Chapter: 20

2.6K 61 0
                                    

Danielle (POV)

"Hindi mo naman ako kailangang samahan dito."

"Baka bigla kana lang magbreak down dito."

"Macky naman."

"What?"

Dalawang bagay ang dahilan kung bakit biglaan siyang nagdesesyon na pumunta roon sa canada. Una para bisitahin ang mommy ni Macky pangalawa ay para puntahan ang dati nilang bahay roon. Marami siyang magagandang alaala sa bahay na iyon, sila ni Troy.

Inikot niya ng tingin ang buong sala ng makapasok sa loob ng bahay. She miss this place.

Mula ng makalabas siya sa ospital five years ago matapos siyang operahan sa mata para muling makakita ay ilang araw lang siyang nanatili sa bahay na iyon.

Napilitan siyang lumipat sa bahay nina Macky dahil nagkasakit ang tiyahin niya na kasama nila ni Troy sa bahay. Maselan kasi ang pagbubuntis niya at wala siyang makakasama sa bahay kaya lumipat siya. Hindi niya alam kung nasaang lupalop ng mundo naroon si Troy.

Nawala na lang ito bigla sa mismong araw ng operasyon niya. She hate him for leaving her not saying anything.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko." Iiling-iling siyang nilapitan ni Macky. "Kaya nga ba ayaw kitang pumunta dito! Iiyak ka lang."

Hindi niya namamalayan na umiiyak na pala siya. "W-wala ito. Na mimiss ko lang si tita Becca." Pinunasan niya ang kanyang luha.

"Si tita Becca ba talaga?" Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Hindi kaya si Troy, ang handsome runaway mong husband?"

"I hate him! You know that Macky." Kuwari ay galit na sabi niya.

"Yes! I already know that. Pero alam kung hindi totoo sa loob mo ang galit na nararamdaman mo pa-

Naputol ang sasabihin ni Macky at sabay silang napatingin sa direksyon ng pinto ng bigla iyong bumukas.

"Troy."

"Mikael." Sabay na sabi nila ni Macky. "A-anong ginagawa mo dito? P-paano mo nalaman na nan- naputol ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa mata ni Mikael.

There was something in his eyes that made him look.. as if he had missed her .. as if he was excited to see her.

"Mabuti at alam mo pa ang daan papunta dito." Nanunuyang sabi ni Macky. "Ang kapal naman ng mukha mong magpunta dito matapos ng gina-

"M-macky ano bang sinasabi mo! Kilala mo ba si Mikael?" Takang tanong niya.

"Danielle kailan pa naging Mikael ang pangalan ng magaling mong a-

Pareho silang natigilan ni Macky ng bigla siyang yakapin ni Mikael. Sobrang higpit ng yakap nito sa kanya. Parang sabik na sabik ito sa kanya.

"B-bakit?" Napaka bilis ng tibok ng puso niya at ramdam din niya ang tibok ng puso ni Mikael.

"Sweetheart nakakakita kana! Nakikita mo na ako?" Masayang bulong nito. "I-i'm sorry hindi ako nakaabot sa ospital bago ka operahan."

"A-ano bang sinasabi mo Mikael! Hindi kita maintindihan." Kinakabahang itinulak niya ito.

Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at namumula ang mga mata na tinitigan siya. "Raffie sweetheart! I miss you so much."

Napaawang ang bibig niya ng tumulo ang luha nito. "B-bakit ka umiiyak? Bakit mo alam ang first name ko?"

Bahagyang natawa si Mikael. "Syempre naman alam ko! Your my wife right."

Nagulat siya at nagtataka niyang nilingon si Macky. "Alam mo ba ang sinasabi niya?"

"H-hindi mo ba nakikilala ang boses niya Danielle? Hindi mo ba siya kilala?"

"I know him! Siya si Mikael quinlin, ang sinasabi ko sayo na-

"My God Danielle, siya ang asawa mo na bigla kana lang iniwan ng walang paalam. Siya si Troy riccardi."

Hindi makapaniwalang ibinalik niya ang tingin kay Mikael. "No! That's not true Macky." Umiling-iling siya.

"Raffie its true! I'm your husband." Nasaktang sabi ni Mikael. "Hindi mo ba natatandaan ang boses ko?" Mariin siyang pumikit. "Sweetheart its me."

Bigla siyang napamulat ng marealize na kaboses nga ito ni Troy. "B-bakit hindi ka nagpakilala sa akin ng unang beses tayong nagkita sa boutique?"

Nagsalubong ang kilay ni Mikael o Troy. "Wala akong natatandaan na nagkita tayo sa isang boutique. Nang magising ako sa isang ospital sa pilipinas dito agad ako nagpunta."

"Anong g-ginagawa mo sa ospital?"

"Naaksidente ako habang papunta sa ospital na kinaroroonan mo. Naaksidente ako matapos mo akong tawagan."

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Hindi ba tinawagan mo ako dahil natatakot ka na ooperahan kana para makakita ulit?" Naguguluhan siya. "Iyon ang dahilan kaya hindi agad ako nakapunta sa ospital. Dumaan ako sa ospital kanina dahil akala ko naroon kapa."

"Its been five years ago! Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ito?" Her heart ache. "Ginawa mo akong tanga! Pinag panggap mo pa ako na girlfriend at- Mikael." Gulat at takot na aniya ng bigla na lang natumba si Mikael. "Wake up! Mikael." Tinapik niya sa pisngi ang lalaki. Natigilan siya ng mapansin na may benda pala sa ulo si Mikael. "M-macky dalhin natin siya sa ospital."

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now