Chapter: 2

3.8K 87 0
                                    

Danielle (POV)



"Sorry, sorry talaga." Paulit-ulit na sabi niya habang nakatingin kina Macky at Cathy na magkatabing nakaupo. Sakay sila ng van papunta sa Airport at mukhang maiiwan ng eroplano si Macky dahil nalate siya ng dating. "Dapat nauna na kayong nagpunta sa Airport, hindi na ninyo ako hinintay."



"Ilang ulit ko bang sasabihin na okay lang talaga. Ako ang nagdesisyon na hintayin ka Danielle"



"You heard him, it's okay."



"Eh bakit ka nga ba nalate?"



"I-inihatid ko sa school si Ranier at may dinaanan pa ako" kagat-labing sabi niya.



"Kumusta naman ang inaanak ko?"



"Natin, inaanak natin Macky" pagtatama ni Cathy sa sinabi ng nobyo nito.



"He's fine, lalong nagiging makulit."



"Natural lang sa mga bata ang pagiging makulit."



"How did you know?"



"I just know, may problema ba dun?"



"Maglambingan na lang kayo kesa mag-away." natatawang sabi niya sa dalawa.



"Maiinggit ka lang samen kaya hindi kami maglambingan." sabi ni Cathy



"H-hindi ah nasusuya na nga ako sa inyong dalawa."



"Nakakasuya ba talaga tayo Macky?"



Umiling-iling lang si Macky.



Minsan pinagdududahan niya kung bakla nga ba talaga si Macky dahil lalaking-lalake ito kapag kasama nila si Cathy o talagang magaling lang magpanggap ang kaibigan.



"Maghanap ka na kasi ng lalambingin Danielle, para hindi ka nasusuya sa amin ni Macky."



Natawa siya ng manigas sa kinauupuan si Macky ng halikan ito bigla ni Cathy sa gilid ng labi.



"Kay Rainier pa nga lang kulang na kulang na ang oras ko kaya hindi ko rin maatupag ang pag boboyfriend."



"Sabihin mo natatakot ka lang na hindi magustohan ng lalaking mamahalin mo si Rainier."



"Cathy ano ba yang sinasa-"



"I-i think she' right Macky, maybe."



Mag sasalita pa sana si Cathy pero naroon na daw sila sa Airport sabi ng driver.



Tumulong siya sa pag bababa ng mga bagahe ni Macky mula sa likod ng van kahit pinipigilan siya nito ay tumulong parin siya.



"Tatawawan ko agad kayo pag baba ko ng eroplano."



"Asahan namin yan Macky." aniya.



"Huwag kang mambabae dun at mag-iingat ka." Naluluhang sabi ni Cathy at yumakap ng mahigpit sa nagulat na si Macky.



Nang maghiwalay ang dalawa ay siya naman ang yumakap sa lalaki at natatawang binulungan ito."Hindi kaya manlalaki?"



"D-danielle marinig- "



"Wala naman akong sinabi."



Pinag hiwalay sila ni Cathy." Anong pinag bubulungan ninyo ha?"



Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now