Chapter 32

8.3K 290 4
                                    

RAQUEL
#Pain

Kahit ilang oras na akong nakaluhod dito sa sahig ay wala akong maramdaman na sakit, kahit mugto din ang aking mga mata sa kaiiyak ay hindi ko alintana iyon. Kulang pa ito sa kasalanang aking nagawa, habang hawak-hawak ko ng mahigpit ang aking rosary.

"Sister Raquel, tumayo ka na diyan.." Sapilitan na akong pinatayo ni sister Veronica.

"Ah.." Mahina kong pagdaing at muntik mabuwal sa aking kinatatayuan nang kumirot ang aking mga tuhod sa ilang oras na pagluhod.

"Ayan, ang tigas kase ng ulo mo."

Nag-aalalang dinala ako ni sister Veronica sa aming silid. Bumungad agad sa akin ang mga nag-alalang mukha nila sister Agnes, sister Ana, at sister Elena na agad akong dinaluhan.

"Anong nangyari?" Mabilis na nakaagapay si sister Agnes at tinulungan akong makaupo sa aking higaan, na matagal nawalay sa akin.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at bumuhos na naman ang aking mga luha, pagkakita ko sa kanila. May halong saya at pagkahiya ang aking mga luha na agad nilang kinabahala.

"May malaking problema." Pagsagot ni sister Veronica sa tanong ni sister Agnes, na nakaupo sa tabi ko ngayon.

"Ha? Ano?" Si sister Elena na palipat-lipat ang tingin sa amin.

Mariin akong tinititigan ni sister Veronica at saka siya napahinga ng sobrang lalim. Nasa kabilang gilid ko siya nakaupo.

"Ano ba iyan, sister Veronica? Sabihin mo na at natetense ako." Pagtayo ni sister Ana sa harapan.

Tahimik lamang akong uniiyak at walang lakas para magsalita o sagutin ang mga tanong nila. Hiyang-hiya ako sa aking sarili para magsalita pa.

Muli kong narinig ang pagbuntong- hininga ni sister Veronica, bago niya ako hinaplos sa aking likod.

"Nakagawa ng isang kamalian si sister Raquel habang nasa Maynila siya." Pagsimula ni sister Veronica.

Mas bumuhos ang aking mga luha habang iniisip ko ang nagawa kong kasalanan. Isang malaking kasalanan.

"Ha? Bakit? Anong kasalanan ba?" May kaba sa boses ni sister Agnes.

"Oo nga, bakit ilang oras kang nakaluhod sa confessional room?" May pagtataka sa boses ni sister Ana at hinaplos pa ang aking pisngi. "Tahan na sa pag-iyak, sister.."
Pang-aalo pa niya sa akin.

"Basta, hayaan na muna na'tin na makapagpahinga si sister Raquel." Inalalayan ako ni sister Veronica sa paghiga at napatianod na din ako.

Tumalikod ako sa kanila habang bumubuhos pa din ang aking mga luha. Kasabay noon ay ang sabay nilang pagbuntong-hininga.

"Tara na." Pag-aya ni sister Veronica sa kanila at ilang sandali ay narinig ko ang paglabas nila sa silid.

Pumikit ako at isang imahe ang agad na lumitaw sa aking balintataw, kaya agad din akong napadilat.

"P-patawad.." Namutawi sa aking labi bago ako dalhin sa karimlan.

Napamulat ang aking mga mata dahil sa munting haplos sa aking pisngi.

"M-mother Isabelle.." Nakangiting mukha niya ang aking nabungaran.

Akma akong uupo pero napangiwi sa aking nararamdaman. Mabilis din akong inalayan ni mother Isabelle at pinasandal sa sandalan ng higaan.

"Masaya ako na ligtas kang nakabalik dito, sister Raquel." Malumanay na pagkakasabi niya, at saka hinawakan ang magkabilang palad ko. Pinisil niya iyon ng mahina.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now