Chapter 11

9.6K 320 6
                                    

RAQUEL
#Pagkailang

Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko sa harap ng mga magulang ni Ginoong Colosas. Ang hindi ko pa maintindihan ay kung bakit girlfriend ang pinakilala ni Ginoong Colosas sa kanila, na hindi naman tunay niya akong girlfriend o nobya. Si Miss Kellian naman talaga ang nobya niya.

"Ang ganda mo talaga, Iha. Simple lang pero nangingibabaw ang taglay mong appeal. Kaya siguro nakuha mo ang puso ng anak ko." Nakangiting sabi ni Ma'am Carolina, ang Mommy ni Ginoong Colosas.

Kahit may edad na si Ma'am Carolina ay maganda pa din siya at angat din naman ang kagandahan niya. May maamo siyang mukha at nangingibabaw ang kabutihan ng puso niya. Ramdam ko ang kalinisan sa puso niya.

"You're scaring her with your complements, Babe." Sabi naman ni Sir Connor sa malalim at maotoridad niyang boses. Na talagang may pagkakahawig sa mukha ni Ginoong Colosas. Parang pinagbiyak sila.

Habang ito naman si Sir Connor ay may nakakatakot na awra na kung sinong tumitig sa mga mata nito ay parang pangilabutan ka. Para bang binabasa nito ang hindi lang isip o kilos mo kundi pati na ang kaluluwa mo. Ganoon din ang nararamdaman ko kapag tumitig kay Ginoong Colosas.

Dumako ang tingin nito sa kaniyang asawa at nakita ko ang pandidilat nito na siya namang kinakurap at lunok ni Sir Connor sa asawa niya. Na para bang takot na takot ito, ngumisi lang din ito bago nagtaas ng mga kamay.

"Huwag mong pansinin ang Tito mo, Raquel. Saan nga pala kayo pupunta ni Connor at bihis na bihis ka, Iha?" Napakurap ako sa tanong niya at mabilis na dumako ang tingin ko kay Ginoong Colosas.

Nilapitan naman ako ni Ginoong Colosas at hinawakan sa beywang ko na siyang kinapitlag ko. Nais ko man na umiwas sa kaniya at alisin ang kamay niya ay hindi ko magawa, sapagkat nakatitig sa'min ang magulang niya, lalo si Ma'am Carolina na sobra ang tuwa sa mukha niya.

"Bibilhan ko sana ng mga damit si Raquel, Mom, kung hindi kayo sumulpot ay baka nakaalis na kami kanina pa." Balewalang sabi ni Ginoong Colosas at pinisil pa niya ang gilid ko na siyang kinaidtad ko. Mabuti na lang ay hindi napansin ng magulang ni Colosas, maliban siguro kay Sir Connor na mataman nakatitig sa'min, parang nakikiramdam lang.

"Tamang-tama pala ang dating na'min, anak! Yayain ka nga sana na'min na kumain sa labas para makasama ka kahit isang araw lang. Mabuti nga at naabutan ka na'min ng Dad mo dito sa bahay mo." Mahabang sabi ni Ma'am Carolina. Miss na miss niya ang anak.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng konting inggit kay Ginoong Colosas sa pagkakaroon ng maalaga at mapagmahal na mga magulang. Na buo pa ang kaniyang pamilya. Na may pamilya siyang matatawag.

Ako po ay patawarin mo Diyos ko sa aking po pagiging mainggit.... At dito po sa kasuotan ko ngayon. Gabayan mo po ako Diyos ko sa tamang landas.

"But Mom—"

"Pagbigyan mo na, Son. Matagal kang hindi nakasama ng Mom mo." Maagap na sabi ni Sir Connor na siyang kinarahas ng paghinga ni Ginoong Colosas. Tumingin siya sa'kin bago tumango sa Mommy niya.

"Alright. Let's go." Pagpayag ni Ginoong Colosas.

Nauna nang lumakad sila Ma'am Carolina palabas ng gate. Habang si Ginoong Colosas ay hinagod ang kabuuan ko bago tumitig sa mga mata ko. May kakaiba sa mga mata niya na hindi ko mabigyan ng ngalan.

"You're so beautiful, Raquel. Mas lalo mo akong pinainlove sa'yo at..." Tumigil siya at saka nilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Mas pinainit ng nakakatakam mong alindog ang pagnanasa ko. Esti al meu, dragã."

Matapos niyang sabihin iyon ay hinila na niya ako palabas ng gate nang naguguluhan pa ako sa mga pinagsasabi niya. Pero nagbigay iyon ng kilabot at takot sa katawan ko. Pakiramdam ko ay dapat na akong lumayo kay Ginoong Colosas hangga't maaga pa. Kaya dapat ko ng makausap si Mr. Aragon at nang makabalik na ako ng Kombento.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now