Chapter 30

8.4K 270 15
                                    

RAQUEL
#Sweet

"I hate you!" Biglang sigaw ni Clarit sabay tayo nito at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan.

"I'm sorry. Susundan ko lang." Maagap na pagtayo naman ni Tita Clarita na may nang-uunawang tingin, bago nito sinundan sa taas ang anak.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Tita Carolina na kinatingin ko sa kaniya, nakatingin ito sa hagdan bago bumaling sa amin.

"Binigla mo naman ang pinsan mo, anak. Sana hindi mo na sinabi iyon." Sabi nito kay Colosas, na tumigil sa pagkain at tiningnan si Tita.

"Alam ko ang bawat kilos niya, Mom. Hinahayaan ko lang para sa ikakasiya niya pero kung ang balak niya na paselosin si Raquel sa pagdikit sa akin ay hindi ko hahayan 'yon." Mariin na sabi niya bago itinaas sa lamesa ang magkasiklop na'ming mga palad.

Akma ko din sana kakalasin pero hindi pumayag si Colosas, tiningnan niya ako ng seryoso bago bumalik kay Tita ang tingin, na nakatingin din sa amin ng seryoso, si Tito ay tahimik na nagbabasa ng diyaryo niya.

"Pero hindi sana dito sa hapagkainan, anak—"

"Mom, Mas maaga mas maganda para tantanan na ako ng pinsan kong 'yon. Alam kong may gusto siya sa akin and you know that also." Pagpisil ni Colosas sa aking palad na kinatingin ko sa kaniya.

Nagkasalubong ang aming mga mata kaya umiwas agad ako ng tingin. Ngayon ko napagtanto ang kinikilos ni Clarit, kase may gusto pala siya kay Colosas na sariling pinsan niya.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Tita Carolina.

"Pero si Raquel naman ang ginamit mo, anak. Naikuwento niya ang lahat ng kalokohan mo at hindi ko gusto iyon. Huwag mo siyang utusan sa mga bagay na hindi niya gusto dahil sa ikaw lang ang makakapitan niya dito." Nakatitig siya kay Colosas ng seryoso habang sinasabi iyon, may bahid ng babala at mayroon din na pag-aalala.

"Pinapagawa ko lang sa kaniya ang dapat niyang sanayin, Mom. Dahil hindi naman ako papayag na lumayo siya sa akin." Sa akin pa din siya nakatitig at hindi iyon nilulubayan, mas lalo tuloy akong nailang sa magulang niya at sa mga pinag-uusapan nila na tungkol sa'kin.

Nakita ko ang paglamlam ng mga mata ni Tita nang dumantay ang palad niya sa braso ni Colosas, mga matang may konsiderasyon sa anak.

"Bigyan mo muna ng puwang na makapag-isip ng matiwasay si Raquel, anak. Alam mo na bago ito sa kaniya kaya huwag mo siyang biglain." Malumanay na saad ni Tita, dumako pa ang tingin niya sa akin.
"At may pamilya na naghihintay sa pag-uwi niya, anak. Huwag mo sanang ipagkait iyon kay Raquel."

Sa mga sinasabi ni Tita Carolina ay gusto ko na talagang umuwi at makasamang muli sila Sister at mga bata doon sa Kombento.

Biglang napatingin sa akin si Colosas at napakislot ako nang dumantay sa gilid ng mata ko ang daliri niya, may kumawalang luha pala na hindi ko napansin at kusang lumabas.

"Gusto mo ng umuwi?" Nagulat ako sa sinabi niya, pero napatango din.

"Oo." May tuwa sa boses ko pero napatigil din nang may maalala ako. "P-pero hindi ko pa nakakausap si Mr. Aragon—"

Napatigil ako nang mahinang pisilin ni Colosas ibabang labi ko.

"Ako na ang bahala sa problema mo." Nagtataka ko siyang tiningnan. Nginisihan lang niya ako bago umiwas ng tingin sa akin at nagpatuloy sa kaniyang kinakain.

Nakangiting sinulyapan ako ni Tita Carolina at tumango sa akin bago nagpatuloy din sa kaniyang kinakain.

Sa narinig ko ay mayroon tuwa at galak sa aking puso na makakauwi na din ako sa wakas. Ngunit malaking bahagi sa aking puso ang nalulungkot dahil hindi ko na muling makikita pa si Colosas kapag umuwi na ako.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now