Chapter: 14

2.5K 62 0
                                    

Mikael (POV)

"K-kanina ka pa ba diyan?" namumulang tanong nito.

"Not that long." he grin "Sapat lang para makita at marinig ang ginagawa at sinasabi mo."

Natakip nito ang dalawang kamay sa mukha. "Bakit ka nagpunta dito, anong kailangan mo?" inis na anito para itago ang hiya na nararamdaman.

"Itatanong ko lang kung bakit bigla kang nagalit sa akin, hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko kaya nagpunta na lang ako dito to ask you personally."

Papunta na talaga siya doon kina Danielle at naisipan niya itong tawagan at ganuon na lang ang gulat niya ng murahin siya ni Danielle at sabihing galit ito sa kanya. Habang nagmamaneho papunta doon ay naisip niya kung may nasabi o nagawa ba siyang mali at bigla na lang nagalit ang babae pero alam naman niyang wala siyang ginawa na dapat nitong ikagalit.

"S-sorry akala ko kasi ikaw iyong frank caller." kagat labing nag-iwas ng tingin.

"Really, and who is that." dahan-dahan siyang lumapit kay Danielle hanggang sa wala na itong maurungan.

"I-I don't know." hindi siya tuminag sa kinatatayuan kahit bahagya siya nitong itinulak. "Lumayo ka nga."

"Why?" mas inilapit niya ang mukha.

"K-kasi." she bite her lower lip again.

"What?" ngumiti siya to tease her more.

"N-nai-

His phone suddenly ring. Inis siyang lumayo kay Danielle at pagalit na sinagot ang tawag. "Hello, what is it?!"

"Easy ang init naman ng ulo mo." Bricks chuckle.

"Kung wala kang matinong sasabihi iba-

"Wait, tumawag ako dahil nag-aaya ang kakambal mo na lumabas."

"I'm bu-

"I know, pero kapag hindi ka pumunta siguradong magtatampo yun, kilala mo naman ang kapatid mo matampuhin.

Napahinga siya ng malalim, "okay, saan ba at anong oras?"

"Sa dating lugar, seven pm sharp."

Napailing na lang siya ng mawala na sa linya si Bricks. Pagharap niya kay Danielle ay huling huli niya itong nakatitig sa kaya pero hindi niya na lang pinansin.

He clear his throat. "Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?" tanong niya na napakunot noo ng mapansin na dalawang bungkos na bulaklak ang nasa ibabaw ng mesa. "Isa lang ang ipinadala ko hindi ba?"

"Yes, I like pero b-bakit bigla kang nagpadala ng mga flowers?" ng-iwas ito ng tingin. "Sa kaibigan ko galing ang isa."

"Kasama ko kanina si Mommy at napadaan kami sa tindahan ng mga bulaklak, inutusan niya akong ibili ka ng mga iyan, that's why." kunwari ay napilitan lang siya na padalhan ito ng bulaklak. "Kaibigang lalaki I see." he nodded and said coldly.

"I knew it, hindi totoong tayo para maisipan mong bilhan ako ng flowers." parang nalungkot na anito.

"Yeah right." tiim bagang na aniya. "Masamang tingnan na tumatanggap ka ng bulaklak mula sa ibang lalaki, habang ang alam ng lahat ay ikakasal ka na."

"Walang meaning ang-

"Maybe sa iyo pero sa iba, iba ang iisipin."

Matalim siyang tiningnan ni Danielle. "Huwag kang mag-alala hindi na ito mauulit." Malamig na sabi nito.

"I hope so." he paused. "Aalis na ako." tinalikuran na niya ito at hindi na hinintay ang sagot ng babae.

Pagkasakay niya sa sasakyan sa driver seat, galit niyang nahampas ang manibela. "What the hell are you doing Mikael, you act like a d*mn jealous fiancé!"

Mainit ang ulo niya ng bumalik sa kumpanya hanggang sa pumunta siya sa meeting place nila nina Bricks at Kysler.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Bricks sa kanilang dalawa ni Kysler. "Bakit parehong hindi maipinta ang mukha niyong dalawa?" natatawang sabi ni Bricks.

"It's none of your business." magkasabay na sabi nila ng kakambal.

Lalong lumakas ang tawa ni Bricks. "Kambal nga kayong dalawa walang duda. "

Tiningnan lang niya ito ng masama, "Anong meron at bigla kang nag-aya na lumabas?"

"Nothing I just want to hang out. " nag kibit balikat ito. "Bakit ang init ng ulo mo?" he ask him.

Nilingon siya ni Kysler at ni Bricks na biglang naging seryoso. "Lovers quarrel." Bricks said after a while.

"Tol, don't tell us may nararamdaman ka na sa fiancèe mo?"

N
"Nothing I told you Ky, that wont happened" he snap and drink his wine.

"Huwag kang magalit Mikael, tinatanong ka lang ng kakambal mo." tinapik siya ni Bricks sa balikat.

He sigh.

Habang lumalalim ang gabi ay napaparami ang inom nilang tatlo.

********

Kysler (POV)

"Tol hinay-hinay lang sa pag-inom." awat niya kay Mikael, nang suno-sunod ang ginawa nitong pag-tuga.

Mas mukha itong broken hearted kaysa sa nararamdaman niya.

Mas matindi pa sa nabasted ang nararamdaman niyang sakit ng malamang ikakasal na ang babaeng mahal na mahal niya. Ang babaeng ni hindi alam ang tungkol sa nararamdaman niya para dito.

"Kysler mukhang matindi ang problema ng isang iyan." Iiling-iling na tiningnan ni Bricks si Mikael. "Sa tingin ko may something na sa kanila ng fianceé niya, hindi niya lang matanggap, what do you think?"

"Maybe, kakaiba nga ang aura ni Mikael ngayon. Nabawasan na ang pagiging mainitin ng ulo at marunong na din siyang ngumiti."

"Napansin mo rin pala ang kakaiba kay Mikael." Natatawang sabi ni Bricks.

"D*mn that woman!" sabi ni Mikael habang nakasubsob sa mesa.

Nagkatinginan sila ni Bricks at napailing. "Mukhang may tama na nga siya sa babaeng iyon."

"You think so Bricks?"

Bricks nodded. Ihatid na natin i-

Naputol ang sasabihin ni Bricks dahil biglang nagring ang cellphone ni Mikael. Hahayaan na lang sana nila ang nag-iingay na phone pero walang balak tumigil ang kung sinong tumatawag hanggang sa hindi sinasagot.

Napakunot noo siya at natigilan sa akmang pag sagot sa tawag ng mabasa sa screen ang nakasulat na pangalan. "D.R! Sweetheart." Mahinang aniya at pipindutin na sana ang answer button pero tumigil na iyon sa pag-riring.

Hinintay niyang muling tumawag ang kung sinong D.R sweetheart na iyon pero hindi na ito tumawag pa.

Magkatulong nilang dinala sa sasakyan si Mikael at inihatid sa condo nito.

Sa condo na lang ni Mikael sila natulog ni Bricks. Tinatamad na siyang magmaneho pauwi.

Bago siya natulog ay itenext muna niya ang kanyang matalik na kaibigan.

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now