Chapter 37

28 4 0
                                    

Chapter 37

I'm on my way to the therapist, this is my last session then I'm finally done with every counseling. Every session ay sinasamahan ako ni Terran, he would stay outside and wait for me then drive me home after. May mga araw na nakakatawag ako kay Clyde at sinasabi niya sa akin na bawat kilos at progress ko sa therapy ay sinasabi sa kanya ni Terran, sa sobrang pasasalamat daw ata ni Clyde ay baka mayakap niya si Terran sa oras na makauwi na siya.

Natatawa na lang talaga ako kapag naalala ko, never in my life kasi na naisip ko na magkakasundo silang dalawa. Sobra kasing mag kaiba yong ugali nila in terms of pakikisama but when it comes to their dedication and passion to do there job right? Talagang mag kakasundo silang dalawa.

Ngayong araw nag decide ako na wag nang mag pasama kay Terran, alam ko din naman na madami siyang mga gawain lalo na finally tinanggap na niya yong offer sa Italy. After so many months finally natatauhan na siya na hindi niya kailangang itigil ang buhay niya.

Pag dating ko sa tapat nang office niya ay agaran akong kumatok hindi naman nag tagal ay bumukas yon at bumungad ulit sa akin ang nakangiting mukha nito. Iginaya niya ako na maupo ulit doon sa usual na upuan na inuupuan ko kapag nandito ako bago siya bumalik sa kinauupuan niya kanina.

"You're not with Terran?"

"No... I decided to go alone, beside he's busy with something"

"Yeah, about the Italy thingy" she said it as if she really knows about it, I just shrugged it off my mind and just wait for her to finish what she's doing.

"Well, congratulations, I guess. I remember how hesitant you are when we first meet but now look at you. You can now easily go to me, talk to me about your unsaid feelings without hesitations and I'm so thankful for that" I smiled at her, kahit ako din naman hindi ako makapaniwala na dadating ako sa punto na ganito. Punto na kaya ko nang sabihin lahat nang sakit na dinidibdib ko, punto kong saan parang hindi ko na kayang mag tago nang nararamdaman ko kapag nasasaktan ako.

"So, for today I just want you to express how you feel towards the person or persons that you really miss a lot. Do you have someone in mind?" Someone that I miss. Huminga muna ako nang malalim at nagsalita tungkol sa mga imahe nang tao sa isip ko na talagang namang miss na miss ko na.

"My baby girl Heaven, she died a year ago. We were chase by someone hanggang sa bumangga na lang kami sa isang poste, I was seven months pregnant that time. All my life kapag may nawawala sa buhay ko nawawalan na ako nang pakielam kasi nasa isip ko na baka ganon lang naman talaga ang buhay may aalis, may dadating" I smiled at her as the memories of all the session we had flash into my minds. All the hardship, the pain and all the tears that I shared by simply talking about what happened.

I never thought that this day would actually come, me talking about what happened na wala nang paet at sakit na nararamdaman. To open up to someone I'm not really close with, basically a stranger.

"Noon nong mga babago pa lang ang pangyayari nayon sinira ko ang pananaw ko kasi ayaw tanggapin nang isip at puso ko na wala na yong anak ko. Ayaw ko man na kwestyunin ang panginoon hindi ko napigilan, hindi ko kinaya na hindi mag tanong, bakit ganito? Bakit kailangan lahat nang hirap sa buhay na maaring maramdaman nang isang tao ay parang ipinaparamdam niya sa akin?" Clyde brings me back to god's presence again and I almost look back at him again because of the pain, because that time it was not bearable. Pakiramdam ko wala nang kabuhay buhay sa mundo, pero kahit ganon pinilit kong mag pakatatag siguro dahil nasanay ako na ako palagi ang nagabay sa mga tao sa paligid ko na kahit wasak na wasak ako gusto ko padin gabayan sila.

Nasanay ako na wala naman akong ibang tatakbuhan kundi ang sarili ko na kahit mamatay matay na ako sa sakit hindi ko iyon ipinakita sa kanila, pinilit kong mag lapag nang ngiti sa labi ko kasi alam ko na ako lang din ang aasahan nila, kasi sa mga nakaraang taon ganon naman talaga ang sitwasyon para sa amin.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now