Chapter 34

9K 299 19
                                    

RAQUEL
#NewFriend

"Bagay sa iyo ang mga damit na ito, Hija." Paglahad sa akin ni Nanay Cathy ng ilang mga bestida, damit pangbahay at personal na panloob.

Nandito kami ngayon sa loob ng isang tindahan ng mga damit. Nagulat pa ako kanina na sabihin niyang bibili kami ng mga damit at gamit ko na din.

Tumanggi ako kase nakakahiya sa kaniya pero umiling lang siya at siya pa din ang nasunod, kaya nandito kami ngayon.

"Kasya nga po ito, Nay." Sabi ko matapos kong magpunta sa sukatan ng damit. Halos lahat ng napili niya ay magaganda at mahal pa.

"Sige, kunin na na'tin." Sabi niya at saka nagbayad matapos balutin ang mga pinamili na'min.

"K-kapag nagkapera po ako ay babayaran kita, Nay.." Nahihiya kong sambit habang papunta na kami sa terminal ng mga jeep.

"Naku bata ka huwag na! At isa pa ay pera naman ito ni senyorito!" Umiiling na sagot niya na kinatigil ko.

"K-kay Mr. C. po?" Tumango-tango siya bago naunang lumakad. Sumabay naman ako at hindi pa din ako makapaniwala na gagasta si Mr. C. para lang sa akin.

"Oo, Hija. At kung may nais kang bilhin ay sabihin mo lang sa akin para mabili na'tin." Nakangiti pa din ang mukha niya, agad naman akong napailing sa kaniya.

"Tama na po ito, Nay. Sobra na nga po ang pinamili na'tin ngayon." Magalang kong saad at saka inalalayan siya sa pag-akyat papasok sa loob ng jeep.

ILANG minuto ay nakarating kami ng bahay. Medyo malayo ang kinaroroonan nito kaya kailangan pa na magpahatid sa tricycle.

"Nay, kaninong motor po ito? May bisita po ba kayo?" Pagtataka kong tanong at saka binalingan si Nanay. Nakaparada ang itim na motor sa gilid ng fountain na kanina ay wala pa dito.

Nakita ko naman ang pagsalubong ng kaniyang noo bago tumango sa akin.

"Sa apo ko ito—"

"La!" Pareho kaming napabaling sa harap ng marinig ang boses panglalaki. Isang matangkad at morenong lalaki ang lumabas mula sa loob, may hawak itong bola sa kamay.

"Oh, apo! Kanina ka pa ba nandito?" May tuwa sa boses ni Nanay at sinalubong ang paglapit ng lalaki sa aming direksyon.

"Kakarating ko lang, La!" Sabi ng lalaki na ang mga tingin ay sa akin. "Sino itong kasama mo, La?"  Dugtong nito at titig na titig pa din sa akin at saka bigla siyang ngumiti.

"Ito pala si Raquel, Hijo." Pagbaling ng tingin ni Nanay sa akin. "Hija, siya naman si James ang apo ko."

"Hi, Raquel! Nice to meet you!" Biglang nilahad ng lalaki ang isang palad niya at may malawak na ngiti. Nahihiyang tinanggap ko naman ang kamay niya at nakipagdaop.

"A-ako din." Ngumiti din ako at medyo nawala na ang ilang ko sa kaniya. Humigpit ang kapit niya sa palad ko bago siya bumitaw.

"Tara na sa loob at ng makaluto ako ng tanghalian na'tin. Dito ka na kumain, apo." Nauunang paglakad ni Nanay bago kami sumunod sa loob.

"Gusto ko 'yan, La!" Masiglang sagot ni James bago tumingin sa akin. "Gusto ko din kase makilala ang bago kong kaibigan, diba Raquel?"

Nakangiti na tumango naman ako kase magaan din na kasama itong si James at mabait pa. At isa pa ay apo siya ni Nanay Cathy.

Tinulungan kami ni James sa paghanda ng mga rekado sa aming lulutuin ni Nanay Cathy. Panay naman ang kwento nito sa akin tungkol sa kaniyang sarili. Kung minsan ay ako din ang tinatanong niya na magalang ko naman sinagot. 

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardDonde viven las historias. Descúbrelo ahora