Chapter: 19

2.5K 61 0
                                    

Danielle (POV)

Pag datimg sa canada ay sa bahay nina Macky sila tumuloy ni Rainier. Tuwang-tuwa ang kaibigan ng makita sila. Hindi nito alam na ngayon ang dating nila.

"Bakit hindi ka nagsabi na ngayon ang punta ninyo dito para naman na sundo ko kayo sa airport."

"Hindi na surprise kung nagpasundo kami." Napalabi siya.

"Umiyak ka ba?" Pinakatitigan siya nito.

"H-hindi." She lied.

"Kilala kita danielle,kaya alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo." binalingan ni Macky ang mayordoma na nasa isang tabi lang at nakatingin sa kanya. "Manang pakisamahan naman sa guest room sa Rainier."

Agad na sinunod ng may edad na babae si Macky.

"Kumusta na si ti-

"Huwag mong ibahin ang usapan Danielle." seryosong sabi niya. "Now tell me? "

Huminga siya ng malalim at pagod na naupo sa sofa. Naupo sa tabi niya si Macky. "Si Kent kasi."

"Anong meron sa lalaking iyon? Nag-away ba ka-

"No!" umiling -iling siya. "Na-nagtapat siya sa akin ng maihatid niya kami ni Rainier sa airport."

"Anong nag tapat? linawin mo nga?" Inis ng sabi nito.

"N-nagtapat siya sa akin na m-mahal niya ako higit pa sa pagiging kaibigan."

"What? Baka naman binibiro ka lang niya."

"Seryoso siya Macky. Noon ko lang siya nakita na ganun kaseryoso."

"W-wala ngang dahilan para magbiro siya ng ganun." Huminga ito ng malalim at pinakatitigan siya. "Anong isinagot mo kay Kent?"

"Pangalan lang niya ang nasabi ko sa gulat.Nang makabawi ako sa sa gulat ay magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako. H-hindi daw niya kailangan ng sagot ko Macky! Gusto lang daw niya na ipaalam sa akin kung ano ang nararamdaman niya."

"Danielle noon pa man napupuna ko na ang kakaibang mga tingin sayo ni Kent! Hindi ko lang pinapansin."

Nanlaki ang mata niya. "Y-you mean noon pa lang a-alam mo nang may nararamdaman sa akin si-

"Maybe! Hindi lang ako sigurado."

Yumakap siya kay Macky. "Anong gagawin ko! Hindi ko gustong saktan si Kent pero k-kaibigan at nakakatandang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya." Napaiyak na naman siya.

"Shh, wala kang dapat gawin Danielle. Ituloy mo lang ang friendship ninyong dalawa. Alam kong iyon din ang gusto ni Kent. Huwag mong sayangin ang pagkakaibigan ninyo ng ilang taon  ninyong inalagaan."

"M-masasaktan ko pa rin siya."

"Hindi maiiwasan iyan, kasama sa pagmamahal ang masaktan."

Napakagat labi siya. "Ayaw kong maramdaman ni Kent ang naramdaman kong sakit noon ng iwan na lang ako ni Troy ng walang paalam."

"Magkaibang sakit ang sa inyo! Nasaktan ka ng sobra ng hindi inaasahan at nasaktan si Kent dahil iyon ang pinili niya. Umpisa pa lang alam na ni Kent na masasaktan siya pero itinuloy parin niya na mahalin ka! Dahil iyon ang gusto niya."

"Kung kaya ko lang ibaling sa kay Kent ang nararamdaman ko kay ...." natigilan siya.

"Kanino?"

"H-hindi ko alam." Naguguluhang aniya.

"Hindi ko alam? Puwede ba iyon?" Napatawa si Macky.

"Seryoso ako Macky hindi ko alam."

"Hindi mo alam kung mahal mo ba talaga ang Mikael na sinabi mong boyfriend mo? O mahal mo talaga siya naguguluhan ka lang dahil kay Troy! Your runaway husband."

Mariin siyang pumikit. "Macky I -i think .. I think I loved them both." Napatungo siya.

"What." Nanlaki ang mata nito. "Imposible iyang sinasabi mo Danille. Naguguluhan ka lang."

