Chapter 9

62 2 0
                                    

Disclaimer: Hindi po ako naging isang CAT Officer and yung mga terms na ginamit ko po dito is pinagtanong ko lang so kung may mga mali sorry na agad.

________________________________________________________________________________

Chapter 9

Nakalapat padin ang labi niya sa labi ko pero hanggang ngayon ay hindi ako maka move on. Totoo ba to o baka napasama talaga ng naging sabunot sa akin ni Farrah at kong ano ano na naman ang naiisip ko.

But then his lips are moving against mine so hindi ako nanaginip o nababaliw. Gusto kong sabayan ang pag galaw nang labi niya pero hindi ko magawa dahil mag pahanggang ngayon ay shock padin ako.

Kasi bakit naman maiisipan ni Clyde na halikan ako diba? Sino ba ako para halikan niya at isa pa nasa school kami for god sake!

When he finally stops moving his lips ay nagmulat na ako nang mata. Nakita ko kong paano unti unti niyang inalis ang labi niya sa akin at kong paano niya ako tingnan pagkatapos.

"I said stop biting your lips" But before I can even speak ay may narinig kaming nagsalita mula sa paligid.

"Clyde, mag uumpisa na ang training. Whatever you're doing just hurry up" Yon lang ang sinabi ni Thyme bago kami tuluyan nang iniwan ni Clyde. Nagkatinginan ulit kami bago niya ako tuluyang itayo nang ayos.

Hindi ako maka galaw at parang hindi nadin ako makahinga dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa. It's my first kiss!

"Let's go" Nauna na siyang naglakad na para bang hindi niya ako biglang hinalikan kanina. I mean I am thankful kasi iniligtas niya ako pero sana hindi niya ako hinalikan nang basta basta tapos ay iiwan lang na parang walang nangyari.

Nang tuluyan kaming makapasok sa gym ay nagtinginin sila sa amin. Alam ko naman na kaya sila tumingin ay dahil late kami pero ewan ko ba pakiramdam ko lahat nang tao dito nakita ang halikan namin sa hallway.

Pumunta na ako sa hanay ko at nag antay katulad nang lahat nang aspirants kong sinong officer ang kukuha sa amin. Sure ako na hindi ako kukunin ni Clyde at ipinag dadasal ko naman talaga na wag niya akong kunin. Pero ayaw ko din na kunin ako ni Thyme, kasi feeling ko talaga kahit hindi na mag kalapat ang labi namin ni Clyde nang mag salita siya ay alam niya ang nangyari.

Halos hindi ako makahinga kapag lalapit si Thyme at kukuha nang aspirants. Ibigay niyo ko sa iba basta wag lang sa dalawang to!

Pero nang tumapat sa akin si Thyme ay alam ko na nakukunin niya ako at hindi naman ako nagkamali. Sumunod ako sa kanya papunta sa ibang aspirants na pinili niya, pinagpasalamat ko na lang na kasama ko si Aaron.

Nang bumalik ang tinggin ko ay nakitang kong si Farrah na naman ang kinuha ni Clyde pero hindi gaya dati ay masamang masama talaga ang tinggin nito. Kawawa siya dahil isang linggo kaming hindi maaring makatanggap nang merits tapos kay Clyde pa siya napunta.

Nag simula ang training pero hindi gaya dati ay hindi na ako masyado nahihirapan kasi nagamay ko na naman, ilang linggo na din naman namin tong paulit ulit na ginagawa tuwing umaga at hapon. Hindi tuloy ako makapaniwala na ilang linggo na lang ay tapos na kami sa training. Kahit inis talaga ako na kahit ayaw ko ay isinali ako nina Eli ay na enjoy ko din naman kahit papano ang experience.

Nang matapos ang training ay agad akong nilapitan nina Aaron kaya nawalan ako nang chance para lapitan si Clyde at tanungin kong bakit niya yon ginawa kanina. Nang lubayan naman ako nang mga kaibigan ko ay wala na si Clyde sa gym.

Napamura na lang ako.

Umakyat kami sa room namin pero ni isang beses ay hindi nawala sa isip ko ang nangyari bagkus para pa itong sirang plakang paulit ulit sa isip ko. Kong paano niya igalaw ang labi niya at kong paano niya ako titigan nang wala sa oras.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now