Special Chapter (Henry and Clarit)

10.3K 325 24
                                    

Clarit Pov's:

"Ano na naman ginagawa mo dito?" Inis kong sita sa lalaking nakatayo sa harap ko. Kakalabas lang ng kotse ko at hinarang niya ako dito sa labas. Kaya tumigil ako at binuksan ang salamin ko dito sa gilid.

"Ibabalik ko nga 'yong cp mo." Sabay lahad nito ng cp ko. Tumaas ang kilay ko at inabot ang cp pero inilayo niya iyon. Kainis ang isang 'to.

"Walanghiya ka! Kung ayaw mong ibalik edi wag! Sinasayang mo oras ko!" Akma kong isarado ang salamin nang maagap nitong nailusot ang braso at nagulat ako nang magclick ang pinto ko nang buksan niya.

"Suplada mo talaga. Tumabi ka at ako ang magdadrive—"

"Lumabas ka nga! Bakit ba nanghihimasok ka sa may kotse!" Inis na pinagsusuntok ko siya sa balikat niya. Napasinghap ako nang walang kahirap niyang napigilan ang dalawa kong palad at itinaas iyon. Napakurap pa ako nang ilapit niya ang mukha at saka hinalikan ang labi ko, nanlaki sa gulat ang mga mata ko.

Mapagparusa nitong inaangkin ang labi ko. Napadaing pa ako nang makaramdam ng kirot nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Dinilaan niya ang kumawalang dugo sa labi ko.

"Kasalanan mo kung bakit nagkaganito ako.. kasalanan mo kung bakit hindi ka mawala sa isipan ko.. kasalanan mo kung bakit ginulo mo ang tahimik kong sistema.. kasalanan mo ang lahat." Usal niyang bulong sa pagitan ng halik niya. Langhap ko ang mabango at mainit niyang hininga na may amoy ng alak pero mabango pa din.

Bigla na lang din ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba. Iba ang tibok nito na parang hinahabol ang paghinga ko.

"L-lasing ka.." Iyon na lang ang lumabas sa labi ko para awatin siya sa ginagawa. Dinidiin niya kase ako sa upuan habang nakadagan siya sa 'kin. Ramdam ko agad ang matigas sa kaniya na lalo kong kinabahala.

Nakita ko ang pagngisi niya at narinig ko ang tunog ng seatbelt ko bago niya iniba ang posisyon na'min.

Nakaupo siya habang nakakandong ako sa mga hita niya at hawak ako sa aking beywang para idiin sa kaniya. Dahil sa nakaskirt ako ay lumitaw ang mga hita ko at damang-dama ko ang katigasan nito, napasinghap ako sa kiliti at kakaibang pagnanasa.

"He's already alive for you, baby.." Sambit niya habang nakasubsob siya sa leeg ko at binibigyan niya ng munting halik at kagat. Mas idiniin din niya ako sa kaniya na nagpapakislot sa 'kin.

"H-hindi kita kilala.. hindi ko nga din alam ang pangalan mo kaya itigil mo na 'to, please.." Pigil ang ungol ko at pilit siyang tinutulak pero humihigpit lang ang hawak niya sa beywang ko. Saglit na lang ay bibigay na ako sa kakaibang sensasyon na ito.

"I'm Henry Saavedra. And you are Clarit Yanson. 19 years old and taking up Psychology. Living with your Mother." Natigilan ako at nagulat sa sinambit niya. Hindi ko alam na lihim pala niya akong iniimbestigahan. How dare him!

"Wala akong gusto sa'yo—"

"Alam ko ang lihim mo." Agap niya sa nais kong sabihin. Tinulak ko siya at akmang kakalas nang maagap niya akong napigilan sa braso ko. "Pinagnanasahan mo ang sarili mong pinsan. Gusto mo si Colosas diba?" Sumeryoso ang mukha nito at ilang sandali ay napangisi din. "Hindi ka papatulan ng pinsan mo dahil ibang babae ang mahal nun—"

Hindi ko na siya pinatapos at malakas ko siyang sinampal pagkatapos ay umayos ako ng upo at inayos ang sarili ko at pati damit.

"Get out." Madiin kong sambit habang  nakakuyom ng madiin ang mga kamao ko. Narinig ko ang marahas niyang paghinga bago lumabas ng kotse ko. Doon ay napaiyak ako sa hiya at pagkamuhi sa sarili ko.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now