Chapter 15

8.8K 293 7
                                    

RAQUEL
#PayapangParaiso

Hindi ako makatingin o makakain ng maigi dahil sa mga matang nakatitig sa'kin ng seryoso. Nandito kami sa hapagkainan at kaming dalawa na lang ang naiwan, kanina pa daw kase natapos sa pagkain sila Tita Carolina.

"So, sinabi mo na pala ang totoo sa Ina ko? Great!" Biglang pagtaas ng boses niya na kinapitlag ko sa gulat. Nagtatagis ang bagang niya at namumuo pati ang ugat sa noo at leeg niya, halatang galit siya sa akin.

"P-pasensya na.. h-hindi ko kase kayang magsinungaling at sa magulang mo pa, Colosas.." Mahina kong sabi bago nag-angat ng tingin. Nakasalubong ko ang matiim niyang mga mata.

Halata ang pagpipigil niya ng galit na mabulyawan ako o siguro ay nais niya akong suntukin sa paglahad ko ng katotohanan. Hindi kase kaya ng konsensya ko, isa pa ay sobrang bait ni Tita Carolina na paglihiman ko.

Nakita ko ang marahas niyang paghinga. Iyong pagkain niya ay hindi man lang niya pinansin at sa halip ay nakatitig lang sa'kin ang atensyon.

"Kaya pala pagkarating ko kanina ay sinermunan agad ako ni Mom. Muntik pa akong mabaril sa bungo kung hindi naagapan ni Dad. Shit!" Sumandal siya sa kinauupuan niya at hindi ako nilulubayan ng titig. Naiilang na ako sa presensya niya.

"K-kumain ka na muna at huwag ng magmura sa harap ng pagkain dahil masama iyon." Parang bata ang kausap ko sa tono ng pananalita ko. Agad naman siyang ngumisi at saka mas nilapit niya ang bangko niya sa tabi ko. Napasinghap ako sa kaniya.

"Masakit ang dalawang kamay ko dahil sa suntukan kanina. Pwede bang subuan mo ako, sweetie?" Sabi niya at ngumiwi pa ang mukha, habang ginagalaw nito ang mga palad.

Hindi na din ako komuntra sa gusto niya, kinuha ko ang kutsara at saka kumuha ng pagkain bago isubo sa kaniya. Lihim akong napabuntong- hininga sa inaasal niya. Siguro din ay masakit nga ang mga palad niya at nakita kong may galos ang gilid ng labi niya at ganoon din sa kilay niya.

Sila Manang na ang nagligpit ng pinagkainan na'min at nais ko sanang tumulong pero mabilis na akong nahila ni Colosas palabas ng bahay.

"C-colosas! Saan mo ako dadalhin?" Nagtataka kong tanong nang sumuong kami sa likod bahay, kung saan nakatanim ang mga magagandang rose at tulips, may iba't-iba pang kulay na nakakahalina sa mga mata. Hinawi niya ang mga baging na nagkalat sa dinadaanan na'min. Medyo mahaba din ang nilalakad na'min na parang nandito na kami sa gubat.

"To my quiet place." Tugon niya pero napahinto siya at dumukwang upang pumitas ng isang ligaw na halamang may kulay lila na bulaklak, hawak-hawak pa niya ang palad ko.

"C-colosas.." Sambit ko nang nilagay niya iyon sa gilid ng tenga ko. Ngumisi siya habang nakatitig sa'kin mga labi.

"Very beautiful. Like the owner with her kissable red lips." Mayroon paghanga sa mga mata niya. Napayuko naman ako sa hiya at alam kong namumula ang mukha ko. Narinig ko ang pag-tsk niya bago hinila ng marahan ang kamay ko, kaya napasunod ako sa lakad niya.

May natanaw akong isang di kalakihan na kubo na yari sa kawayan ang dingding, at nipa naman ang bubong niyon. Ang kubo ay nasa itaas ng isang dalawang malalaking mga puno, na hindi ko alam kung anong mga puno iyon. May hagdan pa na gawa din sa kawayan.

"Kaninong kubo iyon?" Turo ko doon sa kubo na kinalingon niya sa'kin, nakangisi ang mukha.

"Mine, sweetie. Nagustuhan mo ba?" Napatango ako na lalong kinalapad ng ngisi niya.

"Sinadya ko pa itong pinagawa kay Dad nung sampong taon ako. Maingay kase ang mga kapatid ko kaya nagrequest ako kay Dad na magpagawa ng sarili kong study room, nang sa ganun ay makapag- aral ako ng payapa." Nakita ko ang paghagod niya ng tingin sa itaas doon sa kubo. Tiyak naalala niya ang kaganapan dito noong bata pa siya.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now