Chapter 13

9.2K 325 18
                                    

RAQUEL
#Naguguluhan

Si Tita Carolina na ngayon ang nagmamaneho habang nakikipagbarilan sina Colosas at Tito Connor sa mga humahabol sa'min. May mga pasabog din silang inihagis sa kabilang panig dahilan para masunog ang isang sasakyan na kanina ay gumigitgit sa'min sasakyan.
Habang ako naman ay nakayuko sa gilid sa tabi ni Colosas.

"Apat na van na ang sumusunod!" Nakatiim-bagang na sambit ni Colosas na nasa tabi ng bintana at patuloy sa pakikipagbarilan. Hindi man tumatagos ang bala ng mga humahabol sa'min ay gumagawa pa din iyon ng crack sa krystal.

"Those bastards!" Seryosong pagsambit naman ni Tito Connor. "They wanted to kill us instantly."

Kita ko na kahit nasa panganib na kami ay kalma pa din ang tono ng boses ni Tito Connor. Maging si Colosas ay ganoon din pero kapag sinusulyapan niya ako ng tingin ay makikita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Nginingisihan lang niya ako kung minsan para siguro pagaanin ang loob ko.

Hindi ko man kilala ang pamilya niya pero pakiramdam ko ay mapanganib ang kinabibilangan nilang antas. Siguro may kinalaman din sa negosyo.

"Dad, what's your plan?" Pagtanong niya sa kaniyang ama matapos akong sulyapan. "Hindi tayo niyan lulubayan at baka madamay sila Mom at Raquel!" Galit niyang bigkas.

Nakita kong nagkatitigan silang mag-ama na para bang nag-uusap gamit ang mga isip nila, na silang dalawa lamang ang nakakaintindi.

Matapo noon ay binalingan ni Tito Connor si Tita Carolina at masuyo nitong binulungan. Agad naman itong napaharap sa kaniya.

"Tawagan mo na lang si Dad at magpadala ng mga Bodyguards dito!" Nakita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha ni Tita Carolina. May pag-alala din sa mukha.

"Ayokong abalahin si Dad. Alam mong kakalabas lang niya ng Hospital." Nakangising sabi naman ni Tito Connor, habang haplos ang likod nito at pinapakalma si Tita.

"S-siguruhin mo lang na babalik kang ligtas at lalo iyang anak mo." Tumigil siya para tingnan si Colosas. "Basagulero at matigas pa naman ang ulo niyan."

Ngumisi lang si Colosas at nagkibit balikat pa. "I'm not a kid anymore." Sagot pa niya sa kaniyang Ina.

"Kahit na binata ka na ay ingatan mo pa din ang sarili mo, anak! Paano na lang si Raquel na sobra ang pag-aalala sa'yo?" Bumaling sa'kin si Tita Carolina na kinakurap ko at agad kong natingnan si Colosas.

Nakatitig na pala siya sa'kin na kinakurap kong muli. Ibang-iba ang pagkakatitig niya na parang may maraming ibig sabihin at ganoon din ang emosyon sa mukha niya.

"Tama ang Mommy mo, C-colosas. Ingatan mo ang sarili mo para...." Napatigil ako sa susunod kong sasabihin at kita kong nakatitig na naghihintay naman siya kung ano iyon. "P-para sa'kin."

Napayuko ako nang mahuli ang paglapad ng nakakaloko niyang ngisi. Kasabay din noon ay hinapit niya ako na agad ko naman kinasinghap at pagpigil sa ginawa niya. Namula ako sa hiya ng makita ang mga tingin ng magulang niya sa amin.

Marahan niyang hinuli ang chin ko at pinatitig sa kaniya. "I will take care of myself for you, sweetheart."

Tango na lamang ang isinukli ko sa kaniyang sinabi. Pero ang siyang kinalaki ng mga mata ko ay ang mabilis niyang paghalik sa labi ko. Nakadilat siyang hinahalikan ang labi ko. Ilang minuto ay bumitaw din siya.

"Let's go, son." Malalim na boses ni Tito Connor ang siyang nagpabitaw sa titigan na'min ni Colosas. Kasunod noon ay mabilis na lumabas ng sasakyan si Tito Connor na kinagulat ko. Ligtas naman siyang nakalabas.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now