Chapter 36

40 4 0
                                    

Chapter 36

"Terran akala ko ba ay may shoot ka ngayon? Bakit nandito ka na naman sa Comfee?" Hindi ko naiwasang mag tanong nang makita ko si Terran na papasok na naman sa cafe ni Julliana. Nandito siya kahapon at nasabi niya sa amin na may shoot nga daw siya, interview daw dahil sa isang project na ne lead niya sa may ibang bansa kaya nagtaka lang ako na andito na naman siya.

"Na cancel kasi, yong isa daw na architect na kasali sa project ay may duty sa hospital"

"Huh? Hospital?"

"Oo doctor daw eh, kaka bilib no? May lisensiya ka na bilang architect tapos doktor kapa patayan talaga yon sa pag aaral for sure"

"Online Interview ba yon? Hindi ba sa ibang bansa nakatira lahat nang ka team mo sa project na yon?"

"Oo online, madalas naman sa mga naka team ko ay pilipino din na nag decide na doon na tumira, halos lahat naman naka close ko maliban don sa isang architect nga kasi madalas sa email na lang niya sinesend yong mga design at mga pinabago o kong may nautusan siya ay ipinapadala na lang niya dahil alam mo na sobrang busy niya lang kasi talaga dahil halos araw araw din siyang may duty daw sa hospital" Sinabi niya yon nang mabilis habang busy siya sa pagsilip nang mga pastries na binake ni Julliana.

Actually medyo natuto nadin ako na mag bake pero hindi pa pwede na pang tinda katulad nang kanya. Simula nang medyo ma compose ko ang sarili ko at umalis si Clyde ay dito na ako madalas sa cafe niya nang matapos ang construction months ago, ang comfortable kasi nang pakiramdam ko kapag nandito ako. Ang sarap lang na panoorin ang mga tao na kumakain dito kasi parang wala silang ka proble-  problema, as if everything is just easy and that warms my heart big time.

Months has passed after that accident but the scar was still fresh as if it happened yesterday.

I couldn't sleep at night lalo na wala si Clyde sa tabi ko kaya naman madalas ako na mag kasakit kaya nag decide ako na mag resign na lang muna sa pag tuturo, wala naman akong balak na mag trabaho dito sa cafe ni Julliana but she insist kaya naman lumuwas ako nang Manila.

Nag uusap pa naman kami ni Clyde pero mas madalas ang hindi dahil mahina talaga ang signal doon. The last time I talk to him was like a week ago at sobra sobra pa ang pag aalala ko dahil nang matawagan ko siya thru facetime ay nakita ko na may mga galos siya sa mukha at braso. I'm asking him what's really happening, but he would just give me a smile.

Ang hirap lang na dahil na naman sa mga hayop nayon naghihirap padin kaming dalawa ni Clyde, everything looks so broken na hindi na namin alam paano buuin. Gusto ko silang makita na makulong sa kasalanang ginawa nila sa amin, sa anak namin pero mas gusto kong makitang muli na ligtas si Clyde, I can't lose him.

Nawala ako sa pag iisip nang bigla tumunog ang bell hudyat na may pumasok, sabay kami ni Terran na napatinggin at nagulat kami nang makita ang kapatid nang girlfriend ni Aaron ang pumasok. May kasama siyang babae na pamilyar na pamilyar sa akin, hindi ko alam kong saan ko ba siya nakita basta pamilyar talaga siya.

Dumiretso sila sa counter at umorder lang nang blueberry cheesecake tapos ay nag hanap na nang pwesto, doon sila umupo sa pinaka gilid.

Iniwan ko muna si Terran na hanggang ngayon ay hindi alam kong ano ang bibilhin. Meron namang maaring mag assist sa kanya, pwede ngang siya na ang mag assist sa sarili niya eh sadalas niya dito na saulo na niya lahat nang kailangang gawin kapag may customer.

Pumunta na ako sa kitchen at isa isa nang inihanda ang order, ako na din mismo ang nag dala since nakita ko na meron pang ina assist yong waiter tapos yong isa naman ay busy sa paglilinis nang mga iilang lamesa na may mga kalat pa.

Habang palapit na ako sa pwesto nila ay hindi ko naiwasan na marinig ang kakaunti bahagi nang kanilang pinaguusapan. Not that I wanted to hear all of those sadyang ipinanganak lang ako na may tenga.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now