Chapter 30

43 4 0
                                    

Chapter 30

That word that he said to me linger in my head every single time, that moment I just froze. Hindi ako naka sagot sa kanya kaya naman natapos ang gabi na para bang nag iingat siya sa mga sasabihin niya sa akin. Hindi na din ako mag tataka kong iisipin niya na ayaw ko siyang pakasalan, na kaya lang hindi ako sumagot ay dahil ayaw ko siyang saktan.

Hindi naman yon ang dahilan, I badly want to say yes kaya lang nagulat lang talaga ako hindi naman yon ang inaasahan kong sasabihin niya sa oras na makauwi siya galing sa misyon niya sa ibang lugar.

If he's gonna say that he loves me then that's reasonable since we're not together for eight long months pero yong will you marry me? Nakakagulat kaya.

After that night nag patuloy lang ang mga araw ang pagkakaiba lang hindi na niya ulit binanggit ang tungkol sa bagay na yon kaya hindi ko maiwasang sumimangot. Inaantay ko na lang kasi na mag tanong siyang ulit para maka sagot na ako nang oo pero buwan na ay hindi padin siya nag tanong.

Nong anniversary nga namin mula nang mag kabalikan kami inisip ko na kaya ang bongga bongga nang restaurant na pinagdalhan niya sa akin ay dahil may hidden agenda siya kaya naman buong dinner ay kabado ako at todo practice sa isip nang kong paano ako sasagot nang oo turns out na hindi pala mangyayari.

Should I say I'm a little disappointed? I really thought kasi na uulit siya sa pagtatanong then hindi pala, well kasalanan ko naman I should be the one who explain it pero ako pa tong malakas ang loob na ma dissapoint.

Ewan ko din ba this past few weeks para na talagang nag babago ang attitude ko, dalawang buwan nang naka balik si Clyde mula sa misyon niya at dalawang buwan ko na din siyang nasusungitan. Mas madalas din na may mangyari sa amin kasi palagi na lang pag nakikita ko siya parang gusto ko na lang siyang halikan tapos ang ending may mangyayari sa amin.

It's weird pero hindi ko naman alam kong bakit ako ganito kaya hinayaan ko na lang.

Nasa hotel ako ngayon, mag babakasyon kasi kaming mag kakaibigan sa isang beach sa IloIlo, hindi siya yong pinuntahan namin ni Clyde noon pero malapit lang naman daw.

Si Mau, Carol at Terran pa lang ang nandito, si Clyde ay nabili nang maiinom habang inaantay namin si Julliana at Aaron. Si Julliana ay dumaan daw sa pedia ni Killian tapos si Aaron dinaanan ang jowa, sana all lover boy.

Nakaupo kaming tatlo habang nakain, actually ako lang. Nakain ko na nga din ang mga pagkain nila.

"Bakla ka patay gutom ka ba? Pagkain ko na yang kinakain mo" Hindi na napigilan ni Carol na sitahin ako pero imbes na mag salita ay sinamaan ko lang siya nang tinggin at inilayo ang pagkain na siya ang umorder at nag bayad.

"Naknang pinagdamutan pa ako ha, for your information ako ang bumili niyan, dugo't pawis ko ang pinambili niyan at isa pa bakit ba ang takaw takaw mo, kumain tayo sa inyo kanina ah?" Napaisip ako pero hinayaan ko na lang kasi hindi ko din naman alam kong bakit parang minu minuto na lang akong gutom.

Nag bangayan pa kami hanggang sa bumalik si Clyde dala dala ang kalamasi juice ko, masaya ko yong kinuha at ininom na agad nag pasimangot kina Mau at Carol.

"Bitch ang weird mo grabe, hindi ka naman umiinom niyan dati kasi sabi mo ang asim tapos ngayon naka ngiti ka pa? Ano bang hinihithit mo?"

"Si Clyde tinatanong pa ba yon" Sabay na tumawa si Carol at Mau dahil sa tinuran ni Mau samantalang ako ay napa irap na lang at patuloy na lang na kumain habang si Clyde naman ay halatang na weweirduhan na sa aming tatlo, kailan ba hindi.

Natapos ko na ang pagkain ko pero wala padin yong dalawa, saan ba sila sumundo sa north pole pa ba? Grabe ha.

Habang nag aantay kami ay tanong nang tanong si Clyde kong ayos lang ba ako pero sinusungitan ko lang siya kasi obvious naman na hindi tapos nag tatanong pa. Nang mahalata naman niya ay hindi na siya nag tanong bagkus ay nag paalam na may bibilhin lang saglit, ayaw ko man siyang payagan ay naka alis na siya agad kaya humarap na lang ako kina Mau na nag kwe kwentuhan, usually tungkol lang yon sa mga lugar kong saan nag shoot si Carol at mga lugar naman na pinuntahan ni Mau dahil sa trabaho niya.

Rules of Love (UNDER EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant