwa ay naagaw ng isang maliit na babae ang atensyon niya. Bigla na lang kasi itong naglakad pasa gitna ng kalsada.

"Sh*t." Mura niya at parang may sariling isip ang katawan niya na patakbong nilapitan ang babae at hinila ito pasa gilid ng daan. Dahil siguro napalakas ang hila niya dito ay nawalan sila ng balanse kaya natumba silang pareho.

Relief na nasundan na lang niya ng tingin ang itim na kotse na muntik ng makabangga sa babae.

"W-what happened?" Takot na tanong ng babae sa wikang french.

Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil natatakpan ng buhok sa pagkakatungo. Nasa ibabaw niya ito at ng marealize niya iyon ay hinawakan niya ito sa mag-kabilang balikat at inilayo sa kanya para makatayo siya.

Nang makatayo ay mapagpagan ang nadumihang damit ay inilahad niya ang kamay sa harap ng babae na natiling nakupo sa lapag. "Let me help you." Pero hindi man lang siya nito tiningnan.

Naiinis na siya na mismo ang humawak sa isa nitong kamay at hinila patayo. "Hindi mo ba naintin-

"I understand." Putol nito sa sasabihin niya sa wikang french. "Bakit kaba biglang nanghihila? Stalker siguro kita."

Natawa siya sa huli nitong sinabi. "Miss sa gwapo kong ito mukha ba akong stalker ha?"

"M-malay ko ba."

Hindi mukhang pilipino ang babae kaya hanga siya sa galing nitong mag-tagalog. "Miss hindi ako karulad ng iniisip mo. Sa halip na pag-isipan mo ako ng masama, magpasalamat kana lang dahil iniligtas ko ang buhay mo." Seryosong sabi niya.

"A-anong iniligtas ang ibig mong sabihin?" Tumingin sa kanya ang babae sa unang pagkakataon.

Nagsalubong ang kilay niya at napaawang ang bibig niya ng makita ang mukha ng babae. Napaka ganda nito. Bilugan ang mukha at bahagyang na mumula ang magkabilang pisngi pero hindi ang mga iyon ang ikinagulat niya. Kundi ang lampas-lampasan nitong tingin sa kanya.

Dahan-dahan niyang itinapat sa mukha ng babae ang isang kamay at iwinagayway. "Bulag ka pa-

"I already know that mister." Mataray na sabi nito. "Puwede bang sagutin mo na lang ang tanong ko huwag mong pansinin ang mga mata ko. Ano iyong sinasabi mo na iniligtas mo ako?"

"Muntik ka nang mabangga kung hindi agad kita nahila." Kitang-kita niya ng mamutla ang babae sa takot. "Bakit kasi bigla-bigla kana lang tumawid ng hindi tinitingnan ang sinada- natigilan siya. "I'm sorry! I didn't mean to insult you miss." Huli na ang paghingi niya ng sorry dahil bakas sa mukha nito ang sakit.

"Kung iinsultohin mo lang din naman ako hindi kana sana nag magandang loob na iligtas ako." Sabi nito at tinalikuran na siya.

"Miss sandali lang." Pinigilan niya sa balikat ang babae. "I'm sorry okay! Nabigla lang aki kaya nasabi ko yon." Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagpapalieanag siya sa isang estranghera. Hindi naman sila magkakilala para intindihin pa niya ang galit nito.

Tinabig nito ang kamay niya na nakahawak sa balikat nito. "Walang kaso iyon." Nagpatuloy na ito sa paglalakad.

"Miss hintay." Nang hindi siya pansinin ng babae ay nagmamadali niyang binalikan ang maleta niya na basta lang niya iniwan kanina ng makita ang babae na muntik ng mabangga.

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now