Chapter 9

8.9K 331 12
                                    

RAQUEL
#DELIRYO

"Maaari ko na bang makausap si Mr. Aragon?"  Lakas loob kong paglapit kay Ginoong Colosas habang nandito siya sa labas ng bahay at naninigarilyo, habang sa isa niyang kamay ay may bote ng alak.

Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng kinainan na'min habang siya ay kumuha ng alak sa refrigerator at pumunta dito sa labas.

"May okasyon bukas kaya hindi ka niya makakausap." Balewalang sabi niya na hindi ako nililingon. Dinala niya ang bote sa labi niya at saka ako sinulyapan. "Matulog ka na."

"Kailan ko ba siya maaaring makausap para makaalis na din ako dito sa bahay mo ng hindi na ako makakaperwisyo sa'yo?"

Tumigil siya sa akma niyang pagtungga muli at seryoso akong tinitigan. Pero ilang sandali ay napalitan ng ngisi ang mukha niya at saka nagkibit balikat ito.

"I don't know. Siguro kapag hindi na siya abala." Sabi niya bago tinuloy ang pagtungga ng alak niya.

Ayoko man makaramdam ng inis ay hindi ko maiwasan na umusbong iyon sa puso ko. Para kaseng walang gana o plano si Ginoong Colosas na makausap ko agad si Mr. Aragon. At pakiramdam ko ay sinasadya pa niya na hindi ko ito makausap.

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko mabasa kung ano ang kilos niya o iyong iniisip niya. Parang scramble na laro na mahirap isolve ang tamang letra.

"Kahit sandaling minuto lang ang kailangan ko ay hindi ba maaari? Kailangan na talaga akong makabalik ng Kombento. Tiyak nag-aalala na doon sila mother Isabella sa sitwasyon ko dito at hinihintay ang balita ko."

Mahaba kong paliwanag sa kaniya. Kung kailangan kong lumuhod upang mapapayag siya na makausap ko si Mr. Aragon ay gagawin ko. Si Ginoong Colosas lamang ang makakatulong sa'kin upang magawa ko iyon. Siya na malapit kay Mr. Aragon.

Natatakot na kase akong lumapit doon sa mansion na pakiramdam ko ay kinikilabutan na ako kahit sa gate pa lang ng bahay. Dahil siguro sa mga di kanais-nais na eksenang nasaksihan ko sa bahay mismo ni Mr. Aragon.

Sa presensya ni Ginoong Colosas ay pakiramdam ko ay ligtas ako. Sa kaniya ko lamang nadama ang kapanatagan. Ngunit hindi sa mga kilos niya laban sa'kin. Iyon ang isang dahilan kung bakit gusto ko ng makaalis dito sa bahay niya.

Mas natatakot ako sa maaari pa niyang gawin sa akin.

"Hayaan mo at kakausapin ko siya ukol sa pinunta mo dito." Lumiwanag ang mukha ko nang marinig iyon mula sa kaniya.

"Maraming salamat, Colosas!" Sambit ko sa galak na kita kong kinatigil niya habang nakatitig sa'kin.

"Huwag kang magsaya. Hindi ko pa siya nakakausap." Sita niya pero ngumiti pa din ako. May pag-asa kase na makausap ko na si Mr. Aragon.

"Salamat pa din, Colosas." Sambit ko na muli na naman niyang kinatitig sa'kin. Nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya bago siya tumalikod. Narinig ko ang marahas niyang paghinga na kinataka ko.

"Go to sleep. It's late in the evening." Utos niya na kinatango ko naman bago nagpaalam sa kaniya.

Pumasok ako sa ginagamit kong silid at sinarado ang pinto bago lumapit sa kama. Lumuhod ako sa sahig at marahan hinawakan ang rosary ko habang nakapikit ang mga mata ko.

Taimtim kong dinasal ang nangayri sa araw na ito. Nagpasalamat at humingi ng tawad sa Maykapal. Nang matapos ako ay humiga na ako at pinikit ang mga mata ko. Ilang sandali ay nakaidlip ako ngunit alimpungatan ako na parang may kakaibang presensya na nasa tabi ko. Kasabay noon ay may nalanghap ako na kakaibang amoy dahilan para bumigat ang pakiramdam ko, parang nahilo din ako kaya pagdilat ng mga mata ko ay malabo ang nakikita ko.

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon