Chapter 4

9.9K 338 21
                                    

RAQUEL
#NOBYA

Iminuwestra ni Ginoong Romnick ang bangko kaya tumango ako bago lumapit sa katabi nitong upuan.

May nakahanda nang mga pagkain sa lamesa na umuusok pa at halata na bagong luto ito.

Napalabi ako at napalunok nang makaramdam ng gutom ang aking tiyan, nahaplos ko tuloy ito.

Nag-angat ako ng tingin kay Ginoong Romnick, bigla akong napkurap dahil nakatitig na pala ito sa'kin.

"Bakit po, Ginoong Romnick?" Titig na titig siya sa'kin at pakiramdam ko ay tutuklawin niya ako sa paraan ng pagkakatitig niya, kinabahan ako.

"Ilang taon ka na?" Muli na naman akong napakurap sa tanong  niya.

"Ako'y nasa labing siyam na taon na. Ikaw po, ilang taon na, Ginoong Romnick?"

Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya at ugat sa noo, habang hindi niya ako nilulubayan ng titig. Tagos na tagos sa mga mata ko.

May dumi ba sa aking mukha?

Naihaplos ko tuloy ang aking palad sa aking mukha at hinanap kung may dumi ba ako, baka kase may dumikit na sabon sa mukha ko na hindi natanggal kanina sa pagligo ko.

Wala naman, ah. Medyo makinis naman ang mukha ko at wala naman akong tigyawat, kinukuskos ko naman agad kapag lilitaw na iyong maliit na bukol, baka kase lalaki pa. Iyon daw ang mabisang gawin sabi ni sister Agnes.

Narinig ko ang marahas nitong paghinga na kinabalik ko sa aking ulirat, napatingin ako sa kaniya.

"Twenty five, hindi nagkakalayo ang edad na'tin kaya tigilan mo na ang pag po at tawag na ginoo sa'kin. Ganoon na ba ako katanda para sa'yo, Raquel?"

Agad akong napailing sa kaniyang sinabi bago napaisip kung naisabi ko ba sa kaniya ang pangalan ko.

Naisabi ko ba? Makakalimutin na kase ako kung minsan.

Sabi nga noon ni mother Isabelle na ang bata ko pa daw ay malilimutin na ako pero minsan lang din.

Kamusta nga pala sila mother Isabelle doon sa Kombento? Miss ko na sila at nais ko nang bumalik ng Kombento, pero hindi ako babalik doon hangga't hindi ko dala ang magandang balita.

Nakarinig ako ng tikhim na kinatingin ko kay Ginoong Romnick. Oo nga pala, kinakausap niya pala ako.

"Anong gusto mo na itawag ko sa'yo, Ginoong Romnic—" Agad kong natakpan ang aking labi. Kakasabi lang ni Ginoong Romnick na ayaw nitong tawagin ko siya sa ganoon.

"Use my first name." Napatango ako.

"Kung iyan ang nais mo, R-romnick.." Nauutal ko na sambit.

"It's Colosas for you."

"Ha?" Pagtataka kong tanong.

"Call me Colosas if we're alone." Matiim niyang pagbanggit. Napatango na lang ako sa kaniya. Siguro ay pangalawang pangalan niya iyon.

"Sige, C-colosas." Nauutal kong sabi.

"Sounds better." Kinuha nito ang kaniyang tasa at humigop pero nakita kong gumalaw ang sulok ng kaniyang labi na parang nakangisi siya 'yata.

"P-pwede ba akong kumain, C-colosas?" Humina ang boses ko dahil sa hiya at hindi din ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya, pero ang ganda ng kaniyang ngalan.

"Para naman sa iyo ang mga pagkain na iyan. Kumain ka na." Agad na lumiwanag sa galak ang aking mukha.

Pumikit ako at pinagsiklop ang aking mga palad sa ibabaw ng lamesa.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now