Prologue

16.2K 415 14
                                    

PROLOGUE

"Sabog ang bungo mo ngayon, tarantado ka!"

Halakhak na sigaw ng isang lalaki, galit na galit sa binata.

"Gago! Kayo ang unang pasasabogin ko!"

Agad napatalon sa kotse ang isang binata kasabay ng malakas na pagsabog mula sa kotse nito.

Kasabay din noon ang pag-alingawngaw ng mga putok na mula naman sa dumating na mga van, puno iyon ng mga armadong kalalakihan.

Kasabay ng mga putukan ay biglang may naghagis ng isang granada na malapit sa kinaroroonan ng binata.

" Dito aagnas ang katawan mo!"

Mabilis naman itong nakatakbo bago sumabog ang granada. May tama man sa tagiliran ang binata ay hindi iyon hadlang para tumakbo ito sa giyera.

Walang may inuurungan na laban ang isang Hunstman, na kagaya nito at wala iyon sa lahi nila.

"Mga gago! Kayo muna ang unang papatayin ko!"

Nakatago sa isang lumang kotse ang binata habang nilalagyan ng panibagong bala ang dala nitong kwarenta'y singko.

Ngumisi ito bago tumalon paakyat sa bubong ng kotse kasabay ng pagpapaputok nito at hindi iyon inaasahan ng mga kalaban niya.

Bawat putok ng binata ay walang palpak kung kaya't marami sa mga kalaban ang nalagas.

Gumeywang ang kotse sa gilid ng daan at agad nagsitalon ang ilang mga armado habang walang tigil ang palitan ng putok.

"Damn it!" Matinis na mura ng binata ng tamaan siya ng bala sa tagiliran. "Putang ina!" Daing ng binata ng tamaan din siya sa balikat.

Maraming dugo ang kumawala sa binata dahilan para manghina ng tuluyan ang lakas nito. Pero patuloy pa rin ito sa pakikipagbarilan sa mga armadong kalalakihan.

"Fvck! I'm not going to die here!" Malalim na pagdaing ng binata ng mahulog ito sa sahig nang tamaan ng bala ang isang balikat nito.

Hindi nito kakayaning mag-isa ang pwersa ng mga kalaban. Nanghihina na ito dahil sa dugong kumakawala sa kaniya. Nangdidilim na din ang paningin ng binata, nakatingala ito sa kulay asul na kalangitan.

"Gago ka! Kinakama mo pala ang nobya ko! Ngayon papatayin na kita!" Isang matinis na halakhak ang nagpakurap sa binata, galing kay Samuel Patrimonio

Isang druglord at kalaban ng binata sa negosyo. Kasapi din sa Dark Market. Galit na galit ito sa binata dahil naging kafling nito ang nobya niya, na magiging asawa sana ng lalaki.

"Your girlfriend isn't bad in bed. I've been enjoying wild sex with her." Nakangisi ang binata.

Umigting ng sobra ang panga ni Sam Patrimonio. Galit na galit ito kay Colosas Hunstman. Kinasa nito ang baril at iniumang sa ulo ng binata.

"Tingan na'tin kung magagawa mo pang ngumisi!" Akmang kakalabitin ni Sam ang gatilyo ng maunahan itong barilin ng binata, sa noo.

Ngunit natamaan din ang binata ng magawa pa itong barilin ni Sam sa tiyan nito na tuluyan nitong kinapikit.

"Buhay pa ito, boss!"

"Don't kill. We can use him."

___

"Iha, buo na ba ang desisyon mo na maglingkod sa Diyos?"

"Opo, mother Isabelle." Magalang na sabi ng dalagang si Raquel.

Tahanan niya ang Kombento at pinangarap noon ng dalaga na magiging Madre din siya, paglaki niya. Ngayon ay disi-otso na siya.

"Kung iyan ang nais mo ay taos puso kong tinatanggap at malugod kang tatanggapin ng Diyos." Nakangiti na pagsang-ayon ng may edad nang Ginang, si mother Isabelle.

***

Please votes, comments and share. Thank you.

© MAYAMBAY

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now