Chapter 24

50 5 0
                                    

Chapter 24

My life as a teacher was hard but fun and enjoyable. Seeing the kids write and colored their notebooks happily makes me happy too. It's peaceful.

Been doing this job for a quite long time but it still feels like it's my first-time teaching.

Nakaupo lang ako sa lamesa ko habang nag aantay nang mga estudyante ko. This is my third batch so I'm quite excited but kinda nervous since hindi ko alam if magugustuhan ako nang mga bago kong estudyante.

I was writing something nang makarinig ako nang mga yabag, alam ko na estudyante yon kaya hindi agad ako tumingin dahil may mahalaga akong sinusulat pero nang marinig ang boses nang pumasok ay nagulat ako at napatigil sa pagsusulat at napaangat nang tinggin.

Nagkatitigan kaming dalawa, halata sa mukha niya na nagulat din siya na makita ako.. Ilang minuto kami nagkatitigan hanggang sa mag salita ang batang kasama niya kaya doon dumako ang tinggin ko.

Isang cute na batang babae na kamukhang kamukha niya ang nakita ko na nakahawak sa kanyang mga kamay.

The girl keeps on pinching his hands as a signal that she wanted to go to her seat already, so I decided to stand up and lead them both in her seat.

If I'm not mistaken, she's Milani Reyes so she's assigned to seat in the back part of the room. Nang makarating kami sa harapan nang upuan niya ay hila hila niya padin si Clyde hanggang sa makaupo ito, kinuha niya mula kay Clyde ang kanyang bag at inilabas ang kanyang coloring book. Binitawan niya ang kamay ni Clyde at nag umpisang mag kulay kaya naman naiwan kaming nakatayo ni Clyde at nakatinggin lamang pareho sa bata.

Nang masiguro niya ata na ayos na ay napatinggin ito sa akin kaya hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong gawin. Dulce, ano ba may anak na yong tao umayos ka!

"Hi" Narinig kong sabi niya kaya naman hindi ko na naiwasang mapangiti sa kanya, gumanti din ito nang ngiti bago inilahad ang kamay nito. Nalito ako kong bakit niya yon ginawa pero ipinatong ko padin ang kamay ko sa kamay niya na nakalahad.

Nakaramdam agad ako nang elektricidad nang mag lapat ang aming mga kamay kaya kahit hirap ay humarap ako sa kanya at nakitang nagtataka siyang nakatinggin sa kamay ko na nakapatong sa kamay niya.

"I mean lead the way not give your hand" Kung pwede lang na lumubog ay ginawa ko na. Grabe nakakahiya ka Dulce, bakit nga naman maiisipan mo na gusto niyang hawakan ang kamay mo? Jusko may asawa na ata at anak yan, umayos ka Dulce!

I didn't know how to act after what he said, after that embarrassing thing that happen.

Aalisin ko na sana ang kamay ko nang bigla niyang pagsiklutin ang mga kamay namin at hinigit ako hanggang sa maihatid niya ako sa may lamesa ko kong saan ako nakaupo kanina.

Am I dreaming right now or hallucinating... maybe? Did he really just held my hand and walk me in my table?

Ramdam ko na namumula na ang mukha ko pero nanatili lang ako nakatayo dahil hindi ko talaga alam kong ano ba ang dapat kong gawin. Mag kahawak kami nang kamay at hindi gumagana ngayon ang isip ko dahil tibok nang tibok ang puso ko punyeta naman.

"Will you keep holding my hand like how Milani holds it?" Lahat nang naiisip ko ay biglang nawala nang magsalita siya at nakatinggin sa akin tapos ay baba sa kamay namin na hanggang ngayon ay mag kahawak padin.

Sa gulat ko ay agad kong nahigit ang aking kamay at biglang napatalikod sa pwesto niya. Alam ko mukha na akong tanga pero ayos lang kesa naman makita niya kong gaano kapula ang mukha ko, kong gaano padin kalakas ang epekto niya sakin.

I heard him chuckled and my son of a bitch heart had the audacity to beat so fast just because he chuckles, the hell.

"Good to see you, Cher Dulce" That's the last word I heard from him bago siya tuluyan nang umalis, as soon as I heard the door close ay agad ako napahawak sa lamesa ko at ang isang kamay naman ay sa banda nang dibdib ko.

Rules of Love (UNDER EDITING)Место, где живут истории. Откройте их для себя