"Sigurado ako Macky p-pakiramdam ko nga p-parang iisang tao lang sila."

Napailing-iling ito. "Iniisip mo lang iyan dahil hanggang ngayon ay si Troy parin talaga ang mahal mo. Galit ka lang sa kanya kaya akala mo mahal muna din si Mikael."

"Oo matindi ang galit ko kay Troy pero mahal ko parin siya a-at mahal ko din si M-mikael. Sigurado ako."

"I think your crazy." Inis itong tumayo. "Feel at home. Puntahan muna lang si Mommy sa kuwarto niya kung gusto mo siyang kumustahin." Yun lang at iniwan na siya nito.

Hindi niya masisisi ang kaibigan kung magalit ito sa kabaliwan niya.

Mikael (POV)

Parang pinupukpok ang ulo niya sa sakit ng magising sa pamilyar na lugar na iyon.

"Thank God Kuya gising kana."

Masayamg mukha ni Venice ang namulatan niya. "Bakit ako nandito?" Paos ang boses na tanong niya. "Kailangan kung puntahan si Raffie. Hinihintay niya ako." Nagpilit siyang bumangon.

'N-naaksidente ka." Pinigilan siya nitong bumangon. "Hindi ka puwedeng umalis Kuya baka maka-"

"Let me go Venice." Tinabig niya ang kamay nito at ng makabangon ay inalis niya ang kung anong nakakabit sa kamay niya. "Hinihintay ako ni Raffie. Siguradong nag-aalala na siya sa a-"

"Kuya Mikael ano bang sinasabi mo?" Hinarangan siya ng kapatid. "Ano bang nangyayari sayo?"

Tinitigan niya ito. "Paano mo nalaman na nandito ako sa canada?"

Nagulat ito. "C-canada? Kuya wala tayo sa canada nandito tayo sa pilipinas."

"Paano ako mapupunta dito Venice? Nasa canada ako. Doon ako naaksidente hindi ba?" Galit na aniya.

"Hindi. Nandito ka sa pilipinas. Dito ka naaksidente dahil nag-away kayo ni Kuya Kysler."

"Wala akong natatandaan na nag-away kami." Nilampasan niya ito. "Kailangan kong puntahan si Raffie ang asawa ko." Kinuha niya ang mga damit na nasa may sofa at dali-daling nagpalit ng damit.

Hinawakan siya ni Venice sa braso para pigilang lumabas ng private room na iyon ng ospital. "Kailangan kang matingnan ng mga doctor Kuya."

"Hindi ko kailangan ng doctor." Aniya at inalis ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

Malalaki ang hakbang na iniwan niya ang kapatid. Kahit anong pag-tawag nito sa kanya ay hindi niya pinansin.

"D*mn it." Galit na galit na mura niya ng sa paglabas ng ospital ay makitang nasa pilipinas nga siya. Napatunayan niya iyon dahil sa nakitang building na katapat lang ng ospital. Ang Quinlin Clothing Line.

"Kuya bumalik na tayo sa lo-"

"Venice Keith gawan mo ng paraan na makapunta ako sa canada ngayon din mismo."

"I-imposible ang gusto mo-"

"Do what I say. D*mn it." Bulyaw niya.

"But-"

"Kung hindi mo kaya ako na lang mismo ang gagawa ng paraan. Give me your phone."

Alinlangan nitong ibinigay sa kanya ang cellphone. "Sasama ako sayo."

"No! You stay there."

Tinawagan niya ang Quinlin Airline at inutusan ang mga taohan na ipaghanda siya ng private plane papunta sa canada.

"Thanks." Aniya ng maibalik kay Venice ang cellphone. "I'll be fine. Don't worrt." Sabi nita at pumara ng taxi at nagpahatid sa Quinlin Airline.

Habang sakay ng taxi ay iniisip niya kung paano siya nakapunta ng pilipinas gayong ang natatandaan niya ay nasa canada siya. Doon siya naaksidente habang papunta sa ospital na kinaroroonan ni Raffie. Ang kanyang asawa.

Pag dating sa Quinlin Airline ay agad siyang sumakay sa private plane na maghahatid sa kanya sa canada.

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now