Chapter 2

134 5 0
                                    

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kung may mga mali sorry na agad.

_____________________________________________________________________________________________________________

Chapter 2

"We're not done talking Clementine" Nag-init agad ako dahil sa sinabi nya, naginit ako sa inis, isa yan sa pinaka ayaw ko ang tinatawag ako sa second name ko. Actually, yan na pala ang pinaka ayaw ko. I hate what he calls me. I hate how he calls me. I hate him!

Naiinis man dahil sa pag tawag niya sa aking second name ay pinigilan ko iyon bagkus pa ay humarap ako kay Terran.

"Terran mauna kana kina Eli susunod ako" Sinabi ko sa kanya, papalit palit pa ang tinggin niya sakin at kay Clyde bago siya tumango at patakbo nang umalis papunta kina Eli, ako naman ay huminga muna ng malalim bago humarap kay Clyde. Ang kanyang matang iritado na kanina ay mas iritado pa ngayon, ano bang meron dito? Bakit ba lagi ako ang pinagdidiskitahan.

May sinundan siya ng tinggin sa aking likodan bago ibinalik ang tinggin sa aking mukha hindi pa siya nakuntento don lumapit pa siya sakin. Gustong gusto ko nang mag tanong kong ano pa ba ang kailangan niya sakin, ako na lang ang natitirang aspirants, nakakaasar.

"What do you think are you doing Clementine" Sa loob loob ng isip ko ay may pumintig na inis ng marinig na naman ang pangalan na yon. I never wanted to hear that name ever again, for so long hindi ko na yon kailanman narinig bakit ba kailangan niya pang paulit ulitin.

"With all due respect Sir hindi ko po alam ang ibig niyong sabihin and also wag niyo po sana akong tawaging Cle-" Suminghap ako ni hindi ko mabanggit ang pangalan na yon.

"Clementine" There, I said it and I hope it will be the last time. He looks disbelief for what I just say. I don't care, whatever thing he wanted to make me do it's okay with me kaya kong tiisin yon just don't call me by my second name tapos.

"With all due respect too wala kang karapatan na pangunahan at sabihan ako kung anong gusto kong itawag sayo, remember I'm your commander" Alam ko yon pero hindi ibig sabihin non ay pag aari niya ako. I still have my rights at isa don ay para piliin kong anong gusto kong itawag sakin. He used to call me Villalobos why changed it suddenly?

"I know where I stand Sir pero hindi niyo ako pag aari o nino man, I can still choose whatever name I wanted to be call and I declined to be called Clementine. You can call me whatever name you want but not Clementine that's not me, Sir" Upon saying it memories of the past keep gushing, mga ala ala na kailanman ay ayaw ko ng balikan and this man who's in front of me is not fucking helping, darn it!

"I don't care about your sentiments. I'll call you whatever name I want, and I want it to be Clementine so suit yourself" Naiinis na talaga ako kunti na lang ay mauubos na ang kakarampot na pasensya na meron ako para sa kanya. Ikiniyom ko na lang ang kamay ko sa inis.

"Suit yourself too, Sir. Well then aalis na po ako kung wala nadin naman kayong sasabihin" Umalis na ako agad, tinawag niya pa ulit ako pero hindi na ako lumingon o bumalik, dumiretso lang ako sa bleacher para kunin sana ang bag ko pero wala na yon don naisip ko na lang na baka dinala nina Aaron.

Nang makaalis ng gym ay huminga ako ng malalim. Akala ko maximum na ang galit ko para sa Clyde na yon, yon pala hindi pa may mas ikakagalit pa pala ako.

Hindi ko na nakita sina Eli sa canteen mukhang umakyat na sila, nang ako ay paakyat na ay nakarinig ako ng malalakas ng tawanan sa gilid kaya napunta doon ang tinggin ko at nakita na barkada pala ni Terran yong nagtatawanan hindi ko na sana papansinin at aakyat na lang sana ako kaya lang ay nahagip nang paningin ko ang itim na bag na tabihan ni Terran, hawak hawak niya ito kaya naman naglakad ako palapit sa kong saan man sila nakaupo.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now