Chapter 19

9K 344 39
                                    

RAQUEL
#MatindingSelos

Pagkapasok sa loob ng bahay ay bumungad sa amin ang maraming panauhin, mga taong hindi ko kilala. Ngunit nangingibabaw sa kanila ang may sinabi sa buhay.

Kaya pala napansin ko na maliwanag ang loob ng bahay, pati sa labas. Nakahilera din ang iba't-ibang uri ng mga mamahaling sasakyan. Dahil pala may okasyon dito sa loob ng bahay ni Mr. Aragon.

Kaya siguro nakaayos si Colosas. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang tuxedo. Lalo niya akong napahanga..

Kahit dinaanan lang ng palad niya ang medyo makapal niyang buhok ay sobrang gwapo pa din niya tingnan. Nangingibabaw ang tangkad niya sa lahat, idagdag pa ang awra. Sa lahat ng mga nakikita ko ay tanging si Colosas lamang ay may dating sa akin.

"Romnick, iho. Buti nakarating ka sa tamang oras." Napatingin ako kay Mr. Aragon nang salubungin niya kami ng isang malawak na ngiti.

May hawak siyang isang baso sa kamay na may laman na kulay lilang inumin, habang nakahawak siya sa beywang ng isang magandang babae. Nakasuot ng maikling damit ang babae na hantad ang gitnang dibdib.

"Good evening, Boss." Isang tipid na ngisi ang isinukli ni Colosas, nang tapikin siya nito sa balikat. Bago dumako ang tingin ni Mr. Aragon sa akin, napakurap ako sa pagkailang nang hagurin nito ang kabuuan ko.

"Nag-iba 'yata ang kasuotan ng kapatid mo, Iho?" Sabi nito na nakatingin pa din sa akin. Kakaiba ang tingin nito at pakiramdam ko sa mga mata nito ay may kakaiba doon.

Hindi ko maiwasan ang mapahawak sa damit ni Colosas. Mabilis naman siyang nakaharang sa akin na kinatingin ni Mr. Aragon sa kaniya.

"Don't mind  her, Boss." Seryosong  saad ni Colosas sa malalim at nakakahindik na tono, kahit simpleng salita lang iyon ay may panganib.

"Of course, iho. Pero pwede ba kitang makuha para ipakilala sa mga kasosyo ko na hindi mo pa nakilala?" May bahid na utos ang salita ni Mr. Aragon.

Nilingon ako ni Colosas na kinatitig ko sa kaniya. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko masabi. Hinawakan niya ang isang palad ko at hinila ako sa isang lamesa. Pinaupo niya ako bago siya may sinenyas sa dumaang lalaki na nakasuot ng puti ang polo at itim na slacks, may hawak siyang isang tray sa kamay.

"Yes, Sir?"

"Bring her your best foods and juice. Not ever giving her a liquor." Nakita ko ang pag-utos niya sa lalaki. Agad naman itong tumango at umalis.

Binalingan ulit ako ni Colosas. Hinawakan niya ang aking baba at dumukwang upang halikan ang aking noo, napapikit ako---napapikit sa hiya.

"Just wait me here. I'll be back." Mariin niyang utos na kinatango ko. Kahit ang totoo sana ay ayoko na iwan niya ako, kase natatakot ako na mapag-isa dito. Baka maiyak pa ako.

"Sige.." Mahina kong bigkas bago umiwas ng tingin sa kaniya. Pansin ko ang pagtitig niya sa akin at saka narinig ko din ang marahas niyang paghinga. Lumakad na siya, iniwan ako dito sa lamesa nang nag-iisa.

Tumingin ako sa likod niya. Nakita ko ang pag-akbay ni Mr. Aragon dito at saka pinakilala sa mga kalalakihan. Mayroon ding mga babae, pawang magaganda sila at maganda ang damit. Huwag lang idagdag na sobrang ikli ang mga ito.

Patawad Po sa aking inasal..

Marahan kong nahaplos ang aking rosary nang biglang may naupo sa harapan ko. Pag-angat ko ay si kuya Henry ang nakasalubong ko, nakangisi siya sa akin. Nakasuot din siya ng tuxedo at maayos ang buhok. Gwapong-gwapo din siya ngayon.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now