Chapter 10

70 2 0
                                    

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kong may mga mali sorry na agad.

________________________________________________________________________________

Chapter 10

Saturday ngayon pero need naming pumunta sa school, ngayon kasi officially na matatapos ang training. Ililipat na nang mga officer sa amin ang kanilang mga posisyon. Weeks had been past ever since that call, pero hanggang ngayon kinikilig padin ako.

We act normal pag nasa training kami kasi commander ko pa din naman siya at aspirant ako pero pag hapon ay sabay naman kaming umuuwi.

Hindi ko pa directly nasasabi sa mga kaibigan ko ang sa amin dalawa ni Clyde but I think they already know dahil hindi na talaga ako nakakasabay sa pag uwi na sabi naman nila ay naiitindihan nila. Hindi ako yong taong mabilis mabasa ang ekspresyon sa mukha pero ever since na mag kamabutihan kaming dalawa ni Clyde ay parang puso na lang ata ang nakikita nang mga kaibigan ko sa akin.

Hindi ko sila masisi kasi ganon ang pakiramdam ko. Lahat nang aspirants na makakasalubong ako ay sasabihin na blooming daw ako. Na may jowa daw ako kaya ang saya saya ko daw lagi, na hindi na daw ako mukhang pinaglihi sa sama nang loob.

Grabe ang judgemental nila, ganon ba talaga ng itsura ko pag nasa training?

Bumaba ako mula sa aking kwarto. Wala akong nabutan dahil nasa trabaho si Papa at malamang tulog pa si Vergel. Nakakain na ako at na ipagluto ko nadin siya nang kakainin niya pag nagising siya.

Nang masiguro na wala na akong naiwan ay kinuha ko ang susi ko nang bahay at inilagay sa bag ko pagkatapos ay lumabas na. Naabutan ko si Clyde na naka hilig sa kanyang kotse. He's wearing a simple shirt and ankle pants. Suot niya din yong silver watch niya at specs.

Kulang na lang ay mag laway ako sa ka gwapuhan nang lalaking to.

Plano ko sana na gulatin siya but as cue bigla na lang siya napaharap sa akin kaya napairap ako.

"Why?"

"Balak kasi kitang gulatin pero naunahan mo akong makita"

"Alam ko na kasi ang amoy mo Clementine kaya alam ko pag nasa paligid ka lang" Kinuha niya ang dala kong tote bag at pinagbuksan ako nang pinto nang kotse. Nagulat ako nang makita ko si Eli na nakaupo sa likod.

"O my god! Eli? You're back?" Ngumiti ito sa akin bago kami nagyakapan kahit medyo mahirap dahil nasa likod siya nakasakay.

"Well, yeah. Dapat last week pa but Kuya and Two being so annoying ay hindi sila pumayag kaya wala na akong nagawa" Natawa ako. Sobrang protective lang kasi talaga nitong si Clyde kay Eli kasi wala siyang kapatid, only son tapos ang tanging pinsan niya lang ay si Eli at Kuya Elvis.

"Because you should be resting, let me just remind you halos maubos ang dugo mo dahil sa nangyari"

"You're so oa, Two. It just a minor bleed and beside I had enough rest already" Hindi ako nagsalita at nakinig na lang sa pagtatalo nilang mag pinsan. Kahit pigilan ko ay magtatalo lang sila so I just remain silent.

Nang makarating na kami sa school ay agad na bumaba si Eli at patakbong pumasok. Sinigawan siya ni Clyde na mag ingat pero hindi na ata nito narinig sa bilis nang takbo. Na miss ata yong school.

Nakaupo lang kaming dalawa, hawak niya ang kamay ko.

"Finally, tapos na yong training today"

"Remind ko lang ha, manliligaw ka pa hoy"

"I know, I'm very traditional just so you know kaya hindi ako papayag na maging tayo na hindi nalalaman nang Papa mo"

"We can just tell him after"

Rules of Love (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon