Chapter 35

8.4K 282 1
                                    

RAQUEL
#Estranghero

"Huwag kang mahiyang magsabi sa 'kin kung ano ang kakainin mo kase libre kita, Raquel!" Bulalas na sambit ni James habang nandito kami sa pinakamataas na bahagi ng isang kainan. Dito niya ako dinala.

Namangha ako sa magandang tanawin kase kita ang buong taniman ng iba't-ibang uri ng mga gulay at mayroon din na mga bulaklak. Sariwa pa ang ihip ng malamig na hangin.

"Nakakahiya naman sa iyo, James. Libre mo lahat ang nagastos at kinain na'tin.." Nahihiya kong sabi na agad naman niyang kinailing.

Kanina pa nga panay ang libre niya sa akin kahit tumanggi ako ay binibili pa din niya, kase ang rason niya ay dinala niya ako dito kaya dapat na siya ang gagastos sa lahat. Kaya hindi na ako komuntra.

"Libre ko 'to kase nanalo ang team at isa pa ay nakikicheer ka kanina kung kaya't nanalo tayo!" Pagmamalaki pa niyang sabi habang nakatitig sa akin ang nakangiti niyang mukha.

Hindi maiwasan na mailang ako doon kaya umiwas ako ng tingin at tinuloy ang pagpili ko sa aking kakainin. Kinuha din agad ng waiter ang oorderin na'min.

"Ang ganda mo, Raquel. Para kang anghel na bumaba dito sa lupa at sinasabog ang iyong kagandahan." Napatingin ako kay James nang sambitin niya ang mga salitang iyon. Hindi maiwasan na mamula sa hiya ang aking pisngi, nakangiti siya sa'kin.

"J-james—"

"Ate! Ate! Para po sa inyo!" Napatigil ako sa aking sasabihin nang may isang batang lalaki ang biglang tumabi sa akin. May hawak siyang isang bugkos na pulang rosas at nakalagay iyon sa magandang lalagyan. Nakalahad ito sa akin.

"Nagkamali ka bata, hindi iyan sa akin." Nagtataka kong pagtanggi kase hindi naman talaga sa akin ang mga bulaklak na hawak niya.

"Para po talaga ito sa inyo, ate! Sige na po tanggapin mo na kase kung hindi ay wala po akong pera na pambili po ng pagkain na'min! Nagugutom na po ako!" Nagulat ako nang biglang umiyak ang bata sa harapan ko, nakatulo pa ang sipon.

Mabilis naman akong napatayo at saka dinaluhan ang bata. Nakuha ko agad ang bulaklak na hawak niya at saka hinaplos ang kaniyang likod. Bigla akong naawa sa kaniyang sinabi.

"Tahan na.. nakuha ko na bulaklak." Mahina kong sabi at agad naman napunasan ng bata ang kaniyang mga luha at pati sipon, gamit ang kaniyang damit.

Madungis ito at sira-sira na ang damit na suot niya na lalong nagpaantig sa akin. Tiyak na may kasama pa siyang iba na naghihintay sa kaniya.

"M-maraming salamat po, ate! May kakainin na po ang pamilya ko!" Bumukas ang saya sa mukha niya pero nandoon pa din ang paghudyat sa mga luha niya. Ngumiti naman ako at saka umiling-iling sa kaniya.

Kung marami lang sana akong pera ay binigyan at tinulungan ko na agad siya. Alam ko na may ibang bata din na gaya niya ang nakakaranas ng ganitong hirap sa buhay, na sa murang edad ay todo kayod at pagala-gala sa kalye upang mabuhay at pati na din ang pamilya nito. Kung minsan din ay nais kong sisihin ang mga magulang kung bakit pinabayaan nila ang mga anak at hinayaan sa ganitong paraan upang mabuhay. Wala sanang mga batang pagala-gala sa kalye kung walang mga magulang na iresponsable. Pero ang isa mga nangungunang rason kung bakit may pamilya na ganun ay ang kahirapan.

"Kanino ba ito galing?" Malumanay kong tanong at saka sinamyo ang bango ng mga pulang rosas.

"Kay Kuya pogi po doon sa labas!" Bulalas nito habang tinuturo ang labas. Nakita ko naman na tumayo na din si James at saka palinga-linga ito sa labas dito sa kinaroroonan na'min.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now