Chapter 24

7.9K 278 2
                                    

RAQUEL
#Nasaktan

"Hindi ko alam ang uunahin kong bilhin kaya natagalan ako." Sabi niya matapos bitawan ang labi ko. "So, I brought all of those."

Napatingin ako sa tinuturo niya, napasinghap na lang ako sa gulat nang makita ang napakaraming mga basket na puno ng iba't-ibang pinamili niya, nasa ibabaw ng lamesa iyon.

"A-ang dami mo naman binili.. Sobra ang mga iyan sa pitong araw na'tin na pananatili dito!." Bulalas ko sa kaniya na kinangisi lang niya, sabay hagod sa batok niya.

"Maigi ng may sobra kaysa kulangin tayo ng supply. Ang layo ng Banwa mula dito." Sabi niya na kinatango ko na lang.  Tumayo ako at pinuntahan ang mga pinamili niya.

May prutas, mga gulay, karne, preskang hipon at alimango, mga rekado at ilang sangkap sa pagluto. Mga tinapay, biscuits, chocolates, may nakajar na kutkutin at malaking mga curls, ang nakita ko sa mga basket.

Binili na 'yata niya ang palengke..

"Malulugi nito si Mr. Aragon.." May bahid na biro ang aking sinabi nang harapin ko siya, nasa gilid ko siya.

"I used my personal money." Nakangisi pa din niyang sabi, at saka hinarap ako. "Walang problema kung malugi ako, basta mahal ko naman na babae ang gagasta."

Natigilan ako sa makahulugan niyang dinagdag, napakurap ako at pigil din ang aking paghinga, nang mas lumapit pa siya at mabilis niyang niyapos ang beywang ko palapit dito.

"C-colosas.."

"Gusto talaga kita, Raquel." Nawala ang ngisi niya at napalitan ng matiim na mga mata, titig na titig siya sa akin.
At heto na naman ang aking puso, hinahamon na naman sa pagkarera. "In fact, I already love you."

"H-hindi maaari.." Nauutal ako sa kaba sa hatid ng kaniyang presensya, at sa hatid ng mahiwaga niyang salita.

"Maaari kung nagmamahalan tayo." Marahan niyang hinaplos ang isang pisngi ko, nais kong pumikit sa mainit niyang palad. "I know, you felt the same. Our eyes igniting each other, when I'm looking on this innocent eyes." Titig na titig siya sa aking mga mata, puno ng emosyon at nagniningning ng mahiwaga.

"A-ako ay magiging Madre.. Ayoko  na magkasala, ngunit ako ay isa ng makasalanan.." Gumaralgal ang aking boses, dahil sa kirot dito sa aking puso. Ako ay nasasaktan sa mga matang nakatitig sa akin ngayon. "Hindi ako para sa iyo, Colosas.. patawarin mo ako.." Agad kong iniwas ang mga tingin ko sa kaniya.

"Paano naman ako? Gusto mo na parating nasasaktan ang puso ko, Raquel?" May panunumbat sa boses niya, ako ay mabilis na umiling.

"Hindi kita kayang saktan, Colosas. Ayokong saktan ka, ngunit hindi tayo ang nararapat sa isa't-isa." Tuluyan ng pumatak ang ilang butil ng luha sa gilid ng aking mga mata.

Sobrang kirot ng puso ko ngayon. Kirot na ngayon ko lamang naramdaman sa buong buhay ko. Hindi ito ang kirot na nasusugatan o pinapagalitan. Ito ay kirot ng nasasaktan na damdamin.

"May kirot ba dito sa puso mo?" Parang gumaralgal ang boses niya, habang nakadiin ang palad niya sa aking puso, napatango ako.

"Oo.."

"Ganoon din ako, sinasaktan mo ng todo ang puso ko ngayon, Raquel." Marahas siyang kumawala at mabilis na tumalikod palabas ng bahay.

Ramdam ko ang bigat sa bawat hakbang niya. Ramdam ko ang bigat na bumabalot sa kaniya, habang naglalakad siya papalayo. Doon ay tuluyan na din lumabas ang mga luha ko, nanghihinang napasandal ako sa lamesa na umiiyak. Tiyak na sobra kong nasaktan si Colosas.

Hunstman Series #:7- The Mafia Bodyguardحيث تعيش القصص. اكتشف الآن