Chapter 3

10.8K 371 22
                                    

Raquel
#PINATULOY

Bigla kong naimulat ang aking mga mata ng marinig ko ang ugong ng motorsiklo, na alam kong pumarada sa labas ng bahay.

Napabangon ako at naupo habang kinukurap ang mga mata ko kasabay ng pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Ginoong Romnick, na nakakunot ang mga noo pagkakita sa'kin.

"Anong ginagawa mo diyan?" Napatayo ako ng marinig ang seryoso niyang tanong.

"N-natutulog?" Kimi kong sagot na patanong na lalong kinanoot ng kaniyang noo.

"Tsk. Bakit diyan ka sa sofa natutulog? May isang silid doon na hindi ginagamit at pwede ka doon matulog. Bukas ay aalis ka naman para—"

"Hindi maaari!" Agap kong sabi na kinataas agad ng kilay nito.

Napakurap naman ako at lihim na humingi ng tawad sa pagtaas ng boses ko. Napahaplos ako sa'kin rosaryo.

"P-pasensya na, Mister. Pero ayokong umalis dito ng hindi nakakausap si Mr. Aragon. Importante na makausap ko siya at.." Tumigil ako para titigan ang mga mata niya. "Ikaw lamang ang makakatulong sa'kin."

Mahina kong sambit at kita ko ang matiim nitong titig na biglang nagpakaba sa'kin. Nakita ko din ang paghinga nito ng malalim.

"Magpahinga ka na muna, pag-usapan na'tin ito bukas." Marahan akong tumango bago lumakad sa tinuro nitong silid.

Binuksan ko ang pinto at pumasok na sa loob. Akma kong isasara ang pinto ng may humawak doon at kita ko si Ginoong Romnick, na bitbit ang bag ko kaya agad kong nakuha iyon sa kaniya.

Bigla pa akong napapitlag ng magdaiti ang aming mga kamay, nabitawan ko agad ang kamay niya kasama ang bag na lalong kinanuot ng mukha nito.

"S-sorry.." Hingi kong paumanhin dahil nadaganan pala ng bag ang isa nitong paa, mabigat pa naman ang dala kong bag.

Napakurap ako at nakagat tuloy ang ibabang labi dahil sa kaba. Dahil sa kakaibang titig nito sa'kin. Napapikit ako sa sobrang kaba.

Patawad Po sa mga kamalian ko..

"Tsk. Matulog ka na." Narinig kong sabi nito na kinadilat ko at sumalubong sa'kin ang matiim na mga mata nito.

Marahan akong napatango kasabay ng pagtalikod nito.

Napahinga ako ng malalim bago kinuha ang bag ko at sinarado na ang pinto. Napasandig ako sa pinto habang hawak ang dibdib kong dumadagundong ang tibok.

Napapikit ako at pilit pinakalma ang tibok nito, kakaibang presensya kase ang nararamdaman ko sa Ginoong iyon. Malakas ang dating nito sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago dumilat at nilibot ang tingin sa loob nitong silid. Malawak at malinis ito.

Kinuha ko na ang bag at nilagay iyon sa ibabaw ng maliit na kabinet bago nagpunta sa kama at sumampa doon. Lumuhod ako at marahan hinawakan ang rosary ko, pinikit ang mga mata at nagdasal ng taimtim.

Panginoon ko, hindi ko man alam kung anong kahihinatnan itong pagpunta ko dito pero alam kong may magandang balita akong maidadala kapag bumalik na ako ng kombento, dahil alam kong hindi niyo Po pababayaan na mawala sa'min ang Kombento.

Maraming salamat din po sa taong nagpatuloy sa'kin dito, kay Ginoong Romnick. Gabayan at patawarin Niyo po siya sa kaniyang mga kasalanan.

Marahan kong idinilat ang aking mga mata matapos kong magdasal pero agad akong natigilan ng makitang nakatayo sa pinto si Ginoong Romnick, na may seryosong mga titig sa'kin. Napalunok pa ako sa kaba.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardOù les histoires vivent. Découvrez maintenant