Chapter 17

8.6K 285 5
                                    

RAQUEL
#Madiskarte

Nakita ko ang pagkalas ni Tita mula sa yakap ni Tito. Lumakad siya palapit sa direksyon ko. Agad ko napunasan ang ilang butil ng luha sa aking mga mata.

"Iha, pasensya na kung hindi kita napansin. Alalang-alala kase ako sa anak ko." Paglapit niya at saka kinuha ang magkabilang kamay ko. Agad naman akong umiling at marahan napangiti sa kaniya.

"Ayos lang po. K-kasalan ko ang nangyari kaya ako po dapat ang humihingi ng paumanhin sa nangyari kay Colosas.." Mahina kong sabi bago ako yumuko.

Hinaplos niya ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya at walang bahid ng galit ang mukha at wala ding hinanakit. Bilang Ina ay alam ko na sobrang sakit iyon sa parte niya, na nakikitang nakahiga doon sa loob ang anak at nanganganib ang buhay. Iba ang sakit na mararamdaman ng isang ina para sa  anak nito at walang katumbas iyon.

"Hindi mo kasalanan, Iha. Walang may kasalanan sa nangyari." Tumango ako at hindi ko mapigilan na yakapin siya ng mahigpit. Doon ay tuluyan akong napahikbi. Ramdam ko agad ang pagyakap din niya at paghagod sa likod ko ng marahan.

Napakalas lang kami ng lumabas ang tiyak akong Doktor. Lumiwanag ang mukha na'min nang sinabi niya na nasa maayos nang kalagayan si Colosas. Nakuha na din ang mga bubog sa likod niya at ililipat ng bagong silid.

Ngayon ay mag-isa akong nandito sa loob ng silid ni Colosas. Malalim ang paghinga niya, habang nakadapa siyang nakahiga at natutulog sa higaan. Nakaupo ako sa gilid niya. Lumabas sila Tita para bumili ng pagkain. Alas otso na din ng gabi sa may relo sa itaas ng dingding dito sa unahan ng hinihigaan ni Colosas.

Napatitig ako sa mukha ni Colosas na dito sa gawi ko ang mukha. Bumagay sa kaniya ang malantik niyang pilik mata na maganda tingnan ang nakapikit niyang mga mata, ganoon din ang makapal niyang mga kilay na magkasalubong, napakatangos din ng kaniyang ilong, at saka maganda din ang hubog ng labi niya na mayroong manipis na bigote at bumagay doon sa labi niya papuntang magkabilang pisngi, mahulma din ang matatag niyang panga na kaylakas kung humatak. Katamtaman ang kulay kayumanggi niyang balat na lalong nagpadagdag sa taglay niyang malakas na awra. Kahit likod lang niya ay mapwersa na.

May mga benda sa likod niya na medyo nakabukas ang suot niyang damit pang-hospital.

Nahaplos ko ang gilid ng noo niya ng may kumawala na pawis doon. Kahit medyo malamig naman dito sa loob at maganda pa ang silid. Kompleto sa gamit kase may mga upuan at lamesita, mayroon pang nakasabit na flat na tv sa may dingding. Mayroon ding sariling banyo dito. Komportable at maganda sa pasyente.

Napaayos ako ng umungol si Colosas, kasabay noon ay ang pagmulat ng kaniyang mga mata. Nagtama ang aming paningin at ito na naman ang tibok ng puso ko, kaybilis rumagasa.

"C-colosas.."

"Sweetie.."

Magkapanabay naming bigkas. Akma siyang babangon ngunit agad ko din pinigilan. Kumunot ang noo niya.

"Huwag ka munang gumalaw at baka magdugo ang sugat mo sa likod." Marahan kong sabi na kinabalik naman niya sa paghiga. Pero akma na naman siyang titihaya ng pigilan ko. Napamura siya ng mahina pero umayos din ng makita ako. Pero ngumisi din sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Tita na may bitbit na mga poyo. Agad napalapit si Tita.

"Gising ka na, anak! Kamusta ang pakiramdam mo?" Bulalas sa tuwa na saad ni Tita, bago niyakap ang anak kahit nakadapa itong nakahiga.

"Shit. I'm fine, Mom." Palatak naman nito na para bang ang bata lang nang turing ni Tita kay Colosas. Napangiti ako kase ang sarap nilang tingnan. Ginugulo pa ni Tita ang buhok nito at saka hinahalik-halikan sa pisngi. "Stop it, Mom! I'm not a kid!"

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now