Chapter 6

82 3 0
                                    

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kong may mga mali sorry na agad.

_____________________________________________________________________________________________________________

Chapter 6

Lord? Sign niyo ba talaga iyon? Ibig niyo bang sabihin may gusto talaga ako Clyde?

Paanong nag kagusto ako sa lalaking yon? Eh palagi ngang maiinit ang ulo ko sa kanya eh. Totoo ba talaga yong kasabihang "the more you hate, the more you love?"

Masisiraan na talaga ako nang bait, bakit ba naman kasi sa lahat nang lalaki sa kanya pa ako nag kagusto? Bakit hindi kay Terran o kaya kay Thyme o kong kanino man, bakit kay Clyde?

Sa buong oras na nakatayo siya sa may pintuan nang room namin habang kausap si Eli ay para akong hindi makahinga, ni hindi ako makatinggin sa gawi nila.

Pesteng yan wala naman kasi ako balak na sumali sa CAT eh, wala din akong balak na mag kagusto sa mayabang na yon kaya bakit ako nasa ganitong sitwasyon. Masisiraan talaga ako nang bait nang wala sa oras eh.

Hanggang sa nakabalik si Eli sa kinauupuan niya ay tahimik lang ako na nag iisip tungkol sa bagay na ngayon ko lang na realize.

I mean gwapo naman siya, matangakad medyo maputi lahat naman nang bagay na kagusto gusto ay nasa kanya naman pero hindi ako pwede mag kagusto sa lalaking yon, masyado akong ma pride para mag kagusto sa taong halos isumpa ko na dati.

Iniisip ko pa lang kong paano ako tatawanan nina Aaron ay nangingilabot na ako. Hindi talaga pwede tong nararamdaman ko.

Nang mag hapon ay agad na akong nag ayos nang buhok dahil may training kami, kinakausap nila ako pero hindi ako naki pag usap ni hindi nga ako maka tinggin kay Eli ngayon nalaman ko na pinsan niya si Clyde at minsan ko na siyang pinag selosan. Oo, pinagselosan talaga. Tanggap ko na sa sarili ko pero hindi talaga pwede.

Nang maayos ko na lahat nang gamit ko ay sabay ulit kaming apat na nag lakad papunta sa gym. Okay na naman si Eli hindi na masyado mapula ang mata, natakot ata talaga siya kay Clyde kanina nang suntukin nito si Levy.

Kahit ako natakot ang lakas eh, pasang pasa nga ang gilid nang labi ni Levy nang maka salubong ko siya sa canteen kanina.

Nang makarating kami sa tapat nang gym ay para akong matatae kaya naman tumigil ako at dahil nga kasabay ko sila at tumigil din sila at tumingin sa akin.

"Bakit?" Sabay sabay nilang tanong pero hindi ko alam ang isasagot ko alangan namang sabihin ko na kinakabahan akong makita si Clyde dahil parang tanga ang puso ko tahol nang tahol.

Umiling lang ako sa kanila bago sumagot.

"Wala, una na kayo naalala ko nga pala na nag papaantay si Terran sa akin" Mukha namang naniwala sila kaya sabay sabay na silang nag pasukan samantalang ako ay hindi na malaman ang gagawin sa labas nang gym.

Pabalik balik lang ako nang lakad hanggang sa makita ko na palapit na nang palapit si Clyde papasok sa gym. Sa kaba na baka makita niya ako ay isiniksik ko ang sarili ko sa isang gilid at doon mainam na nag intay.

Mula sa pwesto ko ay rinig ko na palapit na palapit ang kanyang yabag kaya talaga namang pinag papawisan na ako nang masama sa pwesto ko.

Ilang segundo lang ay nawala na ang yabag niya kaya naman na isipan kong sumilip pero agad ko din pinagsisihan ang ginawa.

Nakita ko si Clyde na nakatayo paharap sa pwesto ko pero hindi niya ako kita habang yakap yakap siya mula sa likod nitong si Farrah.

Para lang akong tanga na nakatinggin sa kanilang dalawa. Sa hindi ko maintindihang dahilan ay naramdaman ko na lang na may mga luha nang nalalaglag mula sa aking mata kaya naman agaran akong nag tatakbo papuntang gym.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now