Chapter 12

54 3 0
                                    

Chapter 12

Mabilis na lumipas ang mga araw. Mamayang gabi na ang aming prom, halos isang buwan din naming pinaghandaan ang pagdiriwang na to.

Matikuloso kasi ang school lalo na sa tradition nilang sayaw, dapat kasi isang sayaw lang ang mangyayari kasi ganon naman talaga pag prom pero dahil sa tradition nilang yon ay naging tatlo.

Kong ako ang tatanungin hindi naman ako naniniwala sa pinagsasabi nila tungkol sa huling sayaw na changing partners. Wala naman silang scientific explanation na ang huling makaka partner mo don sa part na yon ay malaki ang magiging ambag sa buhay mo.

Nasa bahay ako ngayon, nandito din si Papa at Vergel. Nasa baba kaming tatlo pati yong nag aayos sa akin. Pwede naman na mag pulbo at lipstick na lang ako pero ayaw pumayag ni Papa dahil minsan lang naman daw ako magkakaroon nang prom, sus ang sabihin niya gusto niya lang ako mag ayos para kay Clyde.

Sobrang naging close siya kay Clyde simula nang araw na pinakilala kuno ko siya. Kahit hatid sundo ako ni Clyde o aalis kami pag weekends ay walang reklamo si Papa, mas excited pa siyang makita si Clyde kesa sa akin. Yong totoo Papa ako ba yong nililigawan o ikaw?

Long gown ang pinili kong isuot, maiirita lang ako pag ballgown wala naman kasi ako kahilig hilig sa mga ganito, minsan nga lang ako mapag susuot ni Papa nang dress mas komportable ako kapag mga jeans, short tas mga basic tops lang.

Nang matapos na akong ayosan ay agad na sumalubong sa akin ang cellphone ni Papa.

"Ang ganda diba? Ano oras mo nga pala dadaanan ito?" Napairap ako kasi alam ko na kong sino ang kausap niya. Sa mga movie o story na nababasa at napapanood ko madalas yong nanliligaw ang update nang update sa magulang lalong lalo na sa tatay pero ang sitwasyon namin ngayon ay kabaliktaran nang nangyayari sa mga yon.

Nag u-update naman si Clyde kay Papa pag lumabas kami pero kapag nandito ako sa bahay at hindi kami mag kasama ay halos sabihin ni Papa ang lahat nang ginagawa ko, baka pati pag hinga ko ay sinasabi niya kay Clyde. Ganito ba talaga niya ako kagustong mag ka boyfriend? Grabe ha, ang effort.

"Papa! Patayin niyo na nga po yan makikita din naman niya ako mamaya eh"

"Alam ko yon anak pero gusto ko lang na makita ka na niya agad" Tumawa pa ito bago ibinalik ang tinggin sa camera nang cellphone niya kong saan ka video call niya si Clyde. "O siya nga pala Clyde, iho anong oras mo ba susunduin ito para makapaghanda na siya"

Hindi na ako nakinig at umakyat na sa taas para maka pag bihis na, sigurado naman na okay na si Clyde kaya maya maya nandon na yon sa baba at ka chikahan na si Papa at Vergel.

Nang maisuot ko ang gown ko ay humarap ako sa salamin. Buti na lang kahit papano ay may kurba naman ang katawan ko kong hindi ay talaga namang mag mumukha ako kawayan sa gown kong ito.

Kinuha ko ang mini bag na dadalhin ko at saka lumabas na sa kwarto, nagulat lang ako nang makitang nandon si Clyde sa gilid at nakasandal sa pader.

Lord, bakit naman ang pogi nang tao na to? Alam ko sawang sawa na kayo sa kakasabi ko na ang gwapo niya pero lord, hindi niyo naman po ako masisi kasi ang pogi niya talaga.

Alam mo yong feeling na pag naka tinggin ka sa kanya parang nanaginip ka kasi syempre sa gwapo ba naman nang isang to ay sa akin pa nag kagusto. Kong tutuusin napaka daming nakapila sa kanya pero ang pinili niya ay ako pa din, kahit ilang beses niyang sabihin sa akin na tigilan ko na ang pag iisip na baka niligtas ko ang mundo dahil siya ang nabingwit ko ay hindi ko maiwasan.

Nang mapansin niya ako ay umalis siya sa pagkakasandal sa pader at agaran tumingin sa akin nang diretso. He eyed me from head-to-toe bago ako hinila para mayakap.

Rules of Love (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon