Chapter 20

47 2 0
                                    

Chapter 20

Three weeks after we broke up ay nag pasya ako na pumunta nang hospital. Clyde's dad called me asking if I'm willing to donate and I said yes kasi gagawin ko naman talaga. Ipinaliwanag ko din na ang dahilan kong bakit hindi ako agad nakatawag ay dahil may sakit ako, which he completely understands.

Kasama ko ngayon ang kapatid kong si Vergel, hindi ko kasi alam kong mag ma-match ba kami kaya isinama ko na siya para pareho kaming e test. Nang sabihin ko yon kanina sa kanya ay wala naman siyang reklamo, agad naman siyang naligo at nag bihis pero alam ko sa loob loob niya na ang dahilan non ay gusto niya na din matapos ang lahat at tuluyan na kaming mawalan nang koneksyon sa nanay namin.

Hindi ko alam kong may alam ba si Vergel na ang bagong pamilya nang nanay namin ay si Clyde o ano basta pagkatapos nang araw na nag hiwalay kaming dalawa hindi na kailanman nabanggit ni Vergel ang pangalan nang Kuya Clyde niya na talaga namang nakakapanibago dahil simula't sapol na dumating si Clyde sa buhay naming tatlo ay palagi na itong bukang bibig ni Vergel.

Alam ko na kahit hindi mag sabi sa akin si Vergel ay nahihirapan din siya na wala na sa buhay namin si Clyde kasi talaga namang kapatid na ang turing nito dito. Kay Clyde niya nahanap yong mga katangian nang isang kapatid na wala sa akin katulad na lang nang may magtuturo na sa kanyang mag basketball, hindi ko naman yon magagawa kasi hindi naman ako marunong.

Naging tahimik nadin siya mula nang araw nayon baka kasi siguro bigla na lang niya masabi ang pangalan ni Clyde at mapaiyak ako, pakiramdam ko tuloy bigla kaming bumalik sa dati, yong iniwan kami ni Mama. Ganon ang naging pakiramdam muli nang pamilya namin kaya naman kahit ayaw ko nang malungkot ay hindi ko talaga maiwasan.

Sa totoo lang ay katulad ni Vergel ay miss na miss ko na din talaga ang Kuya Clyde niya, sobra pero alam ko din naman sa sarili ko na yon ang tama at nararapat na gawin.

It's not our time yet at kong ipipilit naming ang sarili naming sa isa't isa ay siguradong dadating ang oras na mag susumbatan lang kami at tuluyan nang makakalimutan kong bakit ba talaga naming minahal ang isa't isa at ayaw ko na humantong kami doon.

Ayaw kong makalimutan kong paano ko siya minahal, gusto ko na habang buhay na manatili lang yon sa aking isipan dahil yon ang klase nang pagmamahal na nag ligtas sa akin. Ang klase nang pagmamahal na lahat nang babae ay gugustuhing maranasan at ma swerte ako na naranasan ko yon sa kanya.

It's either we hurt each other now than hurt each other more and left more damages na hindi naman namin sigurado kong maaayos pa.

I was so lost in my thoughts when suddenly ay tumigil kami sa tapat nang hospital, iniabot ni Vergel ang bayad sa driver bago ako tuluyang alalayan pababa. Medyo masama pa ang pakiramdam ko at nanghihina pa ako dahil sa nangyari sa aming dalawa ni Clyde kaya naman todo alalay ang kapatid ko.

Pagpasok naming sa lobby ay agad naming namataan ang tatay ni Clyde na agad din naman kaming sinalubong dalawa.

"You're really here... by the way are you sure you're okay now?" He seems really concerned about my health that's why I can't stop myself but to wonder if alam na niya ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Clyde.

Nang tuluyan na kaming nakalapit sa isa't isa ay tumango ako bilang tugon sa kanyang tanong, ganon din ang ginawa nang kapatid kong si Vergel bago kami sabay sabay na naglakad paunahan.

Naglakad lang kami hanggang sa tumigil sa tapat nang isang kwarto na sa tinggin ko ay kwarto kong saan kami e test dalawa ni Vergel.

Pagpasok naming doon ay sumalubong sa amin ang isang nurse, iniwan kami doon nang tatay ni Clyde kaya naman agad kaming kinunan nang kong ano ano na kailangan daw para malaman kong match kami sa nanay namin.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now