Chapter 14

8.9K 318 5
                                    

RAQUEL
#Home

Ilang oras na din 'yata ang tinakbo ng sasakyan bago kami pumasok sa isang mataas na gate. Pinagmasdan ko ang buong paligid ng pinasukan na'min.

Namangha ako sa nakikita ko ngayon sa paligid ko. Lalo na ang malaking bahay na tiyak pagmamay-ari ng magulang ni Colosas. Pinaghalong puti at abo ang pintura dito sa labas at nagsusumabog ang awra at kagandahan ng matayog na bahay. Pati ang paligid dito sa labas ay nakakamangha din. Malinis pa at maaliwalas sa mga mata ang nagagandahang mga bulaklak.

"A-ang ganda po ng bahay niyo, Tita." Biglang namutawi sa labi ko sa pagkamanghang nakikita ko.

Lumingon siya sa akin at nagbitiw ng magaan na ngiti.

"Salamat, Iha. Halika, pumasok tayo sa loob." Kinuha niya ang isang palad ko at hinila ako papasok sa malaking pinto. Pero hindi ko maiwasan ang mapalingon sa likod ko dahil sa mga ilang kalalakihang nandoon sa may gate, may mga rifle pa silang sukbit sa dibdib nila.

Hindi na ako nagtanong at baka isipin ni Tita Carolina na nanghihimasok ako sa pamilya nila. Siguro ay mga security nila upang isiguro ang kaligtasan nila laban sa mga kaaway nila sa negosyo.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay mas lalo akong namangha sa mga nakikita kong gamit. Nakaayos ang lahat ng gamit mapalitrato man o mga figurine. Nakakalula din ang mataas na hagdan na komukonekta sa itaas na bahagi doon.

Pero ang nakatawag pansin sa'kin ay ang malaking litrato ng kasal nila Tito Connor at Tita Carolina. Sa likod nila ay may kuha ng kulay bughaw na tubig na parang ilog 'yata. Nakangiti silang dalawa habang magkatitigan na puno ng pagmamahal sa mga mata.

Dumako pa ang tingin ko sa dalawang malaking larawan na kuha ng buong pamilya nila. May anim na mga bata ang kasama nila Tita Carolina ang nakaupo sa sofa, limang batang lalaki at isang batang babae na pawang mga nakangiti ang mukha. Sa ikalawang litrato naman ay buong pamilya din ang kuha, ngayon ay mga binata at dalaga naman ang kasama nila Tita Carolina na pawang nakatayo. Seryoso ang mukha ng mga limang lalaki, habang nakangiti naman ang babae, sa gitna ang magulang nila.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Colosas. Ikalawa siyang nakatayo sa katabi niyang lalaki na kamukhang-kamukha niya. Ang kaibahan lang ay maputi ang una at may manipis na mga kilay, habang si Colosas naman ay moreno at may makapal na mga kilay. Medyo magkamukha din ang mga katabi nilang lalaki, kamukha ni Tito Connor. Kakaiba pa ang mga titig nila.

"Namimiss ko ang mga anak ko, maliban kay Erin na kasama na'min dito sa bahay." Napalingon ako kay Tita Carolina nang tumabi siya sa'kin, nakatingala sa mga litrato.

"Nasaan po ba ang iba niyong mga anak, Tita?" Malumanay kong tanong at tinuon ang titig ko sa litrato ni Colosas. Nakatitig ang litrato niya sa'kin at pakiramdam ko ay kinikilabutan ako kahit wala naman dito ang presensya niya.

"Ang kambal ni Colosas na si Cornick ay may sariling condominium na tinitirhan at ayon  lumipad ng Visayas para sa fan tour ng banda nila. Si Connor na doctor  ay may sarili nang bahay at magkakaroon na din ng pamilya. Si Colombus ko ay lider ng mga Rebelyon na pinamumunuan ang isang maliit na banwa sa probinsya ng Isabela. At si Colombian ko ay pinamunuan din ang isang banwa doon sa Mindanao. Isang beses o dalawa lang sa isang taon kung bumisita dito sa bahay ang mga anak ko."

Mahabang sabi niya na ramdam ko ang lungkot at pangungulila sa boses niya. Masakit ngang isipin na isang beses mo lang makikita ang mga anak mo sa loob ng labing dalawang buwan. Malayo pa tiyak ang mga kinaroroonan nila. Mabuti na lang at si Colosas ay malapit dito sa mga magulang niya, pwede siyang bumisita sa mga ito.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon