Chapter 1

224 6 1
                                    

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kong may mga mali sorry na agad.

_____________________________________________________________________________________________________________

Chapter 1

Tangina talaga! Late na ako tapos hindi pa ako nakakapagayos ng buhok ko, mapaparusahan na naman ako eh, nakakaasar! Hinablot ko ang bag ko at dire diretso na akong lumabas ni hindi na ako nakakain at nakapag paalam, bwiset naman kasi ang aga ng training tapos pag nalate ng unti paparusahan ka agad with matching demerits pa, pisting yawa!

Habang nakasakay ako sa tricycle ay ipinupusod ko na ang tali ng buhok ko, nilagyan ko din ng kunting gel para hindi nakalawit ang oten chos lang yong baby hair talaga, baka mamaya gupitan pa to sayang.

Kumukulo ang tiyan ko habang busy ako sa pagaayos ng buhok. Kasalanan to nina Eli eh, papansin kasi! Sabi ng ayaw ko ngang sumali, kasalan din to tong pisting yawang commander ng CAT eh! Nakaka intimidate kasi siya, wala tuloy ako choice kung hindi pumirma at pumasok ng sobrang aga sa school para lang hindi ako maunahan sa pagpasok ng mga officers, kulang na lang ialay ko na sa kanila ang tickler ko dahil puro demerits.

Isang linggo na mula ng mag simula ang training. Buena mano ako, ako lang naman ang may pinaka madaming demerits for the whole week sa lahat ng mga aspirants, pano ba naman tuwing mag pipilian ang officer's nang mag command walang nakuha sakin kaya lagi akong sa commander na pupunta. Swertihan kapag may kasama ako pero madalas ako lang ang hawak niya kaya bawat kilos ko alam niya, bawat mali demerits agad, imbyerna!

Nang makarating ako ng school ay may sampung minuto pa naman bago mag time pero pakiramdam ko ay nandon na siya. Nagulo din ng kunti ang naka bun kong buhok kaya naman habang naglalakad ako papuntang gym ay inaayos ko yon at tulad ng inaasahan ay nandon na nga siya. Nakatayo siya sa gitna habang ang iba pa ay nakaupo sa bleachers at nagaayos din ng mga buhok.

Lumapit ako sa kanya at nag saludo, hindi niya agad tinanggap ang saludo ko kaya wala akong choice kong hindi mag intay. Tiningnan niyang mabuti ang aking itsura mula ulo hanggang paa, pwede naman niya siguro gawin yon ng hindi ako nakasaludo no? Nakakangalay kaya. Nang matapos niya akong kilitisin ay tinanggap niya na ang saludo ko, papaalis na sana ako ng mag salita siya.

"Demerits five, Villalobos . You're late" Wow naman demerits agad ang aga aga pa, agaran naman akong humarap sa kanya.

"Thank you, Sir!" Pagkasabi ko non ay tumalikod na ako at napairap. Kahit naman kasi bigyan niya ako ng one thousand demerits wala akong choice kong hindi mag thank you. Namataan ko sina Ceshiah sa may gilid ng bleachers kaya lumapit na ako sa kanila, naka ayos nadin ang buhok nila, natawa naman ako ng makitang nag e-emote si Aaron.

"Hahaha! Kay commander ka lang pala kakalampag ha! Edi galingan mo, sali pa more!" Inirapan niya lang ako, required kasi na mag pa semi kalbo ang mga lalaki. Hindi ata aware si bakla nong una at nabulag siya sa mga CAT officers na pogi kaya sumali siya, edi ngayon iyak iyak siya.

"May demerits ka na naman no?" Napatingin ako kay Eli na parang ang tanga lang ng tanong niya sakin.

"Magtaka ka kapag nakatiis yang Clyde nayan na hindi ako bigyan ng demerits, nabuhay ata yan para pahirapan ako, bwiset!" Tinampal ni Ceshiah ang kamay ko, natawa na lang ako sa ginawa niya. Bakit ba takot na takot sila? Sanay na ako sa demerits.

"Pero alam mo ang cute niyo, kong hindi lang namin alam na halos tuwing training ay yamot ka sa kanya iisipin na namin na may something kayo. Nakakapagtaka na kasi na halos araw araw kang nasa command niya" Napairap ako don. Nakakadiri, kami? May something? Mamatay muna ako bago yon mangyari.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now