Chapter 22

9.1K 291 4
                                    

RAQUEL
#Bakasyon

"Relax, sweetie. Kinakabahan ka ba?" Napakislot ako sa aking kinauupuan nang madama ang mainit na hininga ni Colosas sa aking tenga, na nasa tabi kong upuan.

"N-ngayon lang kase ako nakasakay ng eroplano.. Natatakot ako na baka mahulog ito at ako.. " Nahihiya kong pag-amin na kinahalakhak niya, pagkatapos ay naramdaman ko ang isa niyang braso sa likod ko, at saka hinapit ako palapit sa kaniya.

"There's always a first time, kaya natural lang na matakot ka, sweetie. But anyway nandito ako para samahan ka na mahulog!" May kasamang biro ang huli niyang sinabi, at saka mahina siyang tumawa.

"C-colosas!. Nagbibiro ka naman, eh!." Sinamaan ko siya ng tingin, at saka mahigpit kong nahawakan ang aking rosary. Ilang ulit na akong napadasal sa aming kaligtasan, na ligtas kami maihahatid sa aming biyahe at pupuntahan.

Pag-uwi niya kagabi ay sinabi niya na magbabaksayon daw kami sa Boracay. Hindi ko alam kung saang lugar iyon, pero pinakita sa akin noon ni Colosas ang lugar kaya namangha agad ako pagkakita ko, lalo na sa mga puting buhangin at kulay bughaw na tubig, pati na din ang magandang pasyalan doon sa lugar. Isa itong isla sa Aklan na parte ng Western Visayas.

Tumanggi ako kaso pinangakuan na talaga niya ako na makakausap ko na daw si Mr. Aragon, kaya napilitan ako na sumama dito sa kaniya. Hindi ko naman akalain na sasakay pala kami sa malaking eroplano, na pagmamay- ari ni Mr. Aragon.

"Relax, gusto ko lang mawala ang kaba mo. Siguro kung hahalikan kita ay mawala iyan nang tuluyan." Ngumisi na naman siya ng malapad  at tumaas-baba pa ang magkabilang kilay niya. Namula ako at iniwas na ang aking tingin sa kaniya.

Nandito ako sa gilid malapit sa bintana, kaya tinuon ko ang pansin doon, namangha ako pagkakita sa mga puting ulap na para bang may sariling buhay ang mga ito na gumagalaw. Makikita ko din mula dito ang napakalawak na karagatan at kulapaan. Ngunit agad ko din iniwas ang aking mga tingin doon.

Muli akong napapitlag nang maramdaman ang paghilig ng ulo ni Colosas sa aking balikat. Hindi ako gumalaw at hinayaan siya, kita ko kase na nakapikit ang mga mata niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay unti-unti na din bumibigat ang talukap ng aking mga mata, dala siguro ng malamig na temperatura. Hanggang sa ako ay nakaidlip din.

"Wake up, sweetie." Naramdaman ko na may mainit na bagay sa aking labi ang biglang nawala, kasabay nang pagmulat ng aking mga mata. "We're here." Nakangising mukha ni Colosas ang aking namulatan na gising na.

"C-colosas.." Utal kong sambit kase sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Nandito na tayo." Nakatingala ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. "Sa resort mo na ipagpatuloy ang tulog mo, sweetie."

Napakurap ako ng ilang beses nang mapansin na nakahilig ako sa kaniyang dibdib, sa gulat ay napalayo agad ako, napangisi at iling lang siya.

"N-nandito na tayo?" Tumango siya at saka tumayo bago niya kinuha ang isang malaking bag na'min, na ilang damit ko at sa kaniya ang laman.

"Let's go?" Nakalahad sa akin ang isang palad niya, tumango ako at tumayo bago ko inabot ang palad niya. Pinagsiklop niya agad ang aming mga palad na kinailang ko. Naiilang din na hinagod ko ang aking kulay puti na bestida, na may ilang nakaprentang mga bulaklak. Si Colosas pa ang bumili nito at ilang damit ko sa bag, pinilit niya na magsuot ako ng ganito.

"Hindi naman kasalanan kung magsuot ka ng disenteng damit, Raquel. Ang kasalanan ay kung ninakaw mo ang damit."

Pinilit niya ako kaya napilitan akong magsuot nito. Hindi ako sanay sa ganito at namiss ko ang aking kasuotan. Kahit bago ko pa maisuot ang habit ko ay nagsusuot naman ako ng casual na damit noon, bago ako maging Novice.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now