Chapter 16

8.7K 303 5
                                    

RAQUEL
#KakaibangPakiramdam

"C-colosas.. a-anong ginagawa mo?" Pilit akong kumakawala sa yakap niya pero pinigilan niya ako, na ngayon ay nakayakap na sa beywang ko.

"Stay still and smile, sweetie." Itinaas niya ang hawak na cellphone at napagtanto ko na gusto niyang kuhanan kami ng litrato.

Nilusot niya sa beywang ko ang isang braso at yumapos doon sa tiyan ko. Wala akong magawa at tumingin na lang doon sabay ngiti ko ng tipid.

Matapos niyang pindutin ang harap ay kumalas din siya na may malaking ngisi sa kaniyang labi.

"Bumalik na tayo at baka hinahanap na tayo ng magulang mo." Pukaw ko sa kaniya, habang abala siya sa pagtitig sa cellphone niya. Ngumisi siya at napatango agad.

"Pakihawak ng phone ko may kukunin lang ako sa loob." Atubili kong nakuha ang cellphone niya. Siya naman ay pumasok sa loob ng kubo.

Napasulyap ako sa kaniyang cellphone, natigilan ako nang makita ang kinuha niyang litrato ngayon lang. Nakangisi siya habang ako naman ay tipid lang nakangiti.

Hindi ko alam pero bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko kase sa ayos na'min ay para bang may relasyon kami. Magkadikit ang aming katawan at 'yong pagyakap sa'kin ni Colosas ay animo'y hindi na ako pakakawalan.

Kakaiba ang pintig ng puso ko. May sakit kaya ako sa puso?

Pero sa tuwing nasa tabi ko lang naman si Colosas ay bumibilis ito. Iba ang pakiramdam nito kapag nandiyan siya. Iyong pakiramdam na parang kinakabahan, may takot pero parang nasisiyahan din? Mayroon pa na gusto ko din siyang makita kapag wala siya sa tabi ko? Hinahanap ko ang kaniyang presensya kung wala siya? Panatag ako kung nandiyan siya.

Ano kaya ang pakiramdam na ito?

"Let's go." Napapitlag ako nang may umakbay sa'kin. Si Colosas pala na hindi ko namalayan sa tabi ko.

Tumango ako at agad napasabay sa kaniya. Ngayon ay hindi na niya ako pinasan at nauna akong maglakad kasunod siya. Pero sa huling hakbang ko ay natapilok ako dahilan para matumba ako, pero biglang may humila sa'kin at natumba ako sa katawan niya. Kasabay din noon ang pag-ungol niya na parang nasaktan.

"C-colosas.." Napatingala agad ako para tingnan kung ayos lang ba siya, kase natumba kami sa lupa. Nasa ibabaw niya ako at siya ay nakahiga sa lupa, nakakunoot noo siya ng mariin habang nakatitig din sa'kin.

"Ayos ka lang? Hindi ka nasaktan?" Mabilis na tanong niya na ramdam kong may bahid ng pag-alala ang tono.

"O-oo.. ikaw, ayos ka ba? Nasaktan ka ba, Colosas?" Pag-alala ko din at gumaralgal pa ang boses ko nang makita ang pagngiwi niya.

Tiyak nasaktan siya dahil medyo mabato pa naman ang lupa na nabagsakan na'min. Hindi ko sinasadya na matapilok ako.

Nakita ko ang pagngisi niya bago umiling sa'kin.

"I'm fine kung ayos ka, sweetie." May bahid na biro ang sinabi niya.

"T-tumayo na tayo at titingnan ko ang likod mo." Maagap kong sabi bago gumalaw sa ibabaw niya. Pero napatigil ako nang biglang may tumusok na matigas na bagay sa may tiyan ko. Akma ko iyong kakapain nang biglang hawakan ni Colosas ang pulsuhan ko.

Nagtatakang tumitig ako sa kaniya. Nakita ko ang paggalaw ng bagang niya at naging matiim na ang pagtitig niya sa'kin. At saka marahas din ang paghinga na ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa mukha ko.

"What the hell do you think you're doing?" Parang na paos pa ang tono ng galit na boses niya, na para bang nahihirapan siya. Nakatusok pa din sa tiyan ko ang matigas at matulis na bagay na iyon. Napasinghap ako.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now