Chapter 5

9.8K 319 18
                                    

RAQUEL
#DI-KANAIS MAKITA

Nakakalula sa ganda at yaman ang mga kagamitan dito sa loob ng bahay nila Miss Kellian.

Napapatingala pa ako sa taas ng hagdan dahil sobrang taas noon, pati ang mga nakasabit sa kisame ay pawang elegante din.

Makintab ang sahig na para bang nahihiya pa akong tapakan.
Napakalamig din dito sa loob.

Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaki at kaganda na bahay. Halata na sobrang yaman ng pamilya nila Miss Kellian.

Siya din pala ang kaisa- isang anak ni Mr. Aragon.

"Pwede ko na ba maka-usap si Mr. Aragon?" Tanong ko na kinatigil nito sa paghalukay ng kung ano sa mga paper bag na nasa kama nito.

Nakaupo din ako dito sa malambot niyang higaan at kay laki ng kaniyang silid, nakukulayan ito ng pink.

Pagkapasok na'min sa loob kanina ay agad niya akong hinila papasok dito sa loob ng kaniyang silid.

Komuntra si Ginoong Colosas pero hindi nakinig itong si Miss Kellian, kaya wala na siyang nagawa maski ako ay napatangay na din.

"Mamaya na, may kausap kase si Dad sa kaniyang office." Bumalik na siya sa kaniyang paghalukay at hindi ko alam kung ano ang hinahanap niya sa mga bag.

"Here! Sa iyo na lang ito. Tiyak babagay sa iyo ang dress na ito!" Agad akong umiling na kinatigil nito bago hinagod ang kabuuan ko.

"Oo nga pala nakalimutan kong madre ka. So, ano na lang ang gusto mo?" Ngumiti ako at hinawakan ang isa niyang kamay.

"Salamat, pero huwag ka nang mag-abala. Ang nais ko lang ay maka-usap ang iyong Ama." Napalitan ng pagtataka ang mukha nito bago ako hinarap.

"Ano ba ang kailangan mo kay Dad? Bakit nais mo siyang maka-usap?" Nahalata siguro nito dahil tatlong ulit ko na 'yata nasabi ang linyang iyon.

"Dahil sa aming Kombento. Nais kase ng Ama mo na pagtayuan niya ng hotel at casino ang lugar." Mabilis kong saad at napahinga ako ng maluwag ng masabi ko ang totoong ipinunta ko dito.

Tumango- tango naman si Miss Kellian bago siya bumitaw at tumayo.

Nakita ko na parang napaisip ito ng malalim.

"Halika na at bumaba na tayo. Alam kong naiinip na doon ang kapatid mo sa ibaba, baka magtampo iyon sa'kin." Bigla nitong sabi bago hawakan ang kamay ko at hinila palabas ng kaniyang silid.

Pagkakita ko kay Ginoong Colosas ay hindi nga maipinta ang pagkakunot ng kaniyang mukha habang nakahilig ito sa hamba ng pinto, nakapikit pa ang kaniyang mga mata.

Agad na bumitaw sa'kin si Miss Kellian at mabilis na tinungo si Ginoong Colosas.

"Babe!" Dumilat siya at ako ang una niyang natingnan bago tumuon ang pansin niya kay Miss Kellian.

"Tsk. Akala ko hindi mo na ibabalik ang kapatid ko." Paasik nitong sambit na kinangiti lang tsaka pagyapos ni Miss Kellian sa braso nito.

Napangiti ako dahil bagay silang magkapareha. Maswerte si Miss Kellian kay Ginoong Colosas, ipagdarasal ko ang kanilang kaligayahan.

"Babe, samahan mo akong kumain." May himig na paglalambing sa boses ni Miss Kellian.

Napatingin sa'kin si Ginoong Colosas, tumango agad ako ng mahimigan ang pinapahiwatig ng mga mata nito.

"Maghihintay na lang ako dito." Hindi na nakapagsalita si Ginoong Colosas, dahil mabilis na siyang nahila ni Miss Kellian.

Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko ay nalungkot ako ng mawala sa'kin tabi si Ginoong Colosas.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon