Chapter 16

44 0 0
                                    

Chapter 16

Umuwi ako agad nang gabi na yon, hindi ko din sinabi kay Clyde na nagpunta ako sa kanila kasi for sure hindi niya ako titigilan nang kakatanong kong bakit ako nag punta tas hindi man lang ako nag sabi.

Natapos ang exam at district na bukas. Wala namang ganap bukod sa lumipat sa school namin ang girlfriend ni Emman which is yong crush ni Eli.

Mukha naman siyang mabait so I tried talking to her, so she won't feel shy at us anymore. Eventually ay gagaan din naman ang loob niya sa amin pero si Carol mukhang hindi.

Ayaw niya don sa girlfriend dahil mukha lang daw bait baitan, hindi ko na pinansin kasi ganyan naman talaga si Carol sa mga taong una pa lang niyang na meet. Ganyan din ang akala niya sa akin nong una kaming naging mag kaibigan nong grade seven kaya sanay na ako.

Our school are preparing everything para sa district. I'm excited not because I get to watch games but because magkakaroon ako nang relax time kahit papano. At isa pa siguradong mag kikita kami ni Clyde dahil kasama ang school nila sa mga lalaban para sa district.

Nandito lang kami sa room, mag kakausap as usual. Nasabi na sa amin nina Mau at Eli kong anong narinig nila mula sa banyo nang mall nong nag punta kami. Kapag tumingin ka talaga kay Trisha hindi talaga halata kasi para talaga siyang anghel.

Mas mukha pa nga siyang mabait kay Eli kasi ang amo amo nang mukha niya pero hindi rin ibig sabihin non mabait talaga siya mga kaklase nga namin ang babait tingnan yon naman pala ang plastik. Napatunayan ko yon lalo nong nag kamabutihan kami ni Clyde kasi grabe ang daming nang plastik sa akin, ngayong naalala ko na naman ay napapairap na lang talaga ako eh.

Nang mag tanghali ay kasabay padin namin si Trisha sa pagkain pero ramdam ko na any minute hindi na mapipigilan ni Carol ang bibig niya kaya hinigit ko siya sa pinaka malayong pwesto kay Trisha.

Nagkahiwahiwalay kami sa canteen na ipinagpasalamat ko kasi hindi na malapit sa amin si Trisha baka mamaya hindi na talaga mapigilan ni Carol ang bibig niya wala pa namang preno ang bibig nito.

Nang maka order kami ay maglalakad na sana kami pabalik sa lamesa namin nang bigla naming narinig si Trisha na may sinisigawan sa gitna nang canteen.

Pinilit namin na makita nang maayos kong ano ang nangyayari, muntik na ngang mapa away si Carol para lang makasiksik.

Hindi ako makapaniwala sa lahat nang nakita ko na hanggang maka upo ay gulat pa din ako. Mula ngayon talaga makikinig na ako kay Carol pag sinabi niya na hindi niya bet hindi ko na din bet, katakot siya in fairness.

Pero akala ko doon na natatapos, simula pa lang pala. Isa isang naglabasan ang masasamang ugali niya simula nang araw na yon. May time na ibubunton niya kay Eli ang galit niya o kaya naman kay Carol kaya ang ending syempre nagkakasagutan sila.

Sumasakit ang ulo ko kahit hindi naman ako ang inaaway niya nakadagdag pa yong paglapit sa amin one-time ni Emman at kong ano anong katangahan ang pinagsasabi dito kay Eli. Ang kapal niya, magsama sila nang jowa niyang may kulang na turnilyo sa ulo.

Wala akong sinabi kay Clyde dahil baka bigla na lang yon sumugod sa school, protective pa naman yon kay Eli. Kaya pa naman namin na kami na lang muna kaya hindi na muna ako magsasabi.

Alam ko na hindi dapat kasi nangako kami dati sa isa't isa na walang sekreto pero siguro naman maiintindihan niya at isa pa busy siya sa school ang dami niyang ginagawa kaya wala na talaga akong choice kong hindi mag sinungaling.

Pero habang tumatagal ay palala na nang palala na halos hindi ko na napansin na talagang nagtataka na si Clyde sa mga kinikilos ko na iniisip na niya kong gusto ko pa siya. Naalala ko tuloy yong naging usapan namin one time, sobrang na guilty talaga ako nang araw na yon.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now