Chapter 4

98 3 0
                                    

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kung may mga mali sorry na agad.

_____________________________________________________________________________________________________________

Chapter 4

Tumayo kami agad at umalis na sa clinic. Hindi ko alam kong ano bang nararamdaman ko, nakakaramdam ako ng mga emosyon na kahit kailan hindi ko naramdaman. Pakiramdam na para bang gusto ko ako na lang si Eli.

I feel like it's a selfish thing to think pero hindi ko mapigilan lalo na ng makita ko ang mga mata ni Clyde na alalang ala at ang kanyang mabibining haplos at kung paano niya alagaan si Eli.

Gusto ko ako yon, gusto ko na sakin lang ang atensyon niya tulad ng dati kapag nasa CAT kami, gusto ko ako lang.

Napasabunot ako sa sarili ko hindi ko maintindihan, nababaliw na ata talaga ako.

Dire diretso lang ang lakad ko papunta sa room namin kaya sunod sunod naman ang mura sakin nitong si Ceshiah pero wala ako sa wisyo para tugunin pa iyon. Nang sa wakas ay nakarating na kami sa room ay dumiretso ako sa upuan ko, naabutan ko na parang nagtatalo o nagaasaran si Aaron, Julliana at Nina.

"Nakakaasar ka talaga Aaron eh! Bakit mo ba tinanggap?" Nakasimangot si Nina habang gigil na gigil na nagtatanong kay Aaron, para na siyang naluluha na hindi maintindihan basta ang alam ko wala akong pake.

"Bakla! Paulit ulit na tayo eh hindi ko nga tinanggap bigla na lang niyang binigay at isa pa wala din naman akong balak tanggihan baka mamaya bigyan pa ako non nang demerits, kaya wag ka na maarte at kainin mo na lang napaka choosy mo binigyan ka na nga eh!" Hindi nag patalo sa irap si Aaron na siyang dahilan ng malakas na pagtawa ni Julliana, kawawa naman si Nina imbis na tulungan ni Julliana tinawanan pa siya.

"Aaron's right, what's wrong about it? Buti nga sayo may nagbibigay ng free lunch eh at isa pa concern lang naman sayo yong tao kaya imbis na nagmamaktol ka diyan at sisihin mo si Aaron kainin mo na lang yan, mahilig ka sa libre hindi ba? Yan na nga ayaw mo pa kaya bakla be thankful sa blessings!" Nag apir si Julliana at Aaron, naririndi ako sa kanila kaya tumayo ako at binitbit ang upuan papunta sa may gilid sa tapat ng aircon.

Tiningnan lang nila ako hindi naman sila nagtanong, buti naman. Ewan ko ba kong bakit iritadong iritado ako, hindi mawala sa isip ko yong tinggin ni Clyde kay Eli, ano bang meron sa kanila mababaliw na ako sa kakaisip, kaya naisipan ko na lang lumapit sa mga kaklase kong lalaki baka may alam sila.

"Oy! May girlfriend ba si Clyde? Kilala niyo yon di ba?" Hindi na naman sila nagulat na nandon ako, masaya silang kasama hindi kasi plastic.

"Clyde? Yon ba yong commander sa CAT?" Para akong asong ulol na tumango sa mga kaklase ko, nang makita iyon ay parang may iniisip pa sila na mabuti.

"Sa pagkakaalam ko wala pero baka meron madalas ko silang makita ni Alcotin sa may likod ng school parang naguusap tapos minsan naman sa parking ko sila nakikita kaya baka sila" So si Ember naman? Napaka babaero naman niya! Don't tell me igagaya niya ang kaibigan ko sa mga babae niya?!

"Teka? Hindi mo alam? Hindi ba nagsasabi si Eli? Sila ni Clyde yong madalas kong makitang mag kasama sa parking eh" Gulat na gulat ako na patinggin sa isa ko pang kaklase na bigla na lang nagsalita, si Eli? Tama! This past few days hindi siya nasabay samin pauwi, dahil ba yon kay Clyde? Hindi ko na kaya ang mga pagiisip na to!

Nagmamadali akong umalis sa harapan nila at kinuha ang bag ko sa gilid at walang pasabing nag marcha palabas nang room. Dire diretso lang ako at hindi pinapansin ang paulit ulit na sigaw nang mga kaibigan ko na nagtatanong kong saan ako pupunta.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now