Chapter 29

43 4 0
                                    

Chapter 29

Sa halos tatlong araw namin doon sa Iloilo ay wala din naman kaming ibang ginawa kong hindi mag kulong sa loob nang master's bedroom. Talagang tuluyan na ako nagiging manyak.

Sa totoo lang ay ayaw ko pa talagang umuwi nang araw na yon neither him pero wala na kaming choice dahil kailangan kong pumasok at siya naman ay tinawagan sa headquarters nila, mukhang may bagong misyon na ibinigay ang boss niya sa kanya.

Hindi naman ako nagtatanong sa kong ano anong misyon o kong sino ang misyon nila dahil alam ko naman na confidential ang lahat nang yon kaya lang syempre hindi naman mawawala sa akin ang mag alala sa kanya lalo nat nitong mga nakaraang araw ay hindi siya nakapag pakita sa akin.

Madalang lang din siya mag message pero nagsabi naman siya sa akin kong bakit. Nasa misyon siya ngayon sa ibang lugar, hindi siya makapag upate sa akin dahil mahina ang signal sa lugar kong saan siya naka assign. Ang tangi ko na lang nagagawa sa araw araw ay ang ipagdasal siya, humihiling sa panginoon na sana ay makauwi siya nang ligtas at walang kahit na anong galos dahil hindi ko alam kong anong mangyayari sa akin sa oras na may mangyari sa kanya.

Sa sobrang wala ako masyadong magawa dahil nga wala siya ay hindi ko namalayan na buwan na ang lumilipas, nag balik lang ako sa ulirat ko sa araw nang biglang naglapitan sa akin ang mga magulang nang aking mga estudyante at nag tatanong sa magaganap na recognition day.

Akalain mo yon first day nang pasok nang muli kong makita si Clyde, halos ilang linggo lang mula noon ay nagkabalikan kami tapos ngayon ay tapos na ang school year.

Totoo talaga siguro na kapag in love ka at kasama o naiisip mo palagi ang taong mahal mo hindi mo na mamalayan kong gaano kabilis natakbo ang oras o araw.

Nasa school ako ngayon kahit sabado dahil nag aayos ako nang mga report card nang aking mga estudyante, need na daw kasing maibigay ito sa teacher nila sa susunod na school year.

Busy ako sa pag double check nang mga papel nang bigla may nag lapag nang paborito kong inumin sa harapan nang lamesa ko, sa pag aakala na si Clyde ay naka ngiti akong tumingala pero agad na napawe nang makitang si Terran pala yon.

Masaya naman ako na makita siya dahil hindi ko na din to masyado nakakausap at nakikita dahil madami na siyang project kaya lang kasi ang akala ko talaga ay si Clyde, grabe miss na miss ko na siya sana naman matapos na ang kanyang misyon para makauwi na siya. Makauwi na siya sa akin.

"Parang biyernes santo ang mukha natin diyan ah... wag mo namang masyadong ipahalata na hindi ako ang gusto mong makita" Napairap ako sa kanya, alam na alam ko kasi kong bakit na naman siya nandito at nangaasar. Hindi ko sure ang detalye nang mga nangyari dahil narinig ko lang naman ang kwento kay Mau.

"Hindi ba dapat ikaw ang may pang biyernes santo na mukha?" Hindi na niya kailangan mag tanong kong bakit ko yon nasabi dahil paniguradong inasahan niya na na kwento na sa akin ni Mau ang lahat nang nasaksihan nito.

"Ang daldal talaga ni Mau kahit kailan no? Kailan naman niya nagawang e chickha sayo? Akala ko ba busy siya dahil inaayos niya na ang mga kailangang ayosin para sa ipapatayo niyang restaurant?"

"Para namang hindi mo siya kilala kakayanin niyang mag chicka nang balita tungkol sa mga kaibigan natin kahit gaano siya ka busy, tanda mo yong chickha niya tungkol don sa kaaway niya dati nong senior high? Di ba kwento niya yon agad over the phone kahit may ka chukchakan siya" Natawa na siya nang tuluyan nang e kwento kong muli ang pangyayari na yon. Ang tagal tagal na nong nangyari pero hanggang ngayon hindi ko makalimutan.

Bakit ba laging ako ang nakaka rinig at nakakita nang mga milagrong ginagawa ni Terran at Mau, palibhasa nang mga panahon na yon ay wala akong jowa.

Napatigil ako sa pag iisip nang mapa buntong hininga si Terran kaya naman kinuha ko ang dala niya drinks at hinila siya palabas hanggang sa may playground nang school, inupo ko siya sa may bench tapos ay tumayo ako sa harap niya.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now