Prologue

643 9 1
                                    

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kung may mga mali sorry na agad.

_____________________________________________________________________________________________________________

"Hoy sasali ka ng CAT? Namimigay na sila don ng application form" Tinuro niya yong gym kung saan namimigay ng application form. Nagtinginan naman kaming lahat mag babarkada.

"Ayaw ko jusko! Papahirapan ko lang sarili ko, gagawin lang akong alalay ng mga yan. Count me out!" Pagkasabi ni Che noon ay sabay sila ni Carol na nag punta sa cr, tapos yung iba naman ay nag puntang canteen. Apat lang kaming natira dito sa bench.

Kung ako din naman wala ka inte - interes, sayang lang yan sa oras tas nakakairita pa yong mga grade ten na officer siguradong pahihirapan lang kami. Mga mayayabang kala mo kung sino porket CAT Officer pweee.

"Nako! Sali ako syempre, handang handa akong magpaalipin, kay commander lang kakalampag hihihihi" Napairap naman ako don. Nagwagwapuhan na siya don? Kayabangan lang ang nakikita ko sa lalaking yon, pag nakikita ko yong naglalakad mistulang nasa palasyo nakakaasar, prinsipe ka? Bwiset.

"Ikaw Eli sali ka? Sasali kami ni Aaron! Sali ka nadin Dulce, papasa ka naman medyo malagong naman boses mo pag galit hahahaha" Hinihikayat kami ni Ceshiah. Saming barkada kasi kami na lang ang pwede niyang mapilit ayaw kasi talagang sumali ng iba at ganon din ako. Bakit ako sasali? Aanhin ko ba ang pagiging CAT Officer? Para may ipagmayabang? Katangahan.

"Ayoko nga, para san bayan? Pahirap lang eh!" Sinimangotan naman ako ni Ceshiah, sorry my friend wala yang magagawa ayaw ko talagang sumali.

"Ako sali ako!" Masigla namang bwelta ni Eli, ibig sabihin tatlo na sila at hindi na nila ako kailangang pilitin pa, ayos!

"Oh, baka magsisi ka ha! Tandaan mo hindi kasali si Levy, yung barkada lang niya" Binatukan niya si Aaron at sabay sabay kaming nag tayuan. Pupunta kasi silang gym para mag fill out ng form sasama ako dahil ayaw ko namang maiwan mag isa sa bench, dapat pala ay sumama ako papuntang canteen.

"Hindi no! Gusto ko talagang sumali, wag nga kayong judgerist, tara baka maubusan tayo ng form" Sinabayan ko na lang silang tatlo sa gusto nila. Iniisip ko padin kung bakit gustong gusto nilang sumali don.

Nang makarating kami sa gym nakita agad namin ang isang mahabang lamesa kung saan nakaupo ang mga matataas ang posisyon sa CAT. Hindi tuloy alam ni Aaron kung pano siya mag aayos ng mukha ng mamataan niya yong commander kuno na yon, napairap na lang ako.

Lumapit sila pero ako'y hindi, nanatili lang ako sa bandang likuran nila.

Habang nag fill out sila ay bigla silang nag bulungan at sabay sabay na tumingin sakin na weirduhan ako don pero hindi ko na lang pinansin. Nang matapos sila ay inabot na nila ang mga application form nila at dumiretso na sakin. Hindi pa kami nakakailang hakbang ay napatigil kami ng may tumawag sakin.

"Villalobos" Isang barito at maotoridad na boses ang nangibabaw saking pandinig. Bumaling ako sa aking likuran kung saan yon nanggaling at nakita ang isang matangkad na lalaki na may hawak na isang papel at nakatinggin sa direksyon namin.

"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko. Bakit naman niya ako tatawagin? Baka naman nagkamali lang ako ng rinig?

Habang nag iisip kong ako ba talaga yung tinawag ay napansin ko ang mga barkada ko na para silang nagpipigil ng tawa. Nakakaramdam na ako kung ano talaga ang ginawa nila, lumapit ako sa lalaki at weirdo naman niya akong tiningnan.

"Your signature" Itinuro niya pa mismo sakin kung saan dapat ako pipirma kaya napatingin ako sa papel na yon. Application form yon sa pagsali sa CAT at kitang kita ko na pangalan ko ang nakalagay doon. Lumingon ako sa mga kaibigan ko na mga nagtatago sa likod ng upuan dahil siguro sa sama ng tinggin ko, ang mga yawa!

"I'm sorry pero pinagtripan ata ako ng mga kaibigan ko hindi kasi ako nag fill out" Nag taas naman siya sakin ng kilay at parang hindi makapaniwala. Ipinatong niya ang papel sa lamesa at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pants niya at humilig sa lamesa. Tiningnan niya ako na para niyang kinikilatis ang buong pagkatao ko at sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot, ni hindi ko malabanan ang tinggin niya, nakakairita.

"Mukha ba kaming nakikipagbiruan? Pinagtripan ka man o hindi kailangan mo nang pumirma dahil nakasulat na ang pangalan mo, don't you think?" Inabot niya ulit ang papel nang hindi umaalis sa pagkakahilig niya sa may lamesa. Inabot niya sakin yon at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tumango na lang ako at inabot ang papel galing sa kamay niya. Inabutan niya din ako ng ballpen, lumapit ako sa lamesa kung saan siya nakahilig at pumirma na lang. Muntik pa akong mag kamali ng pirma dahil masyado akong naiintimidate sa presensya niya, nasa tabi ko lang talaga siya, malma!

Nanginginig pa ako ng iaabot ko ulit sa kanya ang application form, pinasadahan niya yon ng tinggin at umalis na sa pagkakahilig at bumalik na ulit sa pagkakaupo. Ako naman ay tumalikod nadin at nag simula nang mag lakad kung nasan sina Eli.

Hindi ko akalain na nang dahil sa kanila at sa hindi ko maipaliwanag na naramdaman nang araw nayon nandito ako sitwasyon na pinaka hindi ko inaasahan. Sitwasyong kahit kailan hindi man lang sumagi sa aking isipan.

Patuloy ang pagtulo ng aking mga luha habang pinagmamasdan siyang unti unti ng lumiliit sa aking paningin. Hindi ko kailanman naiisip na ganito pala kasakit makita siya unti unti nawawala sa aking paningin, unti unting nawawala sa buhay ko. Tandang tanda ko pa ang mga binigkas niya sakin.

"Be happy, that's my command. I'll always love you, my love"

Pumikit ako ng mariin at pilit nang tinaggap ang lahat. I'll always love you too, My commander.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now