Chapter 38

34 4 0
                                    

Chapter 38

"Killian wag ka masyadong tumakbo mapapawisan ka, hindi ba binilinan ka na nang doctor mo, anak?" Rinig kong sigaw ni Julliana kay Killian habang nag aayos ito nang mga pagkain na handa nito dahil kaarawan niya ngayon.

"Alam ko naman po yon, nandiyan na po kasi sina Ninong at Ninang kaya na excite lang po ako pag buksan sila" Nakangiting usad ni Killian sa kanya ina.

"O siya sige pero wag na tumakbo anak" Tumango si Killian bago naglakad papunta sa pintuan habang ako naman ay dumiretso saglit sa kwarto para kunin ang regalo na binili namin ni Clyde para dito nong isang linggo.

Hindi na talaga ako dito nakatira pero dahil nasanay na ako minsan ang nag hahain nang pagkain at naghahatid kay Killian ay bago ako pumasok sa school ay nadaan ako dito. Sobrang busy kasi ngayon ni Julliana sa cafe dahil mag open na siya sa ibang lugar at para naman makabawas sa mga trabaho niya ay ako na ang gumagawa nang iba niyang gawain kay Killian.

Nang tuluyan ko na iyong nakuha ay dahan dahan ko itong ibinaba at ipanatong muna sa isang tagong lugar bago ko tinulungan si Julliana sa mga pagkain na inihain niya. Madami siyang niluto at ni isa ay hindi siya nag order dahil na trauma na ata siya nong one-time na nag order kami sa labas nang pagkain dahil pagod na kaming dalawa para mag luto at na food poison si Killian, grabe yong iniiyak at pag aalala namin noon na kahit si Carol na na sa ibang bansa ay mag damag naming ka FaceTime dahil din sa pag aalala.

Killian was our group baby kaya hindi talaga maiiwasan na lahat talaga kami ay sobrang mag alala kapag may kinalaman sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay siya pa lang din ang nag iisang bata sa barkada, kong hindi namatay si Heaven dalawa na sila pero alam ko naman na palagi niya din ginagabayan ang Kuya Killian niya at isa pa panatag ako kasi alam ko na hindi pinapabayaan ni Eli ang anak ko.

Nang maiayos na namin ang lahat ay nag paalam lang si Juliana na maliligo at mag papalit kaya naman ako na muna ang lumabas at sumalubong sa mga kaibigan. Hindi padin present si Carol pero alam ko ano mang buwan ngayon ay uuwi na siya. Wala din si Ceshiah at Nina dahil hanggang ngayon hindi namin alam kong saan sila nag punta, basta nang magkaroon nang gulo noon nag laho na lang din sila na parang bula. Though I have leads where Ceshiah is but still ay wala akong sinasabihan, I just know her, and she won't like it kapag pinuwersa namin siyang bumalik. Ceshiah has always been independent, she never depends to anyone.

Kahit nga nahihirapan na siya wala padin siyang sinasabihan kaya alam ko na kapag may nakaalam bukod sa akin kong na saan siya ay hindi niya magugustuhan. As much as I want her back, I will never force her.

Pag labas ko ay naabutan ko si Aaron na iniaabot ang regalo niya kay Killian tapos yong girlfriend naman niya ay kinukurot ang pisnge nang bata. Nang mamataan nila ako ay agaran silang ngumiti tapos ay ibinalik ang tinggin kay Killian kaya kay Mau ako lumapit na busy na busy na naman sa ipad niya.

"Hoy bruha birthday party to hindi meeting, anong ganap yan at dala dala mo na namang yang mahiwaga mong ipad?" Itinaas niya ang specs na suot niya at inirapan ako pero hindi ako nag patinag dahil hinablot ko mula sa kamay niya ang ipad kaya naman gulat na gulat siya.

"Tama na muna yang trabaho, mayaman kana mag pahinga ka naman" Wala nadin siyang nagawa dahil nang tumayo ako ay dinala ko sa kwarto ni Julliana yong ipad niya kaya naman lumapit nadin siya sa pwesto nina Aaron at sinimulan nang asarin ang inaanak, kahit kailan talaga eh.

Nang matapos si Julliana sa paliligo ay tinawagan na naman sila sa sala para kumain, hindi na namin inantay pa si Clyde dahil kaka alis lang non pupunta sa therapy session niya. So far so good naman, unti unti na siyang nawawalan nang bangungut sa gabi pero hindi pa completely kasi may gabi talaga na nagigising siya sa bangungut at hindi na nakakatulog.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now