Chapter: 10

2.8K 70 0
                                    

Danielle (POV)

Magkasama silang naglalunch ngayon ni Venice sa isang restaurant sa loob din ng mall kung nasaan ang boutique niya.

"Bakit ako ang niyaya mong maglunch! Hindi si kuya?" Taas kilay na tanong ni Venice.

"His busy."

"His not! If you- Natigilan ito at tiningnan ang cellphone na nag-vibrate. "Si kuya." Anito bago sinagot ang tawag. "Hello my handsome brother napata- Napahinto sa pagsasalita si Venice at ipinasa sa kanya ang phone. "Gusto ka daw niyang maka-usap ni kuya."

Takang kinuha niya ang cellphone at inilagay sa tenga niya. "H-hello Mikael."

"Where are you? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo naman sinasagot at kanina kapa rin tinatawagan ni Jane."

Bigla siyang sinalakay ng matinding kaba. "N-naiwan ko yata sa bahay ang cellphone ko. B-bakit ako tinatawagan ni Jane. May nangyari ba kay Rai-

"Damn it! Danielle, your son is here in the hospital! Come here now."

Napatayo siya at nanlamig ang pakiramdam niya sa sinabi ni Mikael. "A-anong nangyari sa kanya. Bakit siya nasa hospital?" Tarantang tanong niya at naglakad na palabas ng restaurant. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Venice.

"His sick! Really sick."

"O-okay i come. Saang ospital?"

Pagkasabi ni Mikael kung saang ospital ay tinapos na niya ang tawag. Palinga-linga siya sa paligid ng makarating sa labas ng mall at naghahanap ng masasakyang taxi.

"Ate Danielle saan kaba pupunta! Ihahatid na kita."

Nilingon niya si Venice na sumunod pala sa kanya. "Okay lang ba?"

"Oo naman." Ngumiti ito.

Nang makarating sa ospital ay hinayaan na lang niya si Venice na sumama sa kanya kung nasaan sina Mikael.

"Nurse anong room number ni Rainier riccardi?"

"Wait lang mam."

"Pakibilisan please."

"Room 509 po! 4th floor."

"Thanks." Nagmamadali silang sumakay ni Venice sa elevator. Kilala niyang palatanong at makwento si Venice pero habang kasama niya ito ngayon ay naging napaka tahimik nito.

Pag labas ng elevator sa 4th floor ay agad na niyang hinanap ang room 509. Nasa ikatlong pinto sa kaliwa mula sa elevator ang room 509 kaya madali lang nilang nahanap iyon.

Hindi kumakatok na basta lang niya binuksan ang pinto ng silid. Nakaupo sa gitna ng kama si Rainier at kaharap si Mikael na nasa gilid naman ng kama nakaupo. Ang dalawa lang ang nasa loob ng silid.

"Hon." Nilapitan niya si Rainier at niyakap. "May sakit ka daw! Anong nangyari?"

"Yes! But I'm fine now mom." He smiled weakly. "Don't worry."

"Naulanan daw siya kahapun kaya bigla siyang nilagnat. Sabi ng doctor wala namang dapat ipag-alala." Walang emosyong sabi ni Mikael sa kanya.

Nagulat siya ng maya-maya ay hampasin ni Venice si Mikael. "Kuya ang bad mo talaga."

"Ano b Venice your hurting me."

"Dapat lang sayo yan. Tinakot mo ng sobra si ate Danielle kanina."

"Venice stop." Nakiki-usap niyang tiningnan ang babae.

"Mom, who is she?"

Tiningnan niya si Rainier. "Siya si tita Venice! Kapatid ni daddy Mikael."

"Hi Rainier! Kumusta ang pakiramdam mo?"

Loving You Unknowingly (Completed)Where stories live. Discover